Chapter Seventeen

80 8 3
                                    

Daisy

Hindi pa rin mawala-wala sa aking mga labi ang ngiti simula noong nakaraang week. Halos the whole week nga ata akong good mood. Ikaw ba naman mastalk ng crush mo.

  Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko habang tumatambay kami sa isang bakanteng room at naghihintay sa next class, which is ang class namin kay Miss.

  I can't wait to see her.

  "Parang tanga ka na talaga, Daisy. Tanggalin mo na nga 'yang ngiti sa labi mo. Walang nakakatuwa sa araw na ito, puro long quiz!" tugon ni Daniel habang sumusubo ng kanyang hawak-hawak na burger.

  Inirapan ko ito at mas lalo lang ngumiti. "Pake mo ba? Inspired 'yung tao eh."

  "Kay miss na naman? Ikaw, nagiging pabida ka pa naman kapag sa klase na ni miss. Sobrang halata talaga," malakas na tugon ni Daniel.

  Ito namang mga chismosang kaklase ko ay nakitawa rin. "Crush mo ba si miss, Daisy?" biglang tanong ng isa sa kanila.

  "Sinasamba niya 'yan!" sabat ni Daniel.

   Hinampas ko ang braso nito at tsaka tinignan ang nagtanong. "I admire her," pakipot kong sagot.

  "Same!"
  "Uy ako rin!"
  "Ako nga gusto ko siyang ligawan."
  "Omg? I have a girl crush sa kanya."
  "Ako rin, ang ganda niya eh."
 
   Sunod-sunod ang mga sagot ng mga kaklase ko na nagpaismid sa akin. Anong pinagsasabi ng mga ito? Anong same? Dapat ako lang, aba! Mga gaya-gaya naman.

  "Hay! Ang daming bakla dito sa accounting!" wika ni Daniel.

  Natawa naman sa kanya ang aking mga kaklase habang ako ay napanguso.

  Ang daming may crush kay miss! Nakakainis. Dumarami ang nagiging karibal ko everyday. Hindi ba pwedeng bawas-bawasan niya muna ang kanyang ganda?

  Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya nagpaalam muna akong bumaba para bumili ng pagkain. Gusto kong kumain ng maruya. Tahimik kong binaybay ang daan patungong back gate ng school namin, naroon kasi ang nagbebenta ng sulit na maruya. Ngunit bago pa ako makarating ay may pamilyar na pigura akong napansin sa parking lot. May kasama itong matangkad na lalake na nakasuot ng white polo with school logo namin at pareho silang tumatawa.

  Napakunot ang noo ko. Hindi naman sila mukhang close pero bakit panay ang tawa ni Miss?

  Mas lalo akong nabigla nang napatingin si Miss sa gawi ko at binawi kaagad nito ang tingin.

  Okay? Ignored for today's video?

  Gusto ko pa sana itong tawagin ngunit tumalikod na ito sa gawi ko at napansin kong inabot nito ang kanyang hawak-hawak na gamit sa lalake na agad namang tinanggap nito. 

  Ouch?

  Ang cravings ko sa maruya ay agad na nawala. Nakanguso akong bumalik sa classroom na tinatambayan namin. Nadatnan ko pa ang mga ito na tumatawa pero hindi ko na sila pinansin.

  Walang hiya, nakakaselos naman!

  Hanggang sa maglipat classroom kami ay bad mood na ako. Mabuti nalang hindi ako kinulit ni Daniel at ng iba naming kaibigan.

  "Daisy, saan tayo uupo?"

  "Diyan, sa harap." Nguso ko sa front chair. Walang masyadong umuupo dito dahil ayaw nilang maki-face to face kay miss. Well, ako, I can.

  Ilang minuto pa ay nagbukas na ang classroom at pumasok ang babaeng laman ng isip ko. I won't deny it, she's really gorgeous. 'Yung ultimong ang simple lang ng outfit niya pero ang lakas ng dating.

Daisy Is Under Her SpellWhere stories live. Discover now