Chapter Fifteen

78 9 0
                                    

Daisy

Nakanguso ako habang kaharap ngayon ang mga gamit kong nakakalat. Ilang beses ko kasing kinulit si miss na isabay na ako pauwi, pero hindi pa ito nag rereply. I know, baka irritated na 'yun sa akin. Eh paano ba naman kasi, alam kong the way to a woman's heart is through her nerves kaya. Hindi kasi ako marunong magluto kaya hindi ko kaya ang through her stomach. Magka-diarrhea pa 'yun tapos ako ang dahilan.

  "Anak, anong oras ka ba babyahe?" tanong ni papa na sumilip mula sa pinto ng kwarto ko.

  "Mamaya po pa. Makikisakay ako."

  "Kanino?"

  "Depende po kung sino ang magpapasakay sa akin," sagot ko naman.
 
  Napakunot ang noo ng ama ko. Nasa bahay lang ito ngayon kasi tuwing Sunday ang day off niya.

  "Aba paano kung wala? Maging sigurista ka nga," sagot naman nito.

  Nag-kibit balikat lang ako. "Trust me, pa, meron 'yan."

  Hindi na ito sumagot at umalis na. Kinuha ko naman muli ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng side table at tsaka tinignan ang messages ko.

  No reply from miss, tapos meron namang isa kay Bianca.

Bianca:
Hey, byahe tayo after lunch. Is that good?

  Napatingin ako sa orasan. Alas-dyes pa ng umaga. Mamaya pa kami aalis may time pa akong mamilit na kay miss sumama.
 
  Pero paano na 'yun? Nauna akong pumayag kay Bianca?

  Napanguso naman ako. Oo nga, ang sama ko naman na iditch nalang si Biancs dahil sa kalandian ko.

  Ilang minuto pa, biglang may tumawag sa cellphone ko.

  Bianca calling...

  "Bianca?" tanong ko nang masagot ko ito.

  "Oh my gosh, Daisy. I just found out na my car needs repair. Baka hindi natin ito magamit papuntang city. Hindi rin kasi pwedeng gamitin ang sasakyan nina papa at mama, wala na kaming ibang service. Sorry talaga, okay lang ba mag bus tayo?" mahaba at dere-deretso nitong tugon.

  Napatango naman ako, at nang ma realize ko na hindi ko pala ito kaharap, sumagot ako. "Ah, oo. No problem, Biancs. Sana maging okay na 'yun."

  "Kaya nga, sobrang useful pa naman nun kapag sa city."

  "So anong oras tayo?"

  "Uhm, I can come there maybe mga around twelve? Tapos tricycle nalang tayo papunta sa paradahan ng bus. Is that cool?"

  "Sure, sure. Message mo lang ako. Bye!"

  "Thanks, Daisy. See you!"

  Nang maibaba ko ang tawag, agad akong nagsimulang magligpit. Baka kasi maabutan pa ako ng anong oras. Pagkatapos kong magligpit ay nauna akong pinakain ng lunch ni mama, upang hindi raw ako mag madali mamaya.

  "Baunin mo ito, baka magutom ka sa byahe. Tapos bigay mo naman ito kay Bianca baka walang baon na pagkain 'yun." Pinag-aabot ng ina ko ang iba't-ibang tupperware at mga supot ng pagkain na gusto niyang baunin ko. Akala mo talaga isang buwan ako babyahe eh. Pero I'm grateful, kasi sobrang maalaga nito sa akin.

Daisy Is Under Her SpellWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu