Chapter Nine

69 7 0
                                    

Daisy

Nakaupo ako ngayon kasama ang ibang mga kaklase ko habang nag-rereview para sa quiz mamaya.

  Kaninong quiz? Edi walang iba kundi kay Miss! Pero hindi naman ako nagrereklamo, sa katunayan kinikilig nga ako tuwing inaalala ko na nilapitan niya talaga ako kagabi para mag sorry at sabihing may quiz kami. Hmm, paganun-ganun pa siya! Kapag ako talaga hindi nakapag pigil baka matuluyan na ako sa nararamdaman ko.

  Mas lalo tuloy akong napagiti nang maalala ko ang nangyare. 

 First of all, nakahalik na ako sa ilong niya. Hindi ko man sadya iyon ay kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko 'yun. Tsaka kagabi, nakakabigla ang sinabi niya patungkol sa jowa ko raw. Ayan tuloy, napa-out ako sa kanya. Hindi naman siya mukhang homophobic kaya ayos lang. Ang mahalaga, medyo close na kami!

  "Daisy!" Naputol ang pag-iisip ko sa nangyare nang tinawag ako ni Daniel. "Kanina ka pa namin tinatawag, puro ka lang ngiti diyan. Nababaliw ka na ba?"

  Natawa ako sa sinabi nito. "Baliw na baliw sa subject na 'to. So okay! Article ano na tayo?"
 
  Sumabat naman ang isa kong kaklase. "Nasa question and answer na tayo Daisy. Kanina pa tayo tapos sa article."

  "Ay, hehe. Sabi ko nga anong number na ba?"

  Tiningnan ako ni Daniel at tsaka umiling-iling ito. Nag review pa ulit kami at sinubukan kong hindi na magpa-distract para naman hindi rin ako mapapahiya mamaya. I'll show her na nag-review talaga ako!

  Pagkatapos namin ay inaya na ako ni Daniel mag lunch. Sabay kaming bumaba at naglakad patungong canteen. Nang makabili na ng pagkain ay agad kaming naupo sa bakanteng pwesto.

  "So bakit ka tulala with a smile?" Tanong ni Daniel at tsaka pinag-taas babaan ako ng kilay.

  Umiling lang ako at ngumisi. "Wala lang. Inspired lang."

  Mabilis ako nitong sinundot sa tagiliran ko. "Aysus!"

  "Aray naman! Ganyan talaga makapag-react?"

  Umayos ito ng pag-upo at tsaka tumingin sa gawi ko. "Spill, bakla."

  "Anong spill? Wala naman ah. Bawal na ba tayong ma inspired ngayon?"

  "Pwede naman. Pero 'yung mga ngisi mo kasi it's not normal. That's not the normal inspired smile ng mga walang jowa. So ano? May nagpapakilig na sa tahong mo?"

  Hinampas ako ang braso nito at tsaka pinandilatan ng mga mata. "Baliw! Anong tahong ang pinagsasabi mo. Inspired lang ako kasi may law subject tayo at maganda ang prof natin."

  "Ayan! Ayan ang nagpapakilig sa tahong mo!"

  Dahil sa lakas ng boses nito, agad ko itong sinubuan ng siomai. "Walang hiya ka talagang bakla ka! Tumigil ka na sa kakatahong mo. "

  Nginuya nito ang siomai at tsaka natawa. "Salamat sa free siomai. Anyway, wala lang. Halata ka kasing nagpapapansin kay Miss. Last recitation? Palagi kang nag tataas ng kamay at kahit hindi mo pa turn ay sumasagot ka na."

  "Bawal na ba maging active student ngayon, Daniela?" Depensa ko sa sarili ko.

  "Pwede naman. Pero ikaw lang kasi ang may mga matang parang luluwa na tuwing nakikita siya eh. Hindi mo pa nga matanggal ang tingin sa gawi niya. "

Daisy Is Under Her SpellWhere stories live. Discover now