Ending

1 0 0
                                    

Pagkatapos ng taping, pinuntahan ni Zach si Isa sa bahay nila.

Bago pa man sya payagan ni Leo na kausapin ang anak, kinausap muna sya nito.

"Zach, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. May gusto ka ba sa anak ko? Kayo na ba?"

"Ah ..ehh....hindi pa po kami. Pero mahalaga po si Isa sa akin. Ayoko ko pong mawala sya sa paningin ko"

Nagkatinginan sina Leo at Lourdes.

"Ang inaalala ko lang kasi eh magkaiba ang mundo nyo. Celebrity ka. Napapaligiran ka ng mga magagandang babae. Bakit ang anak ko pa? Ano ba ang nagustuhan mo sa kanya?"

Gustuhin mang ipaliwanag ni Zach ang lahat ng mga nangyari pero minabuti na lang nyang huwag sabihin, gaya nang ginawa ni Isa.

"Para po sa akin, si Isa ang pinaka maganda sa paningin ko. Masaya po ako kapag nakikita ko sya."

"Naka ilang girlfriend ka na ba?" Leo

"Isa lang po. Pero mga bata pa kasi kami noon kaya mas pinili namin na ipursige ang mga career namin"

Tumingin si Leo kay Lourdes. Kita naman sa mukha ng asawa ang approval nito. Parehas nilang naramdaman na seryoso si Zach.

"Andoon sya sa kwarto nya. Pagkatapos nyong mag usap, pababain mo na din para makapag hapunan na tayo."

"Thank you po"

Nakasalubong ni Zach si Edmund habang pababa ito ng hagdan

"Uh...ohh.." Edmund

"Hello po.." bati ni Zach at dumirecho na ito sa kwarto ni Isa

"Diba...diba...yong idol ni Isa yon??....bakit nandito??"

"Ayan kaka ML mo nahuli ka na sa balita" Lourdes

"Anong meron??? Bakit pumasok sa kwarto ni Isa????"

"Secret!" Leo & Lourdes

"Anong secret!" Aktong aakyatin ni Edmund si Zach sa taas

"Oi, oi...huwag kang istorbo sa dalawang love birds. Hayaan mo silang makapag usap" Leo

"WHAAAATTT??? Seryoso???" Edmund

"Shhhh! Ang ingay mo! Baka marinig ka!" Pagsaway ni Lourdes na may kasamang hampas

"Kelan pa??"

--------

"Isa" kumatok si Zach sa kwarto bago binuksan ang pinto

Nakadapa si Isa sa kama habang nakikinig ng music sa earphone. Huminto na ito sa pag iyak pero maga pa din ang mga mata. Hindi nya narinig ang pagbukas ng pinto.

Nagulat sya nang hawakan ni Zach ang likod nya

"Ha! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya habang bumangon at tinanggal ang earphone sa tenga

"Bakit ka umalis agad. Hindi pa tapos ang taping?

"Bakit mo kinanta ang kantang yon? Tapos patingin tingin ka pa sa akin. Kung kelan naka move on na ako"

Nagulat si Zach. Ngayon lang nya na realize na nasaktan nya pala ang feelings ni Isa. Akala nya kasi ay wala lang sa kanya. Hindi obvious kasi pangiti ngiti lang kapag umaattend ng show nya.

"I...I'm sorry. Di ba sabi ko naman sayo, give me time to figure out my feelings. It took me time....but now i am 100% sure i need you with me."

"Eh diba kayo ni Alexa?"

"Haaa??? San mo narinig yan??" Hindi sumagot si Isa

"......Well ok, we dated for a few times, but it never worked out. When i'm with her, i feel like i belong with someone else.......I'm fine when i don't see her....it's not the case with you......I don't want to lose you in my sight Isa."

The SwitchМесто, где живут истории. Откройте их для себя