Chapter 12

2 0 0
                                    

Ilang araw nang hindi makatulog si Isa. Bakit kaya hindi man lang nagtetext si Zach sa kanya? Binasa nya kaya ang mga diaries? Sabagay, masyadong mahaba ang babasahin nya kaya baka hindi pa tapos.

Hindi rin nya maexplain ang nararamdaman nya. Paano kung natapos ngang basahin ni Zach pero hindi naman nya maalala ang feelings nya kay Isa?

Ahhh hindi hindi. Hindi dapat ako mag isip ng ganyan. Dapat positive lang lagi

Inhale.. ..exhale....

Umupo sya sa kanyang make up table at nagsimulang mag powder, mag make up at inayos ang buhok

Maganda naman ako ah. Hindi ba sapat ang mukhang to para magustuhan nya?

Inhale.....exhale

Gusto nyang kumustahin si Zach kaso nahihiya sya. Baka isipin masyado syang desperada. Bigla syang nakaramdam ng kirot sa dibdib.

Kung iisipin ko ang worst case scenario, kaya ko bang igive up si Zach? Kahit na alam kong sometime in his life, nagkaroon din sya ng feelings sa akin?

Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha sa pisngi nya.

----------

Inabot ng halos dalawang linggo bago matapos basahin ni Zach ang 12 diaries. Naaliw sya sa kababasa, feeling nya, na experience nya ang buhay sa alternate Universe nya.

Pwede palang mangyari ang ganito.

Pero kahit na ano ang gawin nya, hindi nya maalala ang feelings or attraction nya kay Isabel.

Hindi kasi sya ang tipong mabilis magkagusto. At hindi rin sya tumitingin sa hitsura lang.

Feeling nya, meron syang connection sa dalaga kaya nangyari iyon. Kung ano man, hindi rin nya alam. Para sa kanya, nirerespeto nya si Isabel at ayaw nyang masaktan ito.

------

Biglang nag ring ang cellphone ni Isa. Nakita nyang si Zach ang tumatawag. Muntik na nyang mabitawan sa sobrang excitement nya

"Hello..."

"Hi! Naistorbo ba kita?"

"Ah..no no...siempre hindi. Kumusta?

"Natapos ko nang basahin ang mga diaries....thank you nga pala for trying to reach to me..."

Malakas ang tibok ng dibdib ni Isa "Ako nga dapat ang magpasalamat....thank you Zach for giving me a chance..."

"Hmnn...the thing is....i can't remember anything at all.... Maybe i need time to sort things out?.....hope you understand Isabel..."

"Of course!! Take your time!... ginawa ko lang din naman ang pakiusap mo eh. I'm just happy that you're healthy and you're back doing what you love the most. I really mean it." napapiyok si Isa

"Thank you Isa!! I really appreciate everything! Can we be friends?"

"Huh?...omgg sure!"

"Hope to see you more often sa mga shows ko"

"Siempre ako pa mawawala. I will always support you until the end! And Zach..."

"Yes?"

"Thank you for everything you've done for me. I will never forget it."

"Oh...Thank you also! See you soon?"

"Yup! See you!!"

"Bye"

"Bye"

Pag end ng call ni Isa, napasubsob sya sa sahig at hindi na nya napigilang humagulgol.

Aghhh! Ganon pala ang feeling ng first heartbreak bago pa man maging sila.

The SwitchOnde histórias criam vida. Descubra agora