Chapter 13

2 0 0
                                    

Si Zach naman, nasanay na hanapin si Isa sa audience tuwing nagpeperform sya. Ang amo kasi ng face nito at lumalabas ang kanyang dalawang maliliit na dimples sa pisngi kapag ngumingiti, nakakawala daw ng stress.

One time, meron uling taping si Zach, present ang grupo pero wala si Isa. Hinalugad nya ng tingin ang buong audience pero hindi nya ito makita.

Medyo nalungkot sya at nag worry kaya after ng performance, inapproach nya ang grupo.

"Bakit parang kulang kayo?" Zach

"Ahh si Isa, nagka chicken pox. Ayaw kaw daw nya mahawaan kaya hindi pumunta." Jane

Nakahinga na maluwang si Zach. For the first time, nakaramdam sya ng takot. Paano kung one time, nagsawa na si Isa sa kanya? Paano kung biglang magkaroon ng bagong magugustuhan si Isa at mawalan na ng interest sa kanya.

Hindi nya namalayan tinatawagan na pala nya si Isa pero cannot be reached ang phone neto.

Nagpanic sya bigla at naisip nyang puntahan ang bahay ni Isa after ng schedule nya. Mga 8:30 pm na sya ng nakarating dito.

Nagring ang doorbell sa bahay nina Isa.

"Oh 8:30 na ah. May inaasahan ka bang bisita?" Tanong ni Leo kay Lourdes

"Ako wala. Baka kay Edmund yan."

Sinilip ni Leo ang doorbell camera at hindi sya makapaniwala sa nakita

"Ma! Ma!! Tingnan mo nga itong nasa camera"

"Bakit sino ba yan?" Nagulat din si Lourdes sa nakita nya "Namamalikmata ba ako? Totoo ba itong nakikita ko?" Kaya sabay silang dalawang lumabas kasama si whitey at binuksan ang gate

"Magandang gabi po. Pasensya na po sa abala. Kumustahin ko lang po sana si Isa" Zach

"Di ba ikaw yong sikat na singer? Yong idol ni Isa?" Leo

"Ako nga po si Zachery. Balita ko po nagkasakit si Isa"

"Eh...paano mo nalaman na dito sya nakatira?"

"Ahh...nabigay po nya sa akin ang address nya."

Nagkatinginan sina Lourdes at Leo

"Nagka chicken pox sya. Baka mahawaan ka" Lourdes

"Nagka chicken pox na po ako dati kaya hindi na po ako mahahawaan."

"Ah ganoon ba. Teka tatawagin ko sya. Pasok ka."

"Thank you po.....eto si po ba si whitey?" Zach

Ni hindi man lang sya kinahol

"Ahh oo. Naikwento ba sa iyo ni Isa?" Lourdes

"Hmmn...opo"

Tamang tama pababa si Isa ng hagdan at saktong papasok si Zach sa pinto.

Nagkatinginan silang dalawa.

Napasigaw si Isa at dali daling umakyat pabalik sa taas

"Oi oi! Bat tinataguan mo ang bisita mo?" Leo

"Bakit ka nandito??!" Sobrang nagulat si Isa sa hindi inaasahang bisita

"Nagka chicken pox ka daw?"

"Yes at baka mahawaan ka. Kaya umuwi kana"

"Anak naman...kakarating lang nya pinapaalis mo na agad......pasensya ka na Zach ha.." Lourdes

"Di ba magaling ka na? Nakaligo ka na kahapon ah" sabi ni Leo kay Isa

"Kahapon yon. Hindi ako nakaligo ngayon eh"

"Ok lang yan. Hindi naman kita aamoyin" pabiro ni Zach

"Maupo ka muna Zach. Nakapag hapunan ka na ba?" Lourdes

The SwitchWhere stories live. Discover now