Chapter 8

1 0 0
                                    

Pagdating ng bahay, agad na umakyat at pumasok sa kwarto si Zach. Kinuha ang gitara, papel at ballpen.

Sinimulan nyang icompose ang kanta nya para kay Isa

🎵 Let Me Remember You 🎵

Isinulat nya ang lahat ng nararamdaman nya nang mga panahong iyon. Nagulat din sya nang matapos nya ito kaagad na hindi masyadong nag isip. Ang mga salita, kusa na lang na kasi itong isinusulat ng kamay nya.

------

"Beshhh whyy??" Panghihinayang na tanong ni Claire

"Anong why?"

"Binasted mo daw si Angelo?? Whyy?? I don't understand???"

"Hmnn hindi pa ako ready eh. Ayoko pa talagang mag commit."

"Feeling ko ako ang na broken heart huhuhu. Naaawa ako kay Angelo. Alam kong seryoso sya sayo eh"

Hindi na sumagot si Zach

Kahit si Cedric, hindi na rin dumadalaw at nag tetext sa kanya

Buti naman! Magfofocus ako sa pag aaral. Kailangan makuha ko ang magna cum laude!

-----

"Ano kamo anak??? Ikaw magna cum laude?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lourdes

Kahit si Leo at ang mga kuya nya, akala nila nagbibiro lang ito

"O kelan ka pa naging matalino? Elementary at high school laging pasang awa ang mga grades mo?" Jomar

Inabot ni Isa ang graduation program at nakasulat nga doon

Isabel Cruz - Magna Cum Laude

"Ohh totoo nga!! Ang galing naman pala ng anak ko. Congrats anak!!!" Lourdes

"Matalino naman si Isa ah! Mas masipag lang syang mag aral ngayon baka dahil may inspirasyon. Di ba anak? Congrats anak ha!! Proud kami ng mama mo sayo!" Leo

"Ah kailangan lang pala ng boyfriend para sipagin mag aral. Pero teka, sino ba sa kanila? Si Cedric o si Angelo?" Edmund

"Sino nga ba anak? Eh may iba pang tumatawag eh. Ano nga ba ang pangalan noon? James ba yun?" Lourdes

"Basta ang bata ko ay yong basketball player." Leo

"Sino nga ba sa kanila Isa?" Jomar

"Wala....wala. .wala akong boyfriend." Mariing tanggi ni Zach

"Suus nahiya pang aminin! Basta...may boyfriend man o wala, kailangan may handaan yan! Sagot na namin yan ng papa mo anak!" Lourdes

Hindi maitago nina Lourdes at Leo ang labis na kaligayan sa natamong achievement ng kanilang bunso

"Namana ni Isa ang katalinuhan ko! Noong elementary ako, honor student din ako eh." Pagmamalaki ni Leo

"Oo na! Oo na! Hindi naman namin itinatanggi yan." Pasang ayon ni Lourdes

-------

Graduation day

Isabel Cruz - Magna Cum Laude

At proud na umakyat si Isa sa stage

During her valedictory speech, pinasalamatan nya ang kanyang mga magulang at mga kapatid sa pag suporta sa kanya. Hindi rin sya nag alangang banggitin ang nagsilbing inspirasyon nya pag aaral, ang kanyang natatanging idolo na si Zachery Taylor at sinamahan nya na rin ng hiling, na naway magising na ito. Binanggit din nya na ang buhay sa mundo ay unpredictable. Dapat matuto tayong pahalagahan ang mga mahahalagang tao sa ating paligid at iappreciate ang mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa atin.

The SwitchWhere stories live. Discover now