Chapter 10

6 0 0
                                    

Busy na naghahanda si Zach sa kanyang upcoming 7th album. Bumalik sya sa condo nya sa Makati kung saan meron itong sarili recording studio. Dito nya kadalasang ginagawa ang mga kanta nya.

Madali lang kay Zach ang mag compose ng kanta. Kaya nyang magbuo ng melody sa isip nya. Kapag nagustuhan nya ang kabuoang tunog, saka nya irerecord gamit ang mobile phone para hindi makalimutan. At kung may free time sya or may naisip syang idea, saka nya ito lalagyan ng lyrics.

Pero minsan, kaya nyang magcompose nang sabay ang melody at lyrics, depende sa mood nya.

Sinisigurado din nyang active sya sa pag gigym, para manumbalik ang dating matipunong pangangatawan nito.

May pagka health freak din itong si Zach kaya pili lang ang kanyang mga kinakain.

Pero lately, hindi sya masyadong makatulog. Kapag nagigising sya ng madaling araw para mag cr, hirap na syang makatulog uli. Excited ba sya sa bagong chapter ng buhay nya? O dahil may gumugulo lang sa isip nya?

Natatawa na nga lang sya kasi ang mga panaginip nya, paulit ulit, nasa school lagi ang settings.

----------

First fan sign event simula nang nailaunch ang 7th album ni Zach, syempre present si Isa. Sobrang kinakabahan syang hindi nya maipaliwanag. Feeling nya, hindi naalala ni Zach ang mga nangyari habang nasa katawan sya nito. Kasi kung sakali man, e di sana pumunta na ito sa bahay nila? Sigh! Pero sabi nga ni Zach, huwag mag gigive up si Isa.

Dala dala nya ang envelope na ibibigay kay Zach. Pero dahil hindi pwedeng mag abot during fansign, aabangan nya na lang ito sa may basement parking.

"Hi Zach!" Sabay abot ni Isa ng album para pirmahan ni Zach

"Hi! What's your name?" Casual na tanong ni Zach

"I'm Isa, Isabel" kinakaban nyang sagot

"Isa?..... you look familiar!!"

Shocks! Hindi nga nya naalala

"Syempre, lagi akong present sa mga events mo dati. Pumayat lang kasi ako ngayon" patawa nyang sinabi

"Oh! Yup! I remember you!" Sabi ni Zach pero hindi sya 100% sure sa sinabi nya

So ayun na nga, hindi naalala ni Zach ang lahat.

Dismayado si Isa pero hindi sya susuko. Gagawin nya ang lahat ng pwede nyang gawin. Yun din naman ang hiling ni Zach sa kanya.

After ng signing, dumerecho si Isa sa may basement parking para mag abang kay Zach.

Medyo nanginginig pa sya. Hindi nya akalaing maiaabot nya ang envelope na naglalaman ng usb kung saan naka save ang recording ng Let Me Remember You at ang photocopy ng sulat ni Zach kung saan hinihiling nyang huwag mag give up si Isa sa kanya, kung sakali mang hindi sya naalala nito. Nakangiti naman sa kanya si Zach, na mukhang namumukhaan sya.

Sana basahin! Sana basahin! Crossing her fingers

-------

Pag upo ni Zach sa kotse, dali dali naman nyang binuksan ang envelope na inabot ni Isa. Biglang nagring ang mobile phone nya.

"O Dino"

"Please check your email now. I forwarded you

the finalized result of your upcoming project"

"Ok" at yun na nga. Nawala na sa isip ni Zach ang letter

After ng event, meron pa silang ibang pinuntahan kaya medyo late na natapos. Pagdating ni Zach sa condo nya, dala dala naman nya ang envelope pero pagod na sya para buksan ito kaya itinabi na lang muna nya sa drawer.

Samantalang si Isa, magmamadaling araw na, hindi pa rin makatulog. Nag aabang ng text, tawag o email. Lahat ng mga social media accounts at contact infos nya ay sinama nya sa letter.

Maniniwala kaya si Zach sa kanya kung sakaling mabasa ang letter? Papanoorin kaya nya ang video sa usb?

Magliliwanag na nang makatulog si Isa. Pag gising nya, agad nyang chineck ang mobile. Walang text, email or tawag.

Napa buntong hininga sya.

Baka hindi nabasa....

Meron pa syang natitirang 11 copies at wala syang plan na mag give up agad.

----

Araw, linggo, buwan ang lumipas pero walang natatanggap na text or tawag si Isa galing kay Zach kahit nakapagsend na sya ng sampung letters sa fan club address nito.

Fully booked si Zach sa kanyang mga international concerts kaya halos bihira lang din ito sa bansa.

Sinubukan din ni Isa na imessage si Zach sa kanyang mga social media accounts pero kahit ni seenzone, wala.

Naiisip nyang iapproach si Dino pero kailangan nyang pag isipan nang husto ang strategy nya.

If it's meant to be, it will be

----

One time sa isang interview, biglang natanong is Zach kung naranasan na ba nyang ma inlove

Medyo unexpected kay Zach ang tanong pero pasimple na lang syang sumagot "Oo naman"

Naghiyawan ang host pati ang buong staffs ng show

Medyo nakaramdam ng konting selos si Isa

Aba! Sino kaya yon?

"Magkwento ka naman" host

"It's all in the past! Bata pa ako noon. For sure lahat naman tayo nakaranas ng puppy love"

"Well, true! So sya pala ang first love mo!....Ang swerte nya, kung sino man sya!......pero teka, ano ba ang hinahanap mo sa isang babae?" Host

"Hmnnn cute! Basta hindi ako iiwanan."

"Oi bakit?? Iniwanan ka ba ng first love mo?"

"Mga bata pa kami eh at siempre naging busy ako sa career ko at sya naging busy din sa buhay nya" pag aalibi ni Zach

"Is she a celebrity?..."

"Hmnn..maybe???...but it's more on platonic lang talaga..."

"Tsa eto...tsaa..."

"It's all in the past. I prefer not to talk about it"

"O sya..sya..ilang taon ka na nga?"

"27"

"Oh 27 kana pala! Are you open for a relationship now?"

"Yeah why not. Ang sa akin kasi, i'm not looking. I believe that love will come, at the right time and at the right place."

Nagsigawan at kinilig ang mga nasa studio

Si Isa naman, hindi ma explain ang nararamdaman

Ako yon eh. Ako dapat yon eh

Sinara ni Isa ang laptop. Kinuha ang notebook sa drawer. Dito nakasulat ang lyrics ng Let Me Remember You na kinompose ni Zach habang nasa katawan sya ni Isa

🎵 I can tell he's crazy over you

I don't like the way he looks at you

Then, there's this another guy who wants to steal the scene

But I ain't gonna let them come near you

Because you're mine, you're mine

So let me remember you...ohhh 🎵

Parang gustong sumabog ng dibdib ni Isa

Like....hello....si Zachery Taylor, man of her dreams, sasabihin sa kanya....You're mine!! You're mine!!!....

Gusto nyang sumigaw ng malakas na malakas na maririnig ni Zach kahit saang sulok man ito ng Earth.

"I am your destiny Zachary Taylor! It's me Isabel Cruz.....your future wife!!"

Charizz

Huhuhu I need to do something...

Pagkatapos ng mahabang pag iisip kung ano ang next nyang gagawin, nag decide sya na kakausapin nya si Dino. This is do or die.

The SwitchWhere stories live. Discover now