"Anak, nandito si Cedric, kakarating lang din nya." Lourdes
"Hi Isa! Kumusta? Flowers for you nga pala." Cedric
"Uh? Hmnn salamat"
So sya pala si Cedric
"Nakwento sa akin ng mama mo ang nangyari sa yo. Kumusta ka na? Naalala mo pa ba ako?"
Umiling lang si Zach
"Teka magmeryenda muna kayo habang nagkukwentuhan" Inilapag ni Lourdes ang tray na may biscuit at juice at iniwan na nya ang dalawa
"Meron tayong mga pictures na magkasama noong mga bata pa tayo. Mag friends kasi ang mga mama natin kaya lagi kami dito sa bahay nyo dati" Kwento ni Cedric
"Pasensya ka na, hindi ko maalala"
"Naintindihan ko. Ok lang ba na dumalaw lagi sayo?"
"Huh? Oh busy kasi ako sa school eh. Maraming projects."
"Graduating ka nga pala ano? Ako, one more year pa. Engineering course kasi ang kinuha ko. Add na lang kita sa social media para makumusta kita paminsan minsan"
"Hmnn hindi kasi ako active sa social media ngayon eh."
Parang nahahalata ni Cedric na hindi interesado si Isa. Pero naiintindihan nya dahil nga nagka amnesia ito.
Hindi nya maalis ang kanyang mga tingin sa dalaga dahil anlaki ng pinagbago ng hitsura nito nang ito ay pumayat.
"Pahingi na lang ako ng number mo please." Cedric
Napilitang ibigay ni Zach ang number ni Isa. Saka nagpaalam na rin si Cedric para hindi na nya maistorbo pa ang dalaga.
Napahiga sa kama si Zach.
Paano kung ma stuck na ako dito sa katawan na to?
Pinikit nya ang kanyang mga mata. Natatawa sya noong naalala nya bigla yung first time nyang ma experience ang menstruation. Buti na lang at merong stocks ng napkin si Isa sa cabinet nya.
Hindi pala madali ang maging babae.
-------
"Isaaa!!! Tingnan mo ang upuan mo! May nagbigay ng flowers at chocolates!!! Basahin mo yong card. Dali!!" Aya
Ano na naman to?!
Isang bouquet ng flowers at box ng chocolates ang bumungad kay Isa pag pasok nya ng classroom
Nagkagulo ang klase
"Kanino kaya galing yan!"
"Basahin mo na ang card Isa"
"Magshare ka ng chocolates ha!"
"Fave ko ang chocolate Isa. Pahingi ako ha." Aya
"Parang alam ko kung kanino galing yan!" Claire
Binuksan ni Isa ang card
*******
Hi Isabel,
Hope you will give me a chance to know you better.
Your # 1 fan,
Angelo
********
Naghiyawan ang buong classroom
"Si Angelo?? Yong basket ball player??"
"Shiit!! Ang gwapo non!"
"Kinikilig ako!!!!!"
YOU ARE READING
The Switch
FantasyIn the bustling world of fame and adoration, renowned male singer Zachery Taylor stands as a beacon of talent, his voice echoing through the hearts of millions. But behind the stage lights and the applause lies a lonely soul. On the flip side, ther...