Chapter 5

1 0 0
                                    


It's been 6 months since the car accident, pero comatose pa rin ang katawan ni Zach. Gustuhin man nyang dumalaw sa hospital, masyado itong malayo sa kanya, at dahil na rin sa nangyari, mas lalong hindi na sya basta bastang pinapayagan nina Lourdes at Leo na pumunta kung saan saan. Kaya araw araw na lang nyang ipinagdarasal na sana magising na ito.

Magkasama sina Lourdes at Isa na mamili ng mga bagong damit nya, dahil from 40 inches waistline, naging 28 inches na lang ngayon. Ang bongga ano!

"Mas lalo kang gumanda anak! Bagay pala sayo ang slim! Naalala mo ba si Cedric? Yung kababata mo? Lagi kang tinutukso dati noon eh kaya lagi kayong nag aaway. Nakita ka daw nya noong isang araw, nahiyang bumati sayo, halos hindi ka daw nya nakilala."

Hindi makasagot si Zach

"Baka makadalaw daw sya sa susunod na araw para makapag kwentuhan naman kayong dalawa" pagpapatuloy ni Lourdes na mukhang excited.

"Gwapo naman si Cedric ah at balita ko wala pa daw girlfriend. Anak ha....pag may nanligaw sayo huwag kang mahihiyang ipakilala sa amin para makilatis naman namin ng papa mo."

"Ayoko pang mag boyfriend" mabilis na sagot ni Zach

Nagulat pero idinaan na lang ni Lourdes sa ngiti. Graduating na kasi sa college si Isa. Ayaw man nyang aminin pero siempre bilang nanay, gusto rin naman nyang makita ang anak na magkaboyfriend.

"Normal lang sa babae ang magka boyfriend kaya huwag kang mahihiyang magsabi sa amin ng papa mo ha." Lourdes

--------

Foundation day ng school nina Isa in 2 weeks at nakita ni Zach ang nakapaskil sa board na merong singing contest. Grand prize is 10,000 pesos. Hindi sya nagdalawang isip na magpalista. Sobrang na miss na rin ni Zach na magperform sa harap ng audience.

Kinanta nya ang isa sa mga hit songs nya habang nag gigitara. Grabe ang tili ng audience. Kung papakinggan kasi nang husto, halos may similarity ang boses at style ni Isa kay Zachery Taylor. Kahit ang mga mannerisms nito kapag nag peperform ay kuhang kuha nya. Pati tuloy ang mga babae ay napapatili sa sobrang galing nyang magperform.

"Our grand champion goes to!!!..........Isabel Cruz!!" MC

Sigawan ang lahat lalo na ang mga kaklase ni Isa.

"Sabi ko na eh ikaw ang mananalo!!! Ang galing galing mo besh!!! At ang sexy mo na talaga ngayon! Anong secret mo??? Paano ka pumayat ng ganyan??" Claire

"Binawasan ko lang ang pagkamatakaw ko haha." Pabirong sagot ni Zach

"Congrats Isa!!! Ang galing mo palang kumanta??" Aya

"Ikaw ba ang dating Isa na kaklase namin?? Ang ganda mo!!" Mark

"Crush ka na ni Mark Isa hahaha. May hidden talent ka pala! Bakit ngayon mo lang nilabas yan!!" Jasmine

Ngumiti lang si Zach at nagpasalamat sa kanilang suporta

Pag uwi nya ng bahay, inabot nya ang tig isang envelope kina Lourdes at Leo

"Oh anong meron?" Habang binubuksan ni Lourdes ang envelope "5000? Saan mo nakuha to?

"Aba! 5000 to ah! Saan galing ito anak?" Leo

"Napanalunan ko sa singing contest. Thank you po sa pagbili ng gitara sa akin." Zach

"Sumali ka ng singing contest?"

Tumango si Zach

"At ikaw ang grand champion??"

Tumango uli si Zach

Hindi makapaniwala sina Lourdes at Leo sa narinig. Nagkatinginan ang dalawa at parehas napatulala.

Nang maka akyat na sa kwarto si Zach

"May kakaiba talaga eh." Palingo lingo si Leo habang naglalakad back & forth "Parang kelan lang eh halos mabasag ang mga salamin dito sa bahay pag sya ang kumakanta. Ngayon nag champion pa sa singing contest?.....Ma, ma, naalala mo noong nasa hospital pa tayo, diba sabi ni Isa, sya daw si Zach? Paano kung totoo nga?" Leo

"Ay ay huwag ka ngang ganyan! Sa drama lang yan nangyayari! Eh diba nga araw araw yan nag vovocalize. Kahit yang mga professional singers nag vovoice lessons ang mga yan no......Teka, akyatin ko nga muna sya. Ni hindi man lang tayo nakapagpasalamat sa kanya."

Kumatok sa pinto si Lourdes bago ito pumasok

"Isa anak, salamat sa sorpresa mo ha. Hindi lang kami makapaniwala ng papa mo kaya hindi kami nakapagsalita agad"

Tumango lang si Zach

"Biruin mo nga naman yan, sino bang mag aakala na magiging magaling kang singer eh samantalang dati inaasar asar ka pa ng mga kuya mo."

Umupo at tumabi si Lourdes kay Zach

"Gusto ko lang malaman mo na proud kami ng papa mo sayo" at niyakap nya ito "Salamat anak ha"

Ganito pala ang feeling kapag niyayakap ng nanay. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko maalala na niyakap ako ng mama ko.

Naluha si Zach pero hindi sya nagpahalata.

-----

Simula noon, naging popular si Isa sa school nila lalo na sa mga lalaki

"Hi Isa, ako nga pala si Angelo. Sobrang fan mo ako. Ang galing mong kumanta. Pwede ko bang mahingi ang number mo?"

"Oh no sorry." Nabigla at naninibago si Zach sa mga pangyayari

Sanay sya as Zachery Taylor na hinahabol o nilalapitan ng mga babaeng fans na kinikilig pero sa ngayong sitwasyon, lalaki ang lumalapit sa kanya. Ang weird lang! Well, syempre babae ang katawan nya, pero hindi nila alam, lalaki ang nasa loob nito. Kaya ang weird talaga para sa kanya!

"Hi Isabel, may boyfriend ka na?"

"Hello Isa!"

"Hi idol!..."

Aghhhh pwede bang tigilan nila si Isa

Pilit nyang iniiwasan ang mga lalaking lumalapit sa kanya

"Besh!! Balita ko gusto daw ni Angelo na kunin ang number mo!!! Di ba sabi mo dati nagagwapuhan ka sa kanya? Crush kaya natin yon!" Claire

Si Angelo ang gwapong basketball player ng school nila

"Crush ni Isa si Angelo?" Zach

"Huh?" Claire

"I mean, crush ko si Angelo?" Zach

"Oo naman! Kaya nga nanonood tayo ng basketball pag naglalaro sya eh. Sayang, di mo lang kasi maalala. Pero biruin mo yon, hinihingi nya ang number mo!!! Naiinggit ako pero kinikilig ako para sayo besh!!!" Claire

Tahimik lang si Zach

So may iba palang crush si Isa bukod sa akin

Ewan din nya pero nakaramdam sya ng konting selos

The SwitchWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu