Chapter 3

5 1 0
                                    

Hospital scene

"Nurse, Nurse, kumusta na po ang anak ko? Ilang oras na ang lumipas bakit haggang ngayon hindi pa rin sya nagkakamalay?" pag aalala ni Lourdes

Napasugod ng dis oras ng gabi ang pamilya ni Isa sa isang hospital sa Tagaytay kung saan sya dinala.

Sa awa ng Diyos, bukod kay Isa, lahat ng mga kaklase nya kasama si Mark na nag mamaneho, minor injuries lang ang natamo.

"Stable naman po ang kondisyon nya at normal naman ang mga vital signs. Magsasagawa..." Nurse

Biglang umungol at gumalaw ang kanang kamay ni Isa.

"Anak, anak, si Mama mo ito. Naririnig mo ba ako?"

Unti unting minulat ni Isa ang kanyang mga mata

"Hay salamat naman at nagising ka na. Salamat sa Diyos!" Maluha luhang sambit ni Lourdes

Nandoon din ang tatay nyang si Leo at dalawang kuya nyang sina Jomar at Edmund. Labis ang kanilang pasasalamat ng magising na ito.

"M...Mama?"

"Yes, anak, nandito kami. Ano ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa katawan mo?"

Napatingin din si Isa sa mga tao sa piligid. Mukhang nalilito ito.

"Sino kayo? Nasaan ako?"

Nagkatinginan ang lahat at nagtataka.

"Ako ang mama mo, ito ang papa mo at ang dalawa mong kuya. Hindi mo ba kami naaalala?"

Umiling lang si Isa

"Nabangga ang sasakyan nyo. Nawalan ka ng malay kaya sinugod ka dito sa hospital. Anak, alam naming nagsinungaling ka sa amin pero hindi kami galit sayo. Ang mahalaga ay ligtas ka na." Sabi ng Papa ni Isa

Sinubukan ni Isa na alalahanin ang nangyari

"Nagdadrive ako ng kotse, tapos may nakita ako..."

Napakunot ang noo nila "Isa, hindi ka marunong mag drive. At higit sa lahat, wala tayong kotse." Jomar

Nagpatuloy si Isa

"Ang pangalan ng Mama ko ay.......Mariam...tama Mariam....at matagal na silang hiwalay ng Papa ko" pag rerecall niya

"Eh???" Nagulat ang lahat

"Nurse, napano ang anak ko. Bakit ganyan ang mga sinasabi nya?"

"Tatawagin ko po si Doktor." Tumakbo ang Nurse palabas

"Anak, ang pangalan mo ay Isabel Cruz. Isa ang tawag namin sayo"

"Isa?" Tanong nya habang pinilit nyang bumangon sa higaan

"Oh dahan dahan. Baka mapano ka"

"Ang pangalan ko ay Zach. Zachery Taylor Gomez"

Biglang tumawa ang dalawang kuya nya

BWAAA HAHAHAHA

"Wala, natuluyan na to!" Patawang sabi ni Jomar, ang panganay na kuya ni Isa

"Alam naming baliw na baliw ka don. Pero tingnan mo naman ang sarili mo sa salamin. Paano ka magiging si Zachery Taylor eh babae ka" Inabot ni Edmund ang mobile phone na naka camera mode para makita ni Isa ang hitsura nya.

Hindi makapaniwala si Isa sa nakita "Huh? Bakit naging ganito ang hitsura ko?" Naihagis nya ang cellphone at kinapa ang chubby na katawan. Napatalon sya sa kama at natanggal ang dextrose. Nagpapanic syang maghanap ng malaking salamin at ng makita nya ang kanyang buong katawan sa isang salamin sa CR, napasigaw ito ng malakas at hinimatay.

The SwitchWhere stories live. Discover now