Chapter 11

4 0 0
                                    

Dahil si Isa ay isa rin namang regular fan at kilala na sya ni Dino, pumayag ito sa kanyang meeting request with Zach. Ang alam ni Dino, merong ipaparinig na kanta si Isa at pagdating sa mga ganitong bagay, open naman sila for collaboration.

Yun lang, hindi madali para kanya na makasingit sa free time ni Zach dahil kung hindi overseas, busy naman ito sa mga out of town shows nya.

After almost 2 months na pag aantay, napagbigyan din ang meeting request ni Isa sa office ng company.

"Hi Zach! I'm Isabel Thank you so much for your time"

"Hi Isabel? What's up?!"

"I will try to make this very very quick"

Nilabas nya ang cellfone nya at ipinakita kay Zach ang video na tinutugtog nya ang Let Me Remember You.

"Can you please listen carefully to this song"

"Sure!" Pinakinggang maigi ni Zach ang kanta

Kinakabahan si Isa pero pinipilit nyang kumalma

"Gawa mo to? Ang ganda! Magaling ka palang kumanta. Gusto mo magcollab tayo?"

"Huh?! Nabigla si Isa. Hindi nya iniexpect ang offer ni Zach

"Ahh....ehhh.....Zach.....may tanong sana ako if you don't mind..."

"Sure! Go ahead!"

"Ni minsan ba, natanong mo sa sarili mo kung ano ang mga nangyari habang comatose ka?"

Hindi rin inaasahan ni Zach ang tanong ni Isa "Huh? Bakit?"

Pinakita ni isa ang notebook na ginawang diary ni Zach habang nasa katawan sya ni Isa "Tingnan mo to, di ba handwriting mo to?"

Tinitigan ni Zach ng maigi ang nakasulat sa papel

"Hmnnn...medyo same sa handwriting ko. Anong meron?"

Hindi na nagpaligoy ligoy pa si Isa

"Isa ako sa mga nakasakay sa kotse nung nagkabanggaan. Nawalan din ako ng malay gaya mo, pero nagising naman agad. Nang magising ang katawan ko, ang soul mo ang nasa loob noon.....I know it sounds very impossible. Kahit ako hindi rin makapaniwala. Pero nabasa ko tong diary. I am 100% sure hindi ako ang nagsulat neto. Masyadong magkaiba ang handwriting nating dalawa. Nang makabalik ako sa katawan ko, i was very surprised, I looked so slim na and a lot of things happened that i don't remember until i read this."

"Wait, wait...what???... "

"Zach, ang sabi mo sa diary, i should not give up on you. You wrote the song for me and recorded it. Hindi ako ang kumakanta at tumutugtog ng gitara sa video. Hindi ako marunong nun. Ikaw yon, yung nasa video, yung soul mo inside my body"

"Excuse me Isabel...."

"Zach, panoorin mo ng husto ang video please, hindi ba medyo kaboses mo? Parehas kayo ng style, kahit the way na tumugtog, ikaw na ikaw.."

"I don't know what to say to be honest. I don't even know if things like these are possible..."

"I understand. You can take your time. But please basahin mo ang diary, that's all i ask. I still have 11 of those at home. I can bring it all to you if you want. I wrote down my contact number there. You can message me anytime when you are ready.....just read it Zach pleasee. Marami kang mga sinulat dyan na ikaw lang naman ang nakakaalam.....There's no way for me to know it...."

"Ok...i will"

"Thank you for giving me this opportunity..... i will be waiting...." at umalis na si Isa

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon