Chapter 7

1 0 0
                                    

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni Leo kay Lourdes

"Hindi ko akalain na darating ang mga ganitong pagkakataon sa dalaga natin huhu" habang pinupunasan ang luha "Dati, lagi syang may kaaway kasi tinutukso syang mataba."

Hinimas himas ni Leo ang likod ni Lourdes

"Maganda naman ang anak natin kahit chubby ah. Yun nga lang mas lalong gumanda ngayon. Biruin mo mukhang artistahin ang nanliligaw" Leo

"Gwapo din naman si Cedric ah." Lourdes

"Eh si Cedric, laging tinutukso noon dati si Isa. Kaya laging nag aaway ang dalawang yan noong elementary. Kaya doon na ako kay basket ball player. Para mga apo ko matatangkad din." Leo

"Hoy! Bakit apo na agad. Advance ka naman masyadong mag isip. Ikaw talaga!" With matching hampas sa braso ng asawa

‐---------

Malalim ang iniisip ni Zach habang nakahiga sa kama Tumayo sya at tumingin sa salamin.

Mas gumanda naman talaga si Isa. Siguro kahit ako ay magkakagusto din sa kanya.

Binasa nya uli ang nakapaskil sa corkboard

Dream boyfriend: Zachery Taylor

Napangiti si Zach

Pero ako ang gusto nya. Ang tanong lang, maaalala ko kaya sya kapag bumalik na ako sa katawan ko?

------

"Beshy!! Aba balita ko napapadalas ang hatid sayo ni Angelo ah! Magkwento ka naman dyan." Claire

"Ah..eh...ang kulit nga eh. Pero magkaibigan lang kami. Mabait naman kasi sya." Isa

"Naku! Kung alam mo lang maraming naiinggit, kasama na ako don hahaha joke lang besh! Inggit ako! Mga slight lang naman hahaha. Shana all!!!......Teka ano na bang balita kay Zach? Mag iisang taon na, comatose pa rin? Pano yan besh kung hindi na magising?" Nabigla din si Claire sa sinabi kaya nag knocked on wood sya "......ay sorry"

Nagbuntong hininga na lang si Zach

------

Paminsan minsan, sumasabay si Angelo mag lunch kena Isa at Claire

"Hmnn Isa, i have a favor to ask sana." Angelo

"Sure!" Isa

"Mag bibirthday ang younger sis ko, gusto ko sanang isurprise. Can you please perform for her? Kahit 3 songs lang ni Zach. I will pay you....please" Angelo

"OK!" Isa

"Woow thanks Isa! You're the best!" Tuwang tuwa si Angelo

"Invited ba ako dyan.?" Claire

"Oo naman! I can't wait to see my sister's reaction!" Halatang excited si Angelo

----

The birthday celebration was held in a fine dining restaurant somewhere outside the metro

"To my one & only younger sister whom i love the most, I prepared a big surprise for you. It is my absolute pleasure to introduce to you this beautiful lady with a breathtaking talent. Get ready to be swept away.....Ladies & Gents....Isabel Cruz" Angelo

Naghiyawan ang mga bisita

Woohooooooo

Umakyat ng platform si Zach. Dala dala nya ang gitara.

"My dear sister, may this night will be special to you..." proud na tumingin si Angelo kay Isa

"Mic test.....Hello everyone. Good evening...I'm Zzz....I...Isabel" Opps muntik na! "Eunice....i wish you a happy birthday....this song is for you...."

Habang pinapluck ni Zach ang gitara, nanlaki ang mga mata ni Eunice at napanganga sya sa sobrang galing nito. Lalo na nang magsimula itong kumanta.

Kahit ang parents nila at ang mga bisita, hangang hanga kay Isa.

Si Angelo naman ay sobrang proud at hindi mapigilan ang mga ngiti habang pinapanood si Isa.

Kinanta ni Zach ang tatlong mga big hits nya

Hindi matapos tapos ang palakpakan ng mga bisita

Si Eunice, napaiyak sa sobrang saya at lumapit ito kay Isa.

"You sounded a bit like Zach when you sing. I'm speechless!! Wooow!!" Halos hindi sya makapaniwala sa narinig "You're sooo good!! I swear!!"

Lumapit din ang parents ni Angelo kay Isa

"Wow Wow! Amazing!! We are speechless!!" Napapanganga talaga sila "Angelo, bakit ngayon mo lang sya pinakilala sa amin?"

"Champion yan sa school namin ah" pagmamalaki ni Angelo

"This is the best surprise ever!!! Thank you kuya!!" Sabay hug kay Angelo

Natouch si Zach sa mga papuri na natanggap nya.

Natural na mabait si Angelo kaya hindi nakapagtataka kung mabait din ang parents nya.

"Ipasyal mo naman paminsan minsan si Isabel dito sa bahay para makapagkwentuhan naman kami." Papa ni Angelo

"Narinig mo yon Isa?" Angelo

"Ah..eh..." Nahihiyang ngumiti si Zach

"I told you! They will like you!" Pabulong na sabi ni Angelo

Hindi nagtagal sina Isa sa party at hinatid sya ni Angelo pag uwi dahil nag promise nga ito sa parents nya na hindi masyadong magpapagabi.

"Thank you Isa ha. You made my sister really happy. I will never forget this night"

"Oh wala yon. I enjoy doing it"

"You know i will always be your number 1 fan right?"

"Hmnn...thank you!"

"Hmnn... Isa..."

"Thank you sa paghatid ha. See you tomorrow" Hindi na nilingon ni Zach si Angelo nang bumaba ito ng kotse. Naramdaman nyang may sasabihin si Angelo, pero kung ano man iyon, ayaw nya itong marinig.

"O...okkk. See you!!.."

--------

Pagkatapos ng klase

Magkakasabay na umuuwi sina Isa, Claire at Angelo nang matanaw ni Isa si Cedric sa labas ng gate na may hawak na flowers.

Natanaw din ito ni Angelo kaya sumimangot ito

"O pano lovebirds, mauna na ako sa inyong dalawa. Ingat kayo!" Claire

"Ingat ka Claire!" Angelo

"Ingat!" Isa

Oh! Bakit nandito si Cedric?

"Hi Isa! Ihatid sana kita pauwi" sabay abot ng flowers

Nakatingin sa kanila ang ibang mga estudyante kaya mas lalong na conscious si Zach

"Ah...ehh...ayaw kong magbitbit ng flowers Cedric, sorry"

Medyo na hurt ang pride ni Cedric pero hindi nya pinahalata "No problem. Hawakan ko na lang" at pinilit na ngumiti

Nag butt in si Angelo "Excuse me, you're Cedric right? Just want to let you know na me and Isa has mutual understanding already. Hindi ako papayag na may maghahatid sa kanya na ibang lalaki."

"Noo.. we're friends only" mabilis na singit ni Isa at tiningnan nya ng masama si Angelo

"See! Friends lang pala eh! Masyado ka namang entitled!" Cedric

Biglang napikon si Angelo at may balak sugurin si Cedric

"Both of you stop! .....Angelo, from now on....we're not friends anymore!!!.... and you Cedric, i have no interest in you or whatsoever.....soo please leave me alone....both of you!!!" At tumakbo si Zach palayo sa dalawa

Tumigil sya nang makalayo na at hinabol ang paghinga. Napabilis pala ang takbo nya

From now on, walang pwedeng manligaw kay Isa. Dahil akin lang si Isa....akin lang...

The SwitchWhere stories live. Discover now