Chapter 22

28 0 0
                                    

ALYSSON

Nagpatuloy na kami sa paglalakbay para hanapin ang daan palabas. Kung minamalas nga naman, naiwan pa namin ang mapa. Hawak 'yon ni Yuan at hindi na namin nagawa pang kunin sa kaniya dahil sa pagmamadali namin.

Wala kami kahit na anong dala maliban sa mga sarili namin. Kahit nga tubig o ano mang pagkain ay wala. Hindi ko tuloy alam kung anong kakainin namin once na magutom kami. Hindi naman ito hardin ng eden para magkaroon na maraming prutas sa paligid. Ang iba pa ngang puno rito ay kalbo na dahil naubos na ang mga dahon. Swertehan na lang siguro kung makakita kami rito ng pwede namin makain.

Pasan ni France si Ice; nakahilig ang ulo ni Ice sa balikat ni France. Habang si Mila naman ay kasabay namin ni Sam sa paglalakad. Ang nangunguna sa amin sa daan ay sina Commander, Top, at Kuya Ky. Kami nila Sam ay pangalawa sa huli at ang na sa likuran namin ay sina Kristoff, Megi, at Gab.

Panibagong paglalakbay na naman, nakapapagod na. Hanggang kailan pa ba kami mananatili rito? Kailan ba kami tuluyang makalalabas? Damn.

Inabutan na kami ng gabi sa paglalakad, tanging mga bituin at buwan na lamang ang nagbibigay liwanag sa'ming daan. Hindi ko na alam kung na saan kami.

May patutunguhan pa ba 'tong ginagawa namin? Paano kung pa ikot-ikot lang pala kami sa lugar na 'to na hindi lang namin nahahalata? Paano kung totoo ang sinabi dati nina Betty at Victor na walang daan palabas? Nag-aaksaya lang ata kami ng energy at effort. Baka nga tinatawanan na kami ngayon ni Victor dahil alam niyang hindi kami makalalabas. Kahit gaano siguro namin katagal hanapin ang daan, hindi kami magwawagi dahil hindi ito nag e-exist. Dito na kami mamamatay, at alam 'yon ni Victor.

Tumigil kami sa paglalakad nang tumigil sila Commander. Napagod na rin ata sila sa paglalakad. Sino ba namang hindi? Lahat kami ay walang kain simula nang lisanin namin ang shelter, tapos gabi na ngayon. Wala man lang kaming nakita na pwede makain, kahit nga ilog ay wala. Hindi tuloy namin nalinis ang sugat ni Ice, hindi rin kami nakainom ng tubig.

"Gutom na ako," reklamo ni Sassy, nakahawak sa kaniyang tiyan.

"Ikaw lang ba?" Umirap si Eve, naka krus ang braso.

"I'm not talking to you, h'wag ka magsalita riyan," saad ni Sassy.

"So, sinong kausap mo? Sarili mo?"

"Eve," sambit ni Yael sa pangalan ng kapatid niya para awatin ito.

"I know..." panimula ni Commander. "Alam kong lahat tayo ay nakararamdam na ng gutom at pagka-uhaw, at kabilang ako sa inyo. Natural lang 'yan, tao tayo. Sad to say, but we really need to sleep here tonight without eating anything. Hopefully, tomorrow we can find food and water."

"Hindi ba tayo gagawa ng paraan para makakain man lang? Paano tayo makakapag proceed bukas kung nanghihina tayo sa gutom?" giit ni Mila.

Hinawakan ko ang balikat niya para pakalmahin siya.

Umabante si Noella para magsalita. "May magagawa ka ba? Saan ka hahanap ng pagkain sa kadiliman na 'to? May flashlight ka ba? Mag isip ka nga, hindi iyong gutom ang pinaiiral mo."

Mila scoffed. "Ang pino point ko rito is wala tayong lakas bukas kung hindi tayo kakain ngayon!"

"Tanga ka pala, e! Hindi mo rin ba gets ang sinasabi ko?" inis na tugon ni Noella.

Huminga ako ng malalim bago hawakan muli ang balikat ni Mila. "Mila, magpahinga na tayo. Iyon ang kailangan natin sa ngayon para kahit papaano ay may lakas tayo bukas."

"Pati ba naman ikaw, Alysson?" iiling-iling na bumaling sa'kin si Mila.

"My gosh," Noella rolled her eyes. "Pagsabihan niyo nga 'yang kaibigan niyo na makitid ang utak."

Shattered Illusions (TLS Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora