Chapter 11

33 1 0
                                    

NOELLA

Sobrang sikip sa dibdib makita ang kalagayan ni Mon. Kahit na alam ko na wala na siyang buhay, gusto ko pa rin na bumangon siya at sabihin sa'kin na okay lang siya, tulad kung paano niya sabihin sa'kin na ayos lang siya kahit na puno ng dugo ang damit niya dahil sa pakikipaglaban.

Hinding-hindi ko mapatatawad ang gumawa nito sa kaniya kahit na sino pa sila. Hindi ako takot pumatay para sa kaniya. Kahit na mas malakas pa sa'kin ang makahaharap ko, wala akong pakialam, handa akong lumaban para sa kaniya kahit na ikamatay ko pa. Gano'n ako rati at magiging gano'n pa rin ako hanggang ngayon.

Walang tigil sa paglabas ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang itsura ni Mon sa'king bisig. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko matanggap ang nakikita ko. Katawan man ni Mon ang yakap-yakap ko ngayon, pinapanalangin ko na sana hindi siya ito. Kung p'wede lang ay sana panaginip na lamang ito. Hindi ko kaya tanggapin na wala na siya at hinding-hindi ko iyon matatanggap kahit na ilang taon pa ang lumipas.

Kung alam ko lang na mangyayari 'to sa kaniya, sana sumama na lamang ako sa kanila. Sana sinundan ko siya at inabangan ang may gagawa nito sa kaniya. Kung ginawa ko 'yon, sana ay makasasama ko pa rin siya. Fuck.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Puno ng galit at pagsusumamo ang dibdib ko at gusto ko iyon ilabas.

Alam kong marami na ang nagtatakha sa kinikilos ko lalo na ang mga kasama namin ni Mon sa grupo ngunit wala akong paki. Hindi maibabalik ng pagtatakha nila ang buhay ni Mon. Kaya imbis na intindihin sila, nilabas ko na lamang lahat ng luha ko.

Patuloy lamang ako sa pag-iyak nang bigla akong may maalala. Hinanap ko sa mga taong nakapalibot sa'min ni Mon ang taong 'yon, at nang makita siya ay agad akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Anong ginawa mo sa kaniya?" tanong ko, hindi ko mapigilan ang aking galit. "Sagutin mo ako!" sigaw ko, kasabay no'n ang paghawak ko sa collar ng damit niya at niyugyog siya.

Agad na pumagitna sa'min si Commander. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa collar ni Frent na mas lalo pang nagpasiklab ng galit sa dibdib ko. Dahil sa galit ay naikuyom ko ang aking kamao habang matalim na tinignan si Commander.

"Hindi siya ang may gawa nito," sabi niya.

Napa-ismid ako. Gaano siya kasigurado na hindi si Frent ang may gawa no'n kay Mon? Wala naman siya pinangyarihan ng insidente!

"Bakit? Naroon ka ba nang patayin niya si Mon?" ani ko, nanlalaki ang mga mata sa galit. "H'wag kang pumagitna Greyson dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kasabay ng lalaking 'yan," dagdag ko.

Wala na akong pakialam kahit na marami ang magalit sa'kin dahil sa mga sinabi ko kay Commander. Nagpakatotoo lamang ako, handa akong patayin ang kahit na sino para kay Mon. Ano pa ang silbi ng buhay ko ngayon na wala na siya? Kaya kahit si Commander pa ang makalaban ko, hinding-hindi ako uurong. Wala akong dapat na ikatakot, wala na si Mon.

Kasabay ng paglabas ng panibagong luha sa mga mata ko, may humawak din sa'king braso. Nang lingunin ko iyon, nakita ko si Gab. "Anong kailangan mo? Tanggalin mo 'yang kamay mo sa braso ko," sabi ko.

Nagbuntong-hininga siya bago magsalita, "Mukhang nagulat din siya sa nakita niya. Bakit hindi mo muna tanungin kung ano ang nangyari, hindi 'yong pinagbihintangan mo siya agad?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi mapigilan ang pagka-inis. "At sino ka naman para sabihin sa'kin kung ano ang dapat kong gawin?" tuluyan na akong humarap sa kaniya.

Gusto niya ba na siya ang pagbalingan ko ng galit? Sige, pagbibigyan ko siya kung iyon ang gusto niya.

Hinila ni Alysson si Gab at siya ang humarap sa'kin. "Kumalma ka muna, okay?" sabi niya saka nilingon si Frent. "Ano ba ang nangyari?" tanong niya sa lalaki.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now