Chapter 19

27 0 0
                                    

ALYSSON

Tama siya, isa itong mapa pero saan niya ito nakuha?

Tumingin ako sa kaniya at akmang magtatanong na sana nang bigla siyang magsalita. "Nakita ko lang 'yan sa security room kanina habang naglilinis ako."

Tumayo si Commander at lumapit sa 'kin upang tignan ang hawak kong mapa. "That's a map," bulong niya.

Tumango ako at muling tumingin kay Mila. "Sigurado ka ba na nakita mo 'to sa security room?" tanong ko.

Dahil kung totoo ang sinasabi niya, dapat na sa loob ito ng pangatlong libro tulad ng nabasa namin kanina. Ang pangatlong libro ay naglalaman ng mapa at iba pang sikreto na kailangan namin malaman. Kung mapa lang ang nakita niya, ibig-sabihin may nakabasa na ng pangatlong libro. Pero... sino kaya iyon?

"Yeah, magsisinungaling ba ako sa 'yo?" she shrugged.

"E 'yung libro?" tanong ni Kuya Ky.

Tumaas ang isang kilay ni Mila, mukhang walang alam sa sinasabi ni Kuya Ky. "Anong libro ang sinasabi mo? Marami namang libro rito sa library, bakit hindi mo rito hanapin?"

He rolled his eyes. He probably knew that she was clueless. "Never mind," sagot niya na nailing pa.

Mila crossed her arms, sensing that there was something more to what kuya Ky asked. "Are you hiding something? Kaya ba kayo narito sa library?"

"Of course not—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita pa siyang muli.

"I can't believe na magagawa mo sa 'kin 'to, Alysson. What about Sam? Alam ba niya na may tinatago ka sa 'min kasama 'yang mga 'yan?" saad niya sabay turo sa mga kasama ko.

Umiling ako at ni-deny ang paratang niya. "Wala kaming tinatago sa inyo, Mila. Hindi rin namin alam kung ano ang sinasabi ni kuya Ky."

I'm sorry. Hindi ko rin naman gusto na magsinungaling at maglihim sa kanila lalo na't kaibigan ko sila, pero wala akong choice para gawin ito. Hindi ko rin naman sila pinaghihinalaan, dahil alam kong inosente sila sa mga nangyayari sa 'min ng mga nagdaang araw. Concern lang ako na baka may nalaman sila ay mapahamak sila. Ayoko mangyari 'yon.

Tumabang ang ekspresyon ng mukha niya, nanatiling nakahalukipkip ang kaniyang mga braso. "Sinungaling," tugon niya.

"Para saan pa na naging kaibigan ka niya kung hindi ka naman maniniwala sa kaniya?" ani Noella, sumingit sa usapan.

Bumaling si Mila sa kaniya. "Kung wala kayong tinatago, anong ginagawa niyo rito? Bakit gulat na gulat kayo nang pumasok ako, para pa nga kayong nakakita ng multo."

"That's enough, Mila. We're not hiding anything," Commander uttered.

She sniggered. "You're all in on this, of course you will deny it. Sasabihin ko ang tungkol dito sa iba para naman hindi sila magmukhang tanga na walang alam katulad ko."

"What the hell?" Noella exclaimed, furrowing her brows. "Problema ka talaga e 'no?"

Pinaikutan lamang siya ni Mila ng mata bago tumalikod. Sa kaba na sabihin niya talaga iyon sa iba naming mga kasama ay sinundan ko siya at pinigilan sa paglalakad.

Marahas niyang inalis ang kamay ko sa braso niya syaka lumingon sa 'kin na salubong ang kilay. "Oh, ano? Bakit mo ako pipigilan kung wala naman pala kayong tinatago?"

"I'm..." nanginig ang boses ko, hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Parang OA kung titignan pero naiiyak na talaga ako sa mga oras na 'to. Dapat lang ba na sabihin na namin sa kaniya ang mga nalalaman namin para hindi na lumala pa ito?

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now