Chapter 12

30 1 0
                                    

ALYSSON

Pagtapos ng mahabang paglalakbay ay nagpahinga muna kami ulit. Pa-sikat na ang araw ngunit wala pa rin kami nakikitang shelter. Grabe naman ang lugar na 'to, sa sobrang laki ay nakaliligaw. Wala kaming mapa kaya hindi namin alam kung tama pa ba ang dinaraanan namin. Mabuti na lamang ay hindi pa nangyari sa'min 'yong pabalik-balik kami sa iisang spot. ('Yung madalas mapanood sa TV na scene kung saan kailangan pa nila baliktarin ang kanilang mga damit.)

"Ang mga gusto umihi, umihi na. H'wag din kayo maghiwa-hiwalay kung ayaw niyong may mangyaring masama sa inyo," ani Commander bago umupo sa tabi ko.

Pareho na kami ngayon nakaupo sa malaking bato habang pinagmasdan ang iba na umalis para umihi. Ang mga babae ay nagsama-sama at gano'n din ang mga lalaki.

"Ngayon mo lang nalaman na magkapatid sina Mon at Noella?" tanong ko kay Commander nang kami na lamang dalawa ang natira.

Umiling siya. "Matagal ko na 'yong alam, sinabi sa'kin ni Top."

Tumango ako at sinabing, "Kaya pala mukhang hindi ka nagulat nang sabihin niya na kapatid niya si Mon." lumingon ako sa kaniya nang may maalala, "Wait, hindi ka ba naiihi? Dapat sumama ka na sa mga lalaki."

Mahina siyang tumawa. "Kung naiihi ako, sana sumunod na ako sa kanila. Ikaw ba? Baka maihi ka bigla sa daan."

Ewan ko ba, bigla na lamang ako nahiya. Pag-ihi lang naman ang pinag-uusapan namin. Gosh.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya saka sumagot. "Hindi naman ako naiihi."

Tumango na lamang siya at nabalot na kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung may dapat pa ba akong itanong, wala rin naman akong maisip na topic na maaari naming mapag-usapan.

Napahawak ako sa'king dibdib nang lumakas na lang bigla ang kabog nito sa hindi ko malamang dahilan. Epekto ata ito ng pananatili ko sa lugar na ito nang matagal.

"Okay ka lang?" tanong niya, binasag ang katahimikan.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti, "Oo naman. Bakit naman hindi?" nagbuntong-hininga ako saka tumingin sa malayo. "Sana lang ay makalabas na tayo rito. Sobra naman na siguro ang paghihirap natin 'di ba? Gusto ko na ulit maging malaya."

"Don't worry, makalalabas din tayo rito. Kailangan lang natin ng pagpupursige at tsaga," tugon niya.

"Minsan ba na tanong mo na sa sarili mo kung ano ang nagawa mong mali para maranasan ang ganito?" napakagat labi ako. Gusto ko pigilan ang magsalita ngunit kusang lumabas ang mga salitang iyon mula sa'king bibig.

"Marami na ang namatay sa'tin. Hindi pa ba sapat 'yon para matigil na ang paghihirap na 'to? Gaano ba karami ang dapat mawala para lang matapos na?" dagdag ko pa. Lumingon ako kay Commander na nakatitig lamang sa'kin nang walang emosyon.

"Be honest. Sa tingin mo ba makalalaya pa tayo rito?" tanong ko sa kaniya.

Saglit kaming nabalot nang katahimikan at nang handa sumagot si Commander ay nagsidatingan naman ang ilan naming mga kasamahan, dahilan upang matigil ang pag-uusap namin.

It's okay. Hindi naman niya obligasyon sagutin ang tanong na 'yon. Alam ko naman na lahat kami rito ay nawawalan na ng pag-asa na makita ang dating mundo na kinagisnan namin. Hindi ko lang mapigilan na maawa sa iba naming mga kasama na lumaki na sa lugar na ito. Tiyak na maninibago sila sa mundo sa labas once na makaalis na kami rito.

Naputol ang pag-iisip ko nang tumayo si Commander. "Narito na ba ang lahat?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa aming mga kasama.

Nagsimulang magbilang si Justine upang tiyakin kung kumpleto kami. Nang masigurado n kumpleto na ang lahat ay naglakad na kami muli upang maghanap ng puwedeng matuluyan.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon