Chapter 9

33 10 0
                                    

ALYSSON

Matapos magsalita ni Commander, nagsimulang kumalma ang tensiyonado na kapaligiran. Si Sassy, habang medyo galit pa ay bumaba ang tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.

Tahimik lamang ang lahat habang unti-onti nang natatapos ang iba sa pagkain. Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lamang na alala ang mukha ni Angela na wala nang buhay; walang mga mata at maraming saksak sa katawan.

My grip on the spoon slipped and I covered my mouth. Agad kong naramdaman ang kamay ni Mila sa'king likuran.

"Okay ka lang?" tanong niya, halata sa boses ang pag-aalala.

Tumango na lamang ako at hindi nagsalita.

"Oh, tubig," ani Mila at inabot sa'kin ang baso na may laman na tubig. Inabot ko iyon at agad na uminom.

Nang matapos na kami sa pagkain ay naghugas na kami ng aming mga pinagkainan. Nakuha namin ang mga plato at ibang baso sa cafeteria ng school noong lisanin namin ang lugar na 'yon. Mabuti na nga lamang ay may mga hindi nabasag gawa ng pagsabog, unti man pero sapat na ito sa'min. Ang iba ay naghahati na lamang sa iisang plato.

Kasama ko sa paghugas ay sina Sam, Sassy and Ice, sa ilog kami naghuhugas. Hindi naman mukhang marumi ang tubig kaya safe ito, clear nga ang tubig dito. Napaiisip tuloy ako kung p'wede ito inumin.

Habang tahimik kaming naghuhugas ay bigla na lamang bumuntong hininga si Ice kaya napatingin kami sa kaniya.

"What?" tanong ni Sassy, parang iritado pa ang boses nito.

Tumingin sa kaniya si Ice at umiling, hindi rin nagsalita. Patuloy lamang siya sa paghugas habang kami naman ay nag-iisip sa kung bakit siya bumuntong hininga.

Tumikhim ako at umayos ng upo bago tanungin si Ice. "May bumabagabag ba r'yan sa isip mo?" tanong ko.

Muli siyang bumuntong hininga nang tignan niya ako. "Ang kulit kasi ni France."

Bigla akong napangiti nang banggitin niya ang pangalan ni France. Akala ko ay kung ano na ang na sa isip niya, iyon lang pa lang lalaking 'yon.

"Oh, ano na namang mayro'n sa lalaking 'yon?" tanong ni Sassy, nakataas ang kilay.

Alam niyo, bagay talaga sa kaniya ang pangalan niya, may pagkamaldita at kaartehan kasi talaga 'tong babaeng 'to. Hindi ko nga alam kung bakit siya pumayag na maghugas ngayon.

"Kinukulit niya ako," simpleng sagot ni Ice.

"Paanong kulit ba at parang problemadong problemado ka?" tanong ni Sam.

"Gusto niya magtabi kami sa pagtulog. Sinabi ko na nga na katabi ko si Eve," sagot ni Ice, hindi tumingin sa'min.

Mas lumawak pa ang ngiti ko sa labi, habang si Sassy naman ay napatakip ng bibig kahit na may bula pa ang kamay niya. "For real?!" tanong ni Sassy, hindi makapaniwala.

Tumango naman si Ice saka tumingin kay Sassy. "Ang kulit niya!" ulit pa ni Ice, halatang hindi mawala sa isip si France.

Tumawa naman si Sam. "My gosh, crush ka ba no'n?"

"You know what? Tarantado 'yang si France but I never saw him pa na may nilanding babae. Well, I know na 'di ka talaga makalalandi sa paaralang 'yon, pero 'di 'yung iba nagkaroroon ng relasyon sa loob no'n?" pagbubuko ni Sassy kay France.

"Anong ibig mong sabihin? Si Ice ang first love ni France?" tanong ko, may halong pang-aasar ang boses.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Ice at pinatalsikan kami ng tubig. "Hmp, kung alam ko lang na aasarin niyo ako, hindi na lang sana ako nagkuwento.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now