Chapter 10

32 10 0
                                    

MON

"Ihi lang ako," pagpapaalam ko saka tumayo. Kanina pa ako nagpipigil ng ihi e.

"Lahat ng iihi, magsi-ihi na," ani Commander at nagsitayuan naman ang mga naiihi.

Lumapit sa'kin si Frent at inakbayan ako. "Sabay na tayo," sabi niya. Tumango lamang ako bilang sagot saka kami naglakad, habang si Charles naman ay sumunod sa'min.

Mas maganda na rin na may kasamang umihi dahil baka bigla kong makasalubong ang mga tauhan ni Victor. Mahirap na ang mag-isa, wala kang kasama lumaban. Paano na lang kung malakas ang makaharap ko 'di ba?

Nang makahanap ng maganda na spot ay do'n na kami umihi. Habang umiihi, sa taas ako nakatingin, sinisigurado na walang tao sa taas ng puno. Pangit naman kung mamamatay ako nang walang kalaban-laban.

Hindi pa ako tapos umihi nang akbayan ako ni Frent saka bumulong sa'kin, "Bilisan mo. Takutin natin si Charles," natatawa niyang sabi.

Napangiti ako sa sinabi niya. Pagtapos ko umihi ay agad kong ni-zipper ang aking pants at sabay kaming nagtago sa dilim ni Frent. Ilang segundo pa ang hinintay namin bago matapos si Charles. Nakita namin ang paglinga-linga nito sa paligid, tila hinahanap kami.

"Tara na," sabi ni Frent.

Habang ako naman ay tumango at handa na lumabas nang biglang may pumukpok sa ulo, dadaing na sana ako nang biglang takpan ang bibig ko at hinila ako palayo. Hahawakan ko sana ang kamay ni Frent ngunit hindi ko na iyon naabot. Nakita ko pa ang paglingon ni Frent sa tabi niya na tila hinahanap ako, bago tuluyang maglaho sa paningin ko si Frent dahil sa dilim. Hindi ako makalaban dahil sa sakit ng ulo ko, ramdam ko rin ang pagbaba ng likido mula sa'king ulo.

Habol-habol ko ang aking hininga nang sa wakas ay binitiwan na ng kung sino man ang taong ito, ang bibig ko. Mula sa'king likod ay naglakad siya papunta sa harapan ko. Kumunot ang noo ko nang hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Anong kailangan mo? Kampon ka ba ni Victor?" tanong ko. "Kung tauhan ka niya talaga, bakit ako lang ang kinuha mo?"

"Sinabi ko bang tauhan ako ni Victor?" sagot niya. Mas lalo pang nangunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar niyang boses. "Well, puwede mo rin isipin na gano'n," dagdag pa niya.

Lumuhod siya para pantayan ako. Kasabay ng paglapit ng mukha niya ang pagkirot ng ulo ko kaya napahawak ako ro'n habang hindi makapaniwala nang malaman kung sino ang may gawa sa'kin nito.

Hinawakan niya ang baba ko saka ngumiti. "Nakita mo ako nang gabing 'yon 'di ba?" tanong niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," tugon ko rito.

Tumawa siya ngunit hindi iyon malakas, sapat lang para marinig naming dalawa. "H'wag mo na i-deny. Nakita rin kita no'n, umiihi ka pa nga 'di ba? Umiihi ka noong makita mo akong lumabas sa gubat na puno ng dugo ang damit," nakangiti niyang sabi.

"Tingin mo ba hindi kita napansin no'ng nagtago ka sa dilim?" tanong niya at binitiwan ang baba ko. "Ang pinagtatakha ko, bakit hindi ko sinabi 'yon sa kanila? Bakit mo nilihim?"

Umiling ako. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ginawa mo ba 'to dahil do'n? Pwes, mali ang hinala mo," sabi ko, hawak pa rin ang aking ulo.

She sniggered, clearly skeptical of my denial. "You know what? Denying won't get you anywhere because I know it was you. Should I confess first before you tell the truth? Fine. I was the one who killed Angela, and you witnessed me returning to the tent with blood on my clothes. Now, will you confess to what you saw?"

Sa totoo lang, kaya ko siyang labanan dahil babae siya pero hindi sa ganitong kalagayan ko. Hindi ako si Commander na parang bato, na kahit na marami pa siyang tama sa katawan ay kaya pa rin niya ipaglaban ang sarili. Hindi ko kaya gawin 'yon, isa pa, nahihilo ako dahil sa ulo ko na pinukpok niya. Hindi rin tumitigil ang paglabas ng dugo.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now