Chapter 15

29 0 0
                                    

JOSE

"Damn, nagugutom ako," reklamo ko sa'king isipan.

Umupo ako at ni-check kung tulog na ang mga kasama ko. Lahat sila ay nakasaklob ng kumot kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Baka tulog na nga talaga sila.

Wala na tuloy akong maaya kumain.

Bumangon na ako sa kama at naglakad palabas ng silid. Ako na lamang mag-isa ang kakain, wala rin naman akong choice. Alangan naman na gisingin ko sila para lang samahan ako, 'di ba? Kailangan din nila magpahinga kahit papaano.

Pagdating ko sa kusina ay nagluto ako. Gulay ang niluto ko dahil wala naman kaming itlog o iba pa na p'wede iulam. Pagtapos ko magluto ay kumain na ako, walang kanin dahil wala namang palayan dito.

Pagtapos ko kumain ay naghugas na ako ng plato. Ang dishwashing soap namin ay gawa sa halaman. Alam niyo kung sino ang nakaisip? E'di si Alysson, siya ata pinakamaalam sa'ming lahat.

Nang matapos ay nagpunas muna ako ng kamay, paglingon ko ay nagulat ako nang tumambad sa'kin si—

"Bakit gising ka pa?" tanong niya.

"Kumain ako, ikaw? Bakit gising ka pa?" tanong ko pabalik.

"Ni-check ko lang kung tulog na ang lahat," sagot niya.

Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi naman kami close kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kaya naman nagpasya ako na umalis na.

Hindi rin ako madikit sa mga babae, siguro maliban kay Sassy dahil kagrupo ko siya. Hmm... hindi naman talaga kami gano'n ka-close sa isa't-isa, pero siya ang madalas ko makausap sa mga babae na kasama namin.

Akmang lalagpasan ko na siya nang may pahabol siyang sinabi. "Ako ang pumatay kay Mon at Angela."

Agad akong napalingon sa kaniya, magkasalubong ang kilay. "Anong sinabi mo?"

Tama ba ang narinig ko? Hindi pa naman ako bingi at wala naman akong deperensya sa pandinig.

Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin, nakangiti. "Sabi ko, ako ang pumatay kina Mon at Angela."

Sa hindi malamang dahilan, nainis ako sa pagngiti niya. Hindi ako sumagot. Hindi dahil sa napipe ako kun'di dahil hindi ko alam ang sasabihin. Nakatitig lamang ako sa kaniya, nanatiling magkasalubong ang kilay.

Maya-maya ay tumawa siya. "Joke lang. Ang seryoso naman ng mukha mo, hindi ka mabiro."

I heaved a sigh of relief. "H'wag ka nga magbiro ng ganiyan. Paano kung may makarinig sa'yo?"

Dang. Gabi na, tingin niya magandang biro 'yon?

She tilted her head slightly, smirking, "So what?"

"Huh?" muling kumunot ang noo ko.

May sira ba sa pag-iisip ang babaeng 'to? Sino ba ang gumising sa kaniya ng ganitong oras? Masama pala ito maalimpungatan, kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.

"I mean..." lumapit siya sa'kin at hinawakan ang braso ko. "Naroon ko no'ng pinatay ko si Mon, so alam mo talaga na hindi ako nagbibiro."

'Pinatay ko' what does she mean by that?

Mas lalo pa kumunot ang noo ko. Wala akong pinagsabihan na kahit sino na nasaksihan ko kung paano pinatay si Mon. Paano niya nalaman 'yon?

"Hindi na maganda ang biro mo, matulog ka na at babalik na rin ako sa kwarto," saad ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Tumalikod na ako at naglakad, ilang baitang pa lamang ang nagagawa ko nang may maramdaman akong matulis na bagay na tumusok sa'king likod. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ang malawak niyang ngiti.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now