Chapter 14

17 1 0
                                    

ALYSSON

"AH!!"

Hmm~ What's that noise? May gising pa? Gabi na ah.

"Argh! Ano ba 'yon? Umaga na ba?" reklamo ni Noella. Kumunot ang noo ko habang nanatiling sarado ang mga mata ko. Bumaling ako sa kabilang direksyon at pilit isinantabi ang narinig na sigaw.

Baka may nakakita lang ng ipis o daga kaya sumigaw. Wala naman sigurong makapapasok dito na kalaban since nagbabantay ng CCTV sina Toffy and France.

"AH!!"

Bumangon na ako nang makarinig ng isa pang sigaw. Dahil sa antok pa ako ay napahikab ako habang kinukusot ang aking mga mata.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Lumingon ako kay Noella at nakita siyang nakaupo na rin katulad ko. "Tangina! Ano ba 'yon?" ani Noella, nagkakamot pa ng ulo sa inis.

"May away ba?" tanong ni Sam, ngayon ay bumangon na rin mula sa paghiga.

"Aish! Sinasabi ko sa inyo, kapag 'yang sigaw ay dahil lang sa sigaw, makakatikim talaga kayong lahat!" galit na sabi ni Ice. Dahil naman sa pagsigaw niya ay nagising si Eve na katabi niya.

"My gosh. So annoying naman!" reklamo ni Sassy. Ginulo niya ang kaniyang buhok bago umupo at sinamaan ng tingin si Ice.

Nagtaas ng kilay si Ice sa kaniya. "Oh, bakit mo ako tinitignan ng gan'yan? May problema ka ba?"

Akmang sasagot na si Sassy nang awatin siya ni Sophia. "Shh... Tama na nga 'yang sagutan niyo."

Teka. Inisa-isa ko tignan ang mga mukha ng mga kasama ko nang may mapansin. Nang makasiguro na tama ang hinala ko ay kumunot ang aking noo. Bakit kulang kami?

"Na saan si Mila?" tanong ko kasabay ng pagtingin ko sa bukas na pinto ng kwarto namin.

Bumalik ang tingin ko kay Sam nang magsalita siya. "Oo nga 'no? Na saan ang babaeng 'yon?"

Tuluyan ko nang iniwan ang higaan at lumabas sa silid. Paglabas ko, nakita ko ang ilan naming kasama na tila kagigising lang at parang wala ring alam sa nangyayari o sa pinagmulan ng sigaw.

"Narinig niyo rin ang sigaw?" tanong ni Top na nasa bungad ng pinto ng kwarto nila.

Tumango ako. Nang maglakad siya ay sumunod ako sa kaniya. Nang marating namin ang sala ay natagpuan namin doon si Mila at Anthony.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang madako ang mga mata ko sa sahig. Nang ibalik ko ang tingin kay Mila ay doon ko lamang napagtanto na puno ng dugo ang kaniyang damit, may dugo rin siya sa mukha, habang na sa lap niya si Anthony. Si Anthony na mulat ang mga mata na nakatingin kay Mila, may saksak sa kaniyang dibdib habang walang humpay sa paglabas ang mga dugo ro'n.

"Mila, what... what is this?" I asked under my breath. Hindi ko alam kung narinig ba niya 'yon. Ang kaniyang mga mata ay parang walang buhay na nakatitig sa'kin.

Agad naman dinaluhan ni Top si Anthony at nilayo kay Mila. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nabalik na lang ako sa ulirat nang sampalin ako ni Sophia.

"Wake the fuck up! Your friend died and you're just standing there, doing nothing?" Sophia shouted at me, pointing at something.

Ilang beses akong kumurap bago sundan kung saan nakaturo ang daliri niya. Agad na tumulo ang mga luha ko nang makitang walang buhay si Anthony na nakahiga na ngayon sa puting tela. Napakagat ako sa'king labi nang i-close ni Yuan ang mga mata niyang nakadilat.

"Anthony," I muttered.

Maya-maya ay napansin ko si Sam sa tabi ni Anthony, walang humpay sa pag-iyak. Panay ang tawag niya sa pangalan ni Anthony habang patuloy siya sa pagyugyog sa katawan niya.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang