Chapter 21

15 0 0
                                    

ALYSSON

Bang!

Malakas na bumukas ang pinto ng library kaya naitulak ko si Commander. Hihingi pa sana ako ng sorry dahil sa nangyari nang bigla namang magsalita ang taong nagtulak ng pinto.

"Aba, ano 'yang ginagawa niyo riyan? Tara na!" sigaw ni Gab.

Bigla tuloy akong nahiya at napatakip sa mukha. Shit.

Kasabay ng pagsara ng pinto ang pag alis ni Commander ng kamay ko sa aking mukha. "Tara na, baka hinahanap na nila tayo," wika niya.

Tumango na lamang ako at hinayaan siyang hilain ako palabas sa library. Hindi pa rin natatanggal ang hiya ko, parang hindi ko kayang tingnan mamaya si Gab.

Naglalakad na kami papunta sa sala nang mapansin ko na handa na ang lahat, kumpleto na sila at kami na nga lang talaga ni Commander ang hinihintay. Nang mapansin ko ang mga mata nilang nakatingin sa mga kamay ni Commander ay agad kong binitiwan ang kamay niya.

Lumingon siya sa 'kin na tila nagtatanong, at ang tanging na sabi ko lang sa kaniya ay 'sorry'. Mukhang naunawaan naman niya iyon dahil tumango siya at ngumiti.

Saktong paglapit niya sa mga kasama namin ay ang pagdikit naman sa'kin nina Eve, Mila, Sam, at Ice. Naku po, alam ko na kung ano ang gusto nila!

"Saan kayo galing? Ayaw sabihin ni Gab kaya ikaw na ang magsabi," ani Sam.

"Bakit kayo magka holding hands? Akala ko ba wala kang time para sa love?" tanong ni Ice.

"Nagsi-sikreto ka na sa'min, Alys ha!" saad ni Mila.

"Grabi, so kilig! Spill mo na 'yan, ate Alys!" pilit ni Eve.

"Lubayan niyo nga ako, wala naman akong dapat sabihin—"

BANG! BANG!

Naputol ang sasabihin ko nang may sunod-sunod na putok ng baril kaming narinig.

"W-what's that?" nanginginig na tanong ni Eve, nawala na sa boses niya ang pagkagalak at napalitan iyon ng takot.

BANG!

Napaatras kami lahat nang may marinig pa ulit, nagsisiksikan na kami ngayon.

Kinakabahan ako, parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Mahigpit na hawak ko ang kamay ni Eve para hindi siya masyadong matakot, pero nasasalo ko ata lahat ng kaba at takot niya. Damn.

"Anong mayro'n? Bakit may mga putok ng baril?" tanong Sam, halata ang takot sa kaniyang boses.

Iyan din ang tanong ko. Bakit bigla na lang may namamaril? Hindi kaya alam na ni Victor kung saan ang pinto papunta rito sa loob? Grabi, ang bilis nila kumilos. Parang kanina lang ay may nakitang mga lalaking naka itim sa monitor na palakad-lakad sa labas.

BOOGSH!

Tilian at sigawan ang nangyari sa loob ng shelter nang magkaroon ng malakas na pagsabog. Nagkaroon ng makapal ng usok sa loob dahilan para ma-ubo kami, dahil siguro sa pagsabog kaya nagkaroon ng usok.

Nang unti-onti na mawala ang usok, nag a-appear doon ang pigura ng mga tao na siyang nakapag pakunot ng noo ko. Sinuyod ko ang mga kasama ko, nagawa ko pa silang bilangin para siguraduhin na magkakadikit kaming lahat. Nang masiguro na kumpleto kami, muling bumalik ang mga mata ko sa usok na pawala na.

Sino ang mga tao sa likod ng usok?

Bang! Bang! Bang!

Saktong paghupa ng makapal na usok ay siya namang pagtadtad sa'min ng baril. Tila bumagal bigla ang galaw ng mundo dahil bawat pangyayari ay nasaksihan ko. Nakita ko ang mabilis na pagputok ng baril, ang paghagis ng mga katawan sa lupa, at ang pagtagas ng dugo mula sa mga katawan.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Where stories live. Discover now