Chapter 7

33 10 0
                                    

ANGELA

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Sophie, agad niyang hinawakan ang kamay ko nang tumayo ako.

Kaming dalawa ang magkasama sa tent. Wala naman akong ibang close sa mga kasama namin maliban sa kaniya. At sapat na sa'kin ang isa, hindi ko na kailangan ng iba pa.

Si Sophie ang kauna-unahang estudyante sa Ravenwood University na nakilala ko at naging kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa eskwelahan na 'yon, siguro ay kasama ako sa mga nakidnap at dinala ro'n. Hindi ko na maalala pa kung ano talaga ang nangyari at dahilan kung paano ako napadpad sa lugar na 'to. Siguro dahil sa sobrang tagal na at pati na rin sa trauma ay nabura na iyon sa ala-ala ko.

Sophie's grip on my hand was comforting, grounding me in the midst of my swirling thoughts. Her concern was evident in her eyes.

Napabuntong-hininga ako at sinalubong ang tingin niya. "I need some fresh air, Sophie. The forest outside is calling me."

She nodded, understanding the need for solitude. "Alright, Angge. Take your time. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako, okay?"

I managed a faint smile, grateful for her friendship. "Thanks, Sophie. I'll be back soon."

Pero bago ako tuluyang makalabas sa tent ay muli pang nagsalita si Sophie. "Mag-iingat ka, okay? Kapag may nakita ka na hindi mo kilala, sumigaw ka kaagad. Kahit hindi ko pangalan ang una mong isigaw, basta sumigaw ka."

Natawa ako sa sinabi niya at napatango na lamang. Para talaga siyang nanay kung umasta, but I like that about her.

"Oo, madam. Basta kahit pangalan ni Commander ang isigaw ko dapat lumabas ka pa rin, ha?" pagbibiro ko.

Pinaikutan niya ako ng mata saka dumapa upang talikuran ako. "Alam kong baliw na baliw ka sa lalaking 'yon, kaya alam ko rin na siya ang una mong hihingan ng tulong."

Ngumuso ako at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya mula sa likod at pinatong ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "H'wag ka na magtampo. Oo na, sige na, ikaw ang una kong tatawagin. Okay na ba tayo?"

"Tsk, oo na. Basta h'wag kang lumayo, baka naglilibot ang mga tauhan ni Victor at baka makita ka pa," sabi niya at humarap na sa'kin. "Samahan na lang kaya kita? Gusto mo ba?" Dugtong pa niya, halatang hindi mapalagay.

Ngumiti ako at mahinang hinampas ang braso niya. "H'wag na. Matulog ka na r'yan."

Hindi na siya sumagot pa kaya naman lumabas na ako.

Leaving the tent, I stepped out into the cool, moonlit night. The dense forest surrounding me had lots of trees, and it was dark with strange shadows. Ang mga kasama ko ay nasa kani-kanilang mga tent, marahil ay natutulog dahil lahat kami ay pagod. Kakaiba ang lugar na ito, puno ng mga bagay na hindi ko maintindihan. I couldn't remember anything about my past, only bits of dreams and bad dreams.

Nakatayo ako doon nang mag-isa habang nakatingin sa buwan. Ang mga puno sa itaas ko ay gumawa ng mahinang ingay dahil sa hangin, at naririnig ko ang ilang mga hayop na gumagawa ng mga tunog. It was kind of creepy but also interesting.

Ang aking mga kasama ay mahimbing na ata ang tulog kani-kanilang mga tent kasama ang kanilang mga kapartner. Pagod na pagod kaming lahat sa buong araw sa paghahanap, kaya hindi ko sila masisisi kung nakatulog sila agad. Sa sobrang pagod, parang nakakalimutan ng katawan mo na matakot o mag-alala, kahit pa na sa nakatatakot ka na lugar tulad nitong kagubatan. Everything here was strange and confusing, but sleep was like a little break from it all.

As I walked deeper into the forest, the trees seemed to whisper secrets, their rustling leaves a haunting melody. I couldn't help but wonder how I had ended up in this enigmatic place, and if there was any way out.

Shattered Illusions (TLS Book 2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin