Chapter 13

5.7K 233 118
                                    

BINUHAT ko ang batang babae at tinatanong ko siya kung nasa’n ang mama niya. Tinuro naman ng batang babae ang kaliwang direksyon kaya tinungo ko yun. 

Mas mabuti ng ako ang mismong maghatid sa kanya kaysa sa ibang tao. Maraming siraulo sa mundo kaya dapat lang na mag-ingat sa paligid.

"Naliligaw ka ba? O di kaya ay nalingat ba ang mama mo kaya kayo nagkahiwalay?" Tanong ko sa batang babae.

"Sinundan po kita, s-sir." Sagot ng bata kaya napahinto ako sa paghakbang at kumunot ang noo ko. 

"Bakit mo naman ako sinusundan? Sigurado ako na nag-aalala na ang mama mo." Sabi ko sa batang babae. 

"Sigurado po.. ako na matutuwa si mama kapag nakita ka, sir." Sabi ng batang babae. Kanina pa ako nagtataka sa mga sinasabi ng batang 'to. 

"Mama mo? Bakit naman siya matutuwa sa 'kin?" Tanong ko sa bata. Kibit balikat lang na sumagot ang bata kaya napangiti ako.  Ang cute ng batang ‘to. Ang sarap kurutin ng pisngi niya.

"Kasi po gising ka na, sir." Sagot ng batang babae. 

Nagulat ako ng ilapit ng bata ang mukha niya sa tenga ko at may ibinulong sa 'kin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tumingin ako sa batang babae. Ngumiti pa siya sa 'kin habang ako ay napakurap-kurap.

"Levi!!" Natigilan ako ng marinig ko ang boses na yun. Agad akong lumingon at si Agni yun. Napabuga ako ng hangin ng makita ko siyang namimilipit sa tiyan.

May kasama din siyang lady guard at parang inaalalayan siya. "Help me!  Ang sakit ng tiyan ko! Dalhin mo ko sa hospital please.." pagmamakaawa niya sa 'kin.

"Sir, namimilipit po sa sakit ang girlfriend mo. Ayaw niya po mag patulong sa’min dahil ikaw daw po ang kailangan niya." Sabi ng lady guard. 

Napabuga ako ng hangin sa ka dramahan ni Agni. "Pwede bang ikaw nalang ang maghatid sa kanya?" Tanong ko sa lady guard. 

"Po? Pero ayaw po niya. Ikaw po ang kailangan." Sagot naman ng babae na naniniwala sa drama ni Agni. Bakit pakiramdam ko ay pinipigilan niya ako na makausap ko ang bata. 

"Ano na namang drama yan, Agni?" Seryoso kong tanong sa babae. 

Nalukot ang mukha niya at napasigaw sa sakit. "A-Ang sakit talaga, babe. Please.. maniwala ka naman sa 'kin oh.. ibigay mo nalang ang batang yan sa lady guard at siya na ang bahalang ibalik sa kung sino man ang ina nyan." Sabi niya habang sapo parin ang kanyang tiyan. 

"Ako na po bahala sa bata, sir. Trabaho po namin na ibalik sa magulang kapag may naligaw man na bata dito sa loob ng mall. Wag po kayong mag-alala, sir, makabalik sa magulang ang batang 'to.'' Sabi ng lady guard at lumapit sa 'kin at pilit na inaagaw ang batang babae sa 'kin. Sinalag ko ang kamay niya at inilayo ang bata. 

"Ako na magbabalik sa bata. Wag kang mangialam!" Galit kong sabi. Bigla nalang may sumulpot na dalawang guard at nakisali na sa usapan.

Sinabi pa ng lady guard na hindi ko daw kilala ang bata at baka matakot sa 'kin. 

"Sige na po, sir. Kami na po ang bahala sa bata. Baka po matakot sa’yo." Sabi ng lady guard dahil ayaw ko silang palapitin sa bata. Gamit ang isang kamay ko ay sinasalag ko ang kamay nila kapag sinusubukan nilang hawakan ang batang babae. 

"Ano ba, Levi! Mamatay na nga ako dito sa sakit tapos ganyan ka pa.." sabi ni Agni kaya masama ko siyang tinignan.

''I don’t care. Just die, Agni." Sabi ko kaya natigilan si Agni. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko. 

"G-Ganyan ka na ba talaga sa 'kin, Levi? Wala ka na bang pagmahal
sa 'kin kahit konti man lang. Ako ang nandyan sa tabi mo nong wala kang malay. Nakipag away pa ako sa kaibigan mo dahil ayaw nila akong palapitin sa’yo.. pero ganito lang pala ang gagawin mo sa 'kin. Ang sakit, Levi." Sabi niya habang umiiyak. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now