Chapter 8

4.3K 169 41
                                    

ANIM NA buwan na ang nakakalipas at nandito parin ako sa hospital at binabantayan si sir Levi. Ang sabi naman ni doc. Salem ay bumubuti naman daw ang kalagayan ni sir. Ngunit talagang hindi parin siya nagigising. 

Nakabili na ako ng maliit na bahay. Hindi ko sana mabibili yun kung hindi pa kay doc. Salem. Sinabi ko kasi sakanya na pinag iipunan ko na makabili ng bahay para samin mag-ina at nagulat ako ng dagdagan niya ang pera ko para makabili ako ng bahay at lupa. Maliit lang yun pero kasya lang para samin ni Sera. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko kay doc. Salem. Gwapo talaga siya at galante pa. 

Hindi naman niya alam kung saan ako bumili ng bahay. Hindi din naman siya nagtanong dahil ang mahalaga daw ay may pupuntahan daw ang perang ibinigay niya sa 'kin. Habang inaabot nga niya ang pera
sa 'kin ay tinanong niya kung gwapo ba daw siya. Sumagot naman ako na oo. Mas lalo pa niyang dinagdagan yun ng sabihin ko na hindi lang siya gwapo kundi matipuno at matalino pa siya. Ganun lang pala utuin si doc. Salem, kailangan lang pala sabihin ang magic word na gwapo siya at nagbibigay na agad siya ng pera.

Yung tiyahin ko ay nag chat na naman sa 'kin. Dinedelete ko agad dahil wala naman katuturan ang mga text niya. Panira lang talaga siya ng araw. 

Nandito ako sa upuan at kumakain ng mansanas. Nakatitig na naman ako kay sir Levi na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. 

"Nakabili na po ako ng bahay, sir Levi." Pagkukwento ko sakanya. "Dahil po sa’yo yun kaya may bahay po akong nabili. Maliit lang po yun, sir. Pero at least po may sarili na kaming bahay ng anak ko. Hindi na po kami babalik sa tiyahin ko. Nag text na naman po nga yun eh, sabi po niya may utang na loob daw ako sakanya dahil pinag-aral daw po niya ako. Nanghihingi po siya ng pera
sa 'kin pero hindi ko nalang po nireplayan. Pasensya na po sir ha kung palagi akong nag kwekwento sa’yo ng problema ko. Wala po kasi akong mapagsabihan na iba po eh. Wala naman kasi akong kaibigan kaya araw-araw po akong nakikipag usap sa'yo. Alam ko po na wala kang paki sa kwento ko pero salamat po dahil kahit papano ay gumagaan po ang problema ko kapag nilalabas ko po sa'yo." Mahaba kong sabi habang nakangiti sakanya.

"Kung dati po ay ayaw muna kitang magising para maka ipon ako ng pera. Pero ngayon po ay sana po ay magising ka na. Lagi ko pong pinagdarasal na sana po ay magising ka na at wala pong komplikasyon at lahat ay nasa maayos." Saad ko habang nakatitig parin sakanya. Magiging masaya na din talaga ako kung magising na siya. "Pasensya na po sa na isip ko. Pero yun po talaga ang totoo, kasi po gusto ko makaipon ng pera para samin ng anak ko. Kaya pasensya na kung naisip ko man yun. Pero lagi ka pong kasali sa dasal ko bawat gabi na sana po isang araw ay magising ka at wala ng dinaramdam na sakit mula sa nangyari sa'yo." Dagdag ko pang sabi.

Tumayo ako at inayos ko ang kumot ni sir Levi dahil naka tabingi na naman. Naisip ko na puntahan ang anak ko sa kwarto namin ngunit hindi ako natuloy ng may marinig akong katok sa labas ng pinto. Agad kong tinungo yun para pagbuksan at baka ang nurse yun na mag che-check kay sir Levi.

Pinihit ko ang siradura ng pinto saka ko ‘to binuksan. Ang akala ko ay nurse ay hindi pala. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang babae na matangkad at may pagka sophistikada tignan dahil sa mukha niya. Ang ganda ng babae kahit may mataray siyang mukha. Tinaasan pa talaga niya ako ng kilay habang nakatingin siya sa 'kin.

"Sino ka? Bakit ikaw ang nagbabantay sa boyfriend ko?" Tanong niya na parang naiinis at hindi nagustuhan na makita ako. 

Napalunok ako ng ilang beses dahil sigurado ako na siya ang girlfriend ni sir Levi. Lagot talaga ako kay doc. Salem kapag pinapasok ko ang babae dito sa kwarto. Kabilin-bilinan pa naman ni doc. Salem na wag papasukin ang babae. Natatakot ako at hindi ko alam ang sasabihin lalo na’t wala pa naman si doc. Salem dahil nagbakasyon sa ibang bansa kasama ang pamilya niya. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now