Chapter 5

3.7K 132 14
                                    

NALILIGO kami ng anak kong si Sera at mabilis ang ginagawang ligo namin. Yung tiyahin ko kasi ay inoorasan ang pagligo namin. Dapat 20 minutes lang ang ligo namin ng anak ko. Kapag lumampas ay bayad na 50. Kaya kami nagmamadali ng anak ko bawat ligo namin. Kahit nga sabon-sabon pa ang katawan namin ng anak ko ay pinapahid nalang namin sa t'walya kaysa naman lumagpas kami ng oras at magbayad ng 50.

Pagkatapos namin maligo ng anak ko ay agad kami lumabas ng banyo at naisipan nalang namin ng anak ko na magbihis sa harap ng banyo. Wala naman kaming kasama na lalaki sa bahay kaya ayos lang na sa labas na magbihis.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko makita ang tiyahin ko. Binihisan ko nalang muna si Sera saka ko nagbihis. Sakto naman natapos ako ay lumabas ang tiyahin ko na masamang nakatingin samin ni Sera.

"Bakit basa diyan? Gusto niyo ba akong madulas ha?!" Sigaw niya
sa 'kin kaya dali-dali kong pinunasan ang basa na nasa sahig dahil sa tumutulong tubig sa buhok namin ni Sera.

"Bakit kasi dyan kayo nagbibihis? Mga sakit talaga kayo sa ulo mag-ina." Galit niyang sabi. Hindi na lang ako sumagot at pinagdasal nalang na sana madulas siya sa banyo.

"Wag kang mag-init ng tubig, Stephanie ha! Kundi itatapon ko sa mukha ang mainit na tubig." Banta pa niya sa 'kin.

''Opo, sa’yo na po ang apoy. Gusto mo po ba maraming apoy ang lumapit sayo, tiya?" Sarkastimo kong tanong sakanya. Minsan talaga ay hindi ko maiwasan na ipagdasal na sana masunog ang bahay niya. Nakakainis na kasi ang ugali. Hindi na nakakatuwa, napaka sakim sa lahat ng bagay.

Galit siyang tumingin sa 'kin at binato ako ng basahan kaya tumama sa mukha ko yun. Kahit nangigil na ako sa tiyahin ko ay hindi nalang ako gumanti at baka mapatay ko pa siya sa inis ko. Punong-puno na kasi talaga ako sakanya kaya kailangan kong pigilan at baka sa kulungan pa ang bagsak ko pag nagkataon.

Hinila ko nalang ang anak ko papunta sa sala ng magsimula ng magtalak ang tiyahin ko. Bahala siya sa buhay niya. Sana lang talaga mabilaukan siya ng sarili niyang laway at hindi makahinga. Piste siya! 

Kinuha ko lang ang bag na may lamang damit namin ng anak ko at mahalagang papel tulad nalang ng birth certificate namin ng anak ko at kung ano-ano pa dahil sabi ni doc Salem sa 'kin kahapon na do'n daw ako matutulog sa hospital. Para naman din daw yun kwarto kaya maya kwarto daw ang anak kong si Sera kung sakaling inaantok daw ang anak ko. 

Inilagay ko yun sa bag dahil baka ipagtatapon ng demonyo kong tiyahin saka kami lumabas ng anak ko kahit wala pang suklay-suklay ang buhok namin dalawa. Sa labas nalang kami magsusuklay at baka makita ko na naman ang tiyahin ko.

Lumabas na kami ng anak ko bitbit ang bag na may lamang damit. Hindi na ako nagpaalam sa tiyahin ko dahil wala namang pakialam samin yun.

Nang makalabas kami ni Sera ay gumilid muna kami sa gilid ng kalsada para mag suklay. 

"Ang sama po talaga ng ugali ni tiya, mama. Ayos ka lang po ba?" Malungkot na tanong ng anak ko.

Ngumiti ako sa anak ko. "Ayos lang ako, anak. Hayaan muna, may karma din si tiyang. Papasaan ba’t makukuha din natin ang ganti natin sakanya." Saad ko habang nagsusuklay sa buhok ko. Kitang-kita kasi ni Sera kung paano ako tinamaan ng basahan kanina. Medyo basa pa naman dahil yun ang ginamit kong pamunas sa sahig kanina. Walangya talaga ang tiyahin ko kahit kailan.

Nagsimula na kaming maglakad ng anak ko papunta sa kanto. Kumakalam na ang sikmura ko kaya tumigil na muna kami ni Sera sa isang karinderya na malapit lang din sa bahay namin. Dito kami madalas kumakain ni Sera dahil bawal kami kumain sa loob ng bahay ng tiyahin ko.  Kahit may ambag pa akong pera, wala parin daw akong karapatan na kumain lalo na't ako daw ang sumira sa pamilya niya. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now