Chapter 4

5.6K 177 52
                                    

PAGOD akong umupo sa upuan ng matapos akong maglaba. Nasampay ko na din ang mga nilabhan ko at tinulungan ako ng anak ko. Tumagal ng apat na oras yata ang paglalaba ko dahil ang iba ay hand wash. Ayos lang naman dahil sanay naman ang kamay ko sa paglalaba kaya hindi na ako magrereklamo pa.

Habang nagpapahinga ay nilapitan ako ni madam at talagang binigyan pa niya kami ng merienda kaya natuwa ako lalo na ang anak ko na kanina pa sinasabi na mag merienda na daw kami. Sabi ko kasi mamaya nalang paglabas namin dito sa bahay nila madam.

Kumain nalang kami ni Sera ng cake at coke ang binigay ni madam samin. Pinag supot pa talaga niya si Sera kaya tuwang-tuwa ang anak ko. Napakabait talaga ni madam kaya talagang pinagbubutihan ko ang paglalabada ko kahit anong mangyari eh. Hindi din kasi siya tipid mag bigay ng bayad. Lagi pa niyang sinasabi
sa 'kin na itago ko daw ang pera na sinahod ko at wag ko daw ibigay sa tiyahin ko ng buo. Alam kasi niya ang buhay ko dahil isang beses ay nasabi ko sa kanya ang nangyari sa ‘kin. Kaya sa pamamagitan ng malaking pera na binibigay niya dinadaan ang tulong
sa 'kin.

Natapos kaming kumain ng anak ko kaya gusto ko sana na ako na ang maghugas ng kinainan namin. Ayaw naman pumayag ni madam dahil siya na daw ang bahala maghugas. 

Inabot niya sa 'kin ang sahod ko ngayong araw kaya natuwa ako at nagpasalamat. Hindi ko pa alam kung magkano ang binigay niya dahil nilagay niya sa sobre.

“Thank you po dito, madam.” Pagpapasalamat ko saka ako yumukod sakanya.

“Ano ka ba, pinag trabahuan mo yan kaya wala kang dapat ipagpasalamat. At isa pa, magaling ka naman maglaba, malinis talaga kaya ikaw na palagi ang kinukuha ko eh at hindi na ako naghahanap ng ibang labandera.” Nakangiti niyang sabi sa ‘kin.

“Salamat po talaga. Madam. Next time po ulit, madam ha! Ako pa din po ang kunin mo.” Saad ko pa kaya ngumiti siya sa 'kin sabay tapik sa balikat ko.

Nag paalam na kami kay madam na uuwi na kami ni Sera. Lumabas na din kami ng bahay nila madam at agad naglakad sa gilid ng kalsada habang magkahawak kamay. 

Naglalakad kami ng anak ko at naisipan ko na tumawid sa kabilang kalsada. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng anak ko at naghahanda ng tumawid. Palinga-linga ako sa paligid at nakitang wala namang sasakyan kaya tumawid kami ng anak ko. Ngunit napasigaw nalang ako ng biglang may sumulpot na sasakyan at ang bilis pa ng takbo. Wala na akong nagawa kundi yakapin ang anak ko para maprotektahan siya. 

“Mama..” sigaw ng anak ko sa takot. 

“Pro-protektahan ka ni mama, nak. Wag kang mag-alala.” Saad ko sa anak ko saka ko ipinikit ang mga mata ko at hinanda na ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Ngunit narinig ko ang malakas na pag preno ng sasakyan kaya napaupo nalang talaga ako sa gitna ng kalsada habang yakap-yakap parin ang anak kong si Sera. 

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kotse at nakitang bumaba ang isang gwapong lalaki. Na bangga yata talaga kami ng anak ko at kaluluwa na lang yata ‘to dahil sinusundo na kami ng gwapong lalaki. Anghel yata siya dahil naka suot din siya ng puting coat na parang sa doctor.

“Ayos lang ba kayo?” Tanong niya sa baritonong boses.

Hindi ako naka sagot agad dahil nakatulala lang ako sa lalaking gwapo. “A-Ayos lang po yata kami, sir.” Nauutal ko pang sagot. Agad naman akong tinulungan ng lalaki makatayo at maging ang anak kong si Sera ay tinulungan niyang makatayo. 

“Sorry kung tumawid kami bigla, sir.” Panghihigi ko ng pasensya. Halata kasing mayaman ang lalaki kaya ako nalang ang hihingi ng sorry.

“No, it’s okay. Ako ang dapat humingi ng sorry sa inyong dalawa. Hindi ko napansin na tumatawid kayo dahil kinuha ko ang cellphone ko sa passenger seat. Kaya ako dapat ang humingi ng pasensya.” Saad niya saka yumukod sa harap namin ni Sera.

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora