Chapter 7

4.2K 155 30
                                    

LUMIPAS ang ilang buwan ay nandito parin ako nagbabantay sa pasyente ko na walang malay. Nakilala ko na nga din ang mga kaibigan niya na dumadalaw dito at kung anong pinagdadala dito sa loob ng hospital room ni sir Levi.

Yung isa pa niyang kaibigan na babae ay nagdala pa ng lechon baboy na maliit para daw  sa 'kin at sa anak ko. Nahihiya pa naman ako sakanya dahil akala ko nong una ay siya ang girlfriend ni sir Levi na sinasabi ni doc. Salem. Ngunit hindi pala dahil isa pala siya sa kaibigan nila at nag iisang babae na kaibigan nila. 

Lumipas ang mga buwan pero hindi parin nagigising si sir Levi. Advantage yun para sa 'kin dahil patuloy parin ang sahod ko. Naka ipon na nga ako ng 100k dahil sa sahod ko. Nagsisimula na akong maghanap ng matitirahan namin ni Sera para may bahay na kami at hindi na kami babalik sa poder ng tiyahin ko. 

Nakatanggap din kasi ako ng text sa tiyahin ko. N’ong una ay natuwa ako dahil ang appear sa notification ko ang text niya. Akala ko ay concern siya dahil hindi na kami umuuwi ni Sera sa bahay niya kaya siya nag text. Pero agad nawala ang ngiti ko ng mabasa ko ang text niya na sinusumbatan niya ako. Ang kapal daw ng mukha ko na maglayas porke't may maganda daw akong trabaho. Mukhang nakarating sakanya kung saan ako nga tra-trabaho. Duda ko talaga ay yung kapitbahay ng tiyahin ko na naka admit ang ama dito sa hospital ni doc. Salem. 

Akala ko kasi n'ong una ay namamalikmata lang ako. Lumabas kasi ako sa kwarto namin at pinuntahan ko ang nurse dahil may concern ako para kay sir Levi. Siguro ay nakita ako ng kapitbahay at nagtanong siguro sa nurse pa tungkol sa 'kin.  Mga tsismosa talaga mabilis agad magkalat ng balita kaya nalaman ng tiyahin ko kung saan ako nag tra-trabaho.

Puro sumbat ang natanggap kong text mula sa tiyahin ko at sinabi na naman niya na dahil daw sa 'kin ay nakulong ang asawa niya. Hindi sana daw sila naghihirap ngayon kung nasa labas daw ang asawa niya at nag tra-trabaho. Sinabihan pa niya ako na kaladkarin daw ako na babae at inulit na naman niya na nilandi ko daw ang asawa niya kaya daw ako pinatulan at pinapalabas ko daw na nirape ako. 

Umusok talaga ilong ko habang binabasa ang mga mahahaba niyang text sa 'kin at nireplayan ko lang siya ng fuck you ka! 

Matagal ko na talaga yun gustong sabihin sakanya pero hindi ko lang magawa dahil nasa poder niya ako. Pero ngayon na wala na ay ayos lang na sabihin ko siya. Lagi din naman niya sinasaktan ang anak ko, minsan pa nga hindi niya pinapakain kaya fuck you talaga siya. 

Lahat ng sama ng loob ko ay nilalabas ko kay sir Levi. Wala namang makikinig sa 'kin na ibang tao kundi siya eh dahil wala naman siyang malay. Pero kung may malay siguro siya ay baka hindi ako pakinggan dahil wala naman siyang pakialam
sa 'kin. Para akong tanga talaga na nakikipag usap pero wala naman sumasagot. 

Ngayon ay may hawak akong malinis na towel na medyo basa. Pinupunasan ko kasi ang mga braso ni sir Levi. 

"O ayan, sir Levi.. tapos na kitang punasan ngayong araw. Mamaya na naman ay may mag che-check sa’yo na nurse dito ha!" Pagkausap ko sakanya. Nasanay na talaga ako kay sir Levi. Four months na din kasi akong naka duty dito at siya palagi ang nakikita ko. Ganun pa din, hindi pa din nakakasawa pagmasdan ang mukha niya. 

"Malapit na po ang pananghalian, sir Levi. Gusto ko sanang kumain ng tuyo pero baka maamoy mo at bumangon ka bigla. Mukha ka pa namang hindi kumakain ng mahirap na pagkain." Saad ko pa habang nakaupo sa upuan na nasa harapan niya. 

"Four months na po akong naka duty sa pagbabantay sa'yo, sir Levi. Pero kahit isang beses po ay wala po akong nakitang babae na galit na galit at gustong pumasok po dito sa room mo. Ang sabi po kasi ay may girlfriend ka, sir. Pero bakit ganun…  hindi ka man lang niya binisita kahit isang beses. Wala din naman pong sinabi si  doc. Salem na pumunta po ang girlfriend mo dito sa hospital. Baka po kasi yun din ang hinihintay mo na marinig ang boses niya para magising ka." Mahaba kong sabi kay sir Levi. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang