Prologue

9.5K 157 13
                                    

I am now in Batangas for a business meeting. May kausap na ako at dapat kami ni Caleb ang pupunta ngunit may biglaan siyang emergency kaya mag-isa akong pumunta.

But suddenly I got a call from Raizen saying he needed my help.  Gusto niyang puntahan ko ang babaeng mahal niya at bantayan ko muna daw hanggang sa makabalik siya.

Hindi ko alam ang nangyayari pero pumayag ako dahil kaibigan ko ang hayop na yun. Nasa batas namin na kapag may nangailangan ng tulong isa samin ay kailangan naming tulungan.

So even though I had a meeting, I left and immediately went to the address he sent.

While I was driving, I noticed a car following me. At first I thought it was just a coincidence, ngunit napagtanto kong sumusunod nga talaga sa ‘kin dahil lumiko din siya kung saan ako lumiko.

Kumunot ang noo ko dahil mas lalong bumibilis ang takbo ng kotse na nakasunod sa 'kin hanggang sa naabutan niya ako at binangga ang likod ng kotse ko.

Napamura ako dahil hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Mas lalo ko nalang binilisan ang pag papatakbo ko ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa tahimik na lugar. Agad kong Nakita ang isang putting van na naka tigil sa gilid ng kalsada.

Hindi ako kinabahan at hindi ako nag isip ng kung ano-ano hanggang sa biglang may bumaba do'n na tatlong lalaki habang may dalang mga baril at agad na pinaulan ng bala ang kotse ko.

"Fuck!" Mura ko habang pilit na iniiwasan ang mga pinapakawalan nilang bala sa harapan ng kotse ko. Wala na akong nagawa ng mawalan ako ng control sa sasakyan ko.

Napahinto nalang ang minamaneho kong sasakyan kaya agad na lumapit sa 'kin ang mga lalaking naka abang sa 'kin. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan sana si Raizen ng basagin ng isang lalaki ang bintana ng driver seat kaya tumama sa mukha ko ang mga bubog. Tanging daing lang ang nagawa ko at nag focus sa ginagawa ko na tawagan ang kaibigan ko.

Ngunit sa kasamaang palad ay hinampas ako ng baril sa ulo kaya biglang nandilim ang paningin ko. Inangat ko pa ang isang kamay ko saka ko sinuntok ng malakas ang lalaki na pilit binubuksan ang pintuan ng driver seat.

Magkamatayan nalang kaming dalawa dito ngunit hindi ako makakapayag na hindi ako makaganti sa pag hampas niya sa 'kin ng baril. Ngunit lumapit na ang ibang mga kasamahan niya at pinagtulungan nila ako.

Matagumpay nilang nabuksan ang pintuan ng driver seat saka ako hinila ng dalawang lalaki. Mabilis kong sinipa ang isang lalaki at nakipag laban pa ako sakanila. Hindi ako magpapatalo kahit madami sila at nag-iisa lang ako.

Lumapit sa 'kin ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo na agad sumugod papunta sa 'kin. Nasalag ko lahat ng atake niya. Dumating ang kotseng nakabuntot sa 'kin kanina at agad na may bumaba do’n na dalawang lalaki at nagpaputok ng baril.

Napadaing nalang ako ng tumama ang balang pinakawalan niya sa balikat ko. Nagpa putok ulit sila at tumama ulit yun sa binti ko. Halatang ayaw nila akong patayin dahil puro daplis ang ginagawa nila sa 'kin.

Hindi ko alam kung sino sila o anong kailangan nila sa 'kin. Narinig ko ang sinabi ng lalaki na wag daw akong patayin at dalhin sa boss nila.

Pinalibutan nila ako at sabay-sabay na umaatake. Tanging nagawa ko nalang ay saluhin ang mga sipa at suntok nila sa 'kin.

Habang nangyayari yun ay iniisip ko ang girlfriend kong si Agni. Hindi  ako nakapag paalam sakanya ng maayos kung sakali man na mawala ako ngayon. Bago ko lang siya naging girlfriend at nakilala ko lang siya sa isang bar. I love her kahit pa nga laging pera ang hinihingi sa 'kin. Binibigay ko naman agad dahil alam kung mahal niya ako. Lagi niya kasing sinasabi na marami daw siyang pinaag-aral na kapatid kaya kulang na kulang daw ang sinasahod niya.

Hindi ko pa siya nagagalaw kahit minsan at wala akong balak na magmadali lalo na't bago palang ang relasyon naming dalawa. Kaya gusto ko siyang tulungan na sap ag-aaral ng mga kapatid niya kaya dalawang atm ko ay binigay ko sakanya kahapon bago ako pumunta ng Batangas.

Nagpaalam lang ako sakanya at sinabi kong babalik ako agad. Tuwang-tuwa pa siya ng iabot ko sakanya ang atm ko. Kapag nakikita kong masaya siya ay masaya narin ako kahit papano. Agni is my first girlfriend kaya gusto kong ibigay sakanya lahat dahil deserve niya yun lalo na't nalaman kong ulila na sila ng mga kapatid niya kaya siya na ang tumayong mga magulang sa mga kapatid niya.

Ngunit hindi ko na yata siya makikita dahil katapusan ko na sa mga lalaking inambangan ako. Gusto ko sanang tumawag sa mga kaibigan ko ngunit hindi ko magawa dahil nasa loob ng kotse ko ang cellphone ko. Hindi ko naman kasi akalain na may nag babadya palang panganib sap ag punta ko dito sa Batangas.

Hindi man lang ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko na tinuturing kong mga kapatid. Sana lang ay mahanap nila ako kung sakali mang gawin akong bihag ng mga taong ‘to.

May tiwala ako kay Ruwi na mahahanap nila ako, kailagan ko lang talaga tiisin ang mangyayari sa ‘kin. Ayaw kong mamatay na virgin, ayaw kong mamatay na hindi ko man lang naranasan na mahalikan ng babaeng mahal ko. Ayaw kong mamatay na hindi kinakasal kaya hindi ako papaya na mamatay ako dito. Hindi ako papayag na dito nalang hanggan ang buhay ko. Kailangan ko pang mag-anak, hindi ko pa nararanasan yun lahat kaya hindi ako pwedeng mamatay.

Puro daing ang ginagawa ko hanggang sa sinaksak ako ng lalaki sa tagiliran. Puro mura ang lumabas sa bibig ko habang masama kong tinignan ang lalaki na sumaksak
sa 'kin.

Sinipa ako ng isang lalaki dahilan upang bumagsak ako sa kalsada. Agad akong pinaghahampas ng mga lalaki at ang iba ay sinisipa ako hanggang sa hindi ko na kayang salagin ang mga pinapakawalan nilang atake.

Malakas na suntok ang tumama sa mukha ko dahilan upang mandilim ang paningin ko. Hindi ko na kaya at sinuntok ulit ako hanggang sa tuluyang kinain ako ng kadiliman.

 
Nagising nalang ako ng nakatali ang mga braso ko habang hinahampas ako ng latigo ng mga lalaki. Madilim din ang paligid kaya wala akong makita. Tanging naririnig ko nalang ang tawanan ng mga lalaki at ang nililikhang tunog ng latigo na tumatama sa likod ko.

Hiling ko lang ay sana mahanap ako ng mga kaibigan ko at mailigas nila ako. Alam kung hindi nila ako pababayaan kahit ano man ang mangyari.

"T-Tama na.." daing ko ngunit nagtawan lang ang mga ito.

May lumapit sa 'kin na lalaki habang may hawak siyang kutsilyo. Bigla akong kinabahan lalo na’t nakikita ko sa mukha ng lalaki na may masama siyang gagawin sa ‘kin kaya hinanda ko na ang katawan ko kung sakaling sasaksakin man niya ako.

Sanay naman ako sa saksakan ngunit baka maubusan ako ng dugo kapag nahanap ako ng mga kaibigan ko. Do'n pa yata ako mamatay. Putangina talaga!

Hindi nga ako nagkamali dahil sinaksak ako ng lalaki sa tagiliran. Ramdam ko ang hapdi ngunit alam kong hindi niya dinidiinan ang pagsaksak sa 'kin.

Hinugot niya ang kutsilyo sa tagiliran ko kaya may lumapit ulit na lalaki sa harapan ko habang may dalang baseball bat. Tumawa pa sila sa harapan ko habang masama ko silang tinignan.

"Tumawa lang kayo ngayon. Sigurado akong huling tawa niyo na yan." Saad ko habang hinahabol ang paghinga ko at iniinda ang saksak na tinamo ko.

Mas lalo lang silang tumawa sa sinabi ko at itinaas ng lalaki ang hawak niyang baseball bat kaya hinanda ko na ang sarili ko. Malakas niyang pinalo ang ulo ko kaya nakaramdam agada ko ng hilo at nandidilim ulit ang paningin ko.

Hindi ko na nakayanan pa hanggang sa namimigat na ang talukap ng mga mata ko at tuluyan akong kinain ng kadiliman.

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now