Chapter 2

4.8K 148 16
                                    

NATATANAW ko pa lang ang bahay ng tiyahin ko ay naririnig ko na ang iyak ni  Seraphina. Nagmamadali akong naglakad upang malaman ko kung bakit siya umiiyak.

Nang makarating ako sa labas ng bahay ng tiya ko ay agad kong Nakita siya na pinapalo si Seraphina ng hanger. Natigil lang siya sa ginagawa niya ng makita niya ako. Napa irap siya sa ‘kin saka niya itinuro ako gamit ang hawak niyang hanger.

“Nandyan na pala ang nanay mong malandi.” Saad niya sa anak ko saka niya tinulak sa lupa. Dali-dali ko naming nasalo si Sera upang hindi siya bumagsak.

“Pwee.. magsama kayong mag-ina.”  Dagdag na sabi ng tiyahin ko saka siya pumasok sa bahay niya.

Iyak parin ng iyak si Sera kaya hindi ko alam kung paano ko patatahanin ang anak ko. Ito ang nagbago sa buhay ko. Ang pagkakaroon ng anak ay napaka malaking pagbabago sa buhay ko. Hindi ko nga alam kung saan ako mag uumpisa ng malaman kong buntis ako.

“Bakit ka na naman pinalo ni tiya ha?” Tanong ko sa malumanay na boses. Hindi ko tuloy mapaigilang umiyak dahil naawa ako sa anak ko na bumakat pa talaga ang hanger sa binti niya. Masyado talagang malupit ang tiyahin ko simula ng mangyari      sa 'kin ang bangungot sa buhay ko.

“Humingi lang po ako ng tinapay, mama. Nakita ko po kasi sila na kumakain pero nagalit na po si tita.” Pagsasabi ng anak ko habang umiiyak parin.

Pinahid ko ang luha niya saka ako tumayo at kinarga ang anak kong bago lang nag four years old. Nahihiya nga ako sa anak ko dahil hindi ko man lang siya na handaan n’ong birthday niya. Kinuha kasi ng tiyahin ko ang kinita ko na imbis ipambibili ko sana ng pansit.

Lumabas kami ng anak ko at naghanap ako ng karinderya para makakain kami ng anak ko. Alam ko kasi na hindi kami pakakainin ng tita ko. Yung anak ko nga pinalo niya dahil nanghingi lang ng tinapay, yun pa kayang pakainin kami ng kanin.

Umorder agad ako ng pagkain namin ng anak ko at lahat ng gusto niya ay binili ko. Tumigil narin siya sa pag-iyak kaya nakahinga ako ng maluwag.

Inihatid ang pagkain namin pati narin ang inorder kong juice na para sa anak ko habang sa 'kin naman ay tubig lang. Agad kong inasikaso ang anak ko at inuna ko munang pakainin dahil alam kong gutom na siya. 

“Kumain ka ba ng pananghalian kanina?” Tanong ko sa anak ko na agad na umiling.

“Hindi po, mama. Sabi po ni tita hindi daw po ako kasali sa budget kaya bawal daw po akong kumain.” Sagot ng anak ko kaya nagpupuyos ako sa galit. Kaya hindi ako nag aaplay ng trabaho sa mga mall eh dahil alam kong walang mag mamalasakit sa anak ko kapag wala ako. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha sa sinabi ng anak ko. Nagbigay naman sana ako ng pera para pambili ng ulam at ibinilin ko ng maayos sa tiyahin ko na pakainin si Sera. Pero talagang masama talaga budhi niya at pati bata ay hindi niya pinapalagpas.

Sinubuan ko ulit ang anak ko habang nadudurog ang puso ko na makitang may mga bakas ng hanger ang braso niya. Ito ang kinakatakutan ko eh kapag nawala ako sa mundo at naisipan kong mawala nalang dahil sa mga problema. Kaya kahit pagod na ako sa buhay ay hindi sumagi sa isip ko ang magpakamatay dahil alam kong walang magmamahal sa anak ko at baka saktan lang siya ng mga taong nakapaligid sakanya, tulad nalang ng tiyahin kong kadugo naman sana.

Kapag pumapasok ako sa mga sideline ay sinasama ko talaga si Sera. Kahit saan pa yan dahil alm kong pababayaan lang nila ang anak ko. Kanina ko lang talaga hindi sinama dahil alam kong mainit ang trabaho ko at nasa gilid ng kalsada. Baka imbis na makapag trabaho ako ng maayos ay baka magsisigaw lang ako at baka magtatakbo lang si Sera sa kalsada. Kaya hindi ko siya sinama at ibinilin ko siya sa tiyahin ko na panay ang tango lang kanina.

Si Seraphina ay bunga ng pang gagasa sa 'kin ng hayop na yun. Narape kasi ako n'ong first year college ako. Hindi ko talaga makalimutan ang araw na yun. Ang araw na nasira ang buhay ko.

Ako lang mag-isa sa bahay at galing ako sa eskwelahan kaya nagawa ng lalaking yun ang masamang binabalak niya sa 'kin. Tinakot pa niya ako na wag daw akong mag su-sumbong dahil kung hindi papatayin daw niya ako. Panay lang ang iyak ko habang ginagahasa niya ako. 

Kaya galit na galit ang tiyahin ko dahil ang taong nang rape sa ‘kin ay ang asawa niya. Hindi ko kinaya at natatakot ako na baka maulit muli ang nangyari kaya kinabukasan no’n ay nagpaalam ako na papasok ako sa school sa tiyahin ko at sa asawa niya. Hindi ako nagpahalata na may pina-plano akong magsumbong sa mga pulis upang hindi ako mapigilan ng asawa ng tiyahin ko. Ayaw ko na kasing maulit lalo na’t nagpaalam
sa 'kin ang tiyahin ko na aalis daw siya ng araw na yun at kinabukasan daw siya uuwi. Wala naman akong asahan sa isa niyang anak lalo na’t bata palang naman yun nang panahon na yun.

Kaya ginawa ko ang nakakabuti para sa 'kin upang hindi na maulit pang muli. Dumeritso ako sa police station at do’n na ako umiyak at sinabing ginahasa ako. Agad naman inactionan ng mga police ang nireport ko kaya nang araw din na yun ay nag kasa sila ng operation para mahuli ang asawa ng tiyahin ko. 

Nagulat pa si tita dahil bigla nalang sumulpot ang mga pulis sa bahay namin at hinuhuli ang asawa niya. Do’n ko na sinabi sakanya ang ginawa ng asawa niya sa 'kin. Ang akala ko ay kakampihan niya ako ngunit nagalit siya at do'n na ako sinumbatan sa pag tulong niya sa 'kin. Yun ang dahilan kung bakit nag iba ang trato ng tiyahin ko sa 'kin.

Mas lalo pa akong nanlumo dahil nalaman ko nalang na nabuntis ako. Halos hindi ko matanggap ang nangyari. Problema ko pa dahil pinapalayas ako ng tiyahin ko dahil malandi daw ako at ako daw ang nagbigay ng motibo para gawin yun ng asawa niya. 

Nakulong kasi ang asawa niya at hiniling ng tiyahin ko na bawiin ko daw ang mga sinabi ko sa mga pulis at sabihin na iba ang gumahasa. Tinuruan pa niya ako ng mga kasinungalingan para lang mapag takpan ang ginawa ng asawa niya.

Ngunit hindi ako pumayag at ipinagpatuloy ang pagpapakulong sa asawa ng tiyahin ko at tuluyan ng nasira ang maganda naming samahan ng tiyahin ko at hindi na niya ako pinag-aral. 

Lumuhod ako sa harap niya para lang hindi ako palayasin lalo na’t buntis ako. Wala akong mapuntahan kaya ginawa ko ang lahat ng pagmamakaawa. 

Kaya sa t’wing may sideline ako ay ang perang kinikita ko ay deritso sakanya dahil ayon sakanya malaki daw ang utang na loob ko sakanya.

Pinatapos ko muna ang anak kong kumain saka ako kakain. Gusto ko munang masigurong busog na siya. 

"Mama..pwede po ba akong bumili ng ice cream?" Tanong ng anak ko dahil may tinda din kasing ice cream ang karinderya na naka display sa harap.

"Sige, bili tayo pagkatapos mong kumain." Nakangiti kong sagot sa anak ko. 

Natapos siyang kumain kaya tumayo ako para bumili ng ice cream. Bumalik naman ako agad ng mabili ko yun saka ko inabot sa anak ko yun.

Ako naman ang kumain habang ang anak ko ay tahimik na  kumakain sa tabi ko ng cornetto. Sunod-sunod ang subo ko at baka talakan na naman ako ng tiyahin ko. Yung 500 na pera ko ay itinago ko sa ilalim ng sapatos ko para mamaya ay hindi yun makita ng tiyahin ko kapag hiningi na niya ang kinita ko kanina. 

Kukunin na naman kasi niya lahat at walang ititira para samin ng anak ko. Tumingin ako sa anak ko at pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil kumalat ang ice cream do’n. 

"Bukas maaga tayo gumising, nak ha! Maglalabada kasi si mama kaya isasama kita at baka hindi ka na naman pakainin sa bahay." Saad ko kaya tumango ang anak ko.

'Sige po, mama. Mas gusto ko po yun kaysa maiwan po," sagot ng anak ko.

"Pasensya ka na anak kong ganitong buhay ang dinatnan mo ha! Hayaan mo, aahon din tayo. Tiwala ka lang kay mama ha! Sabi ko naman sa'yo, pag iipunan natin ang pang renta natin para makabukod na tayo at hindi ka na masaktan ng tiyahin ko." Saad ko sa anak ko saka ko hinaplos ang buhok niya.

Yun talaga ang plano ko kaya nagtatago ako ng pera para may pang renta kami kapag naisipan ko ng umalis. Kahit maliit ay papatusin ko dahil kami lang naman dalawa ng anak ko. Kaya ko naman siguro yun basta mag sipag lang ako. Papasaan ba'y giginhawa din ang buhay namin kahit papano.

Kaysa naman manatili kami sa bahay ng tiyahin ko na walang ginawa kundi sigawan ako at saktan ang anak ko. Gusto ko na nga siyang labanan eh pero naiisip ko na baka palayasin niya kami na wala pa akong sapat na ipon kaya titiisin ko nalang muna ang kasamaan niya.




A/N: Good morning po, Azzinatics!❤️✨

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now