Chapter 10

4K 195 72
                                    

NAKAUPO kami ng anak ko sa labas ng hospital habang ginagamot ng kakilala kong nurse ang mga sugat ko. Maging si Sera ay ginamot din niya. 

Kanina, napaghiwalay lang kami ni Agni dahil sa dalawang nurse na pumasok sa loob ng hospital room ni sir Levi. Akala ko nga ay matatanggal na ang buhok ko sa babaeng yun. Ang sakit ng sabunot niya lalo na ang talas ng kuko ng bruha.

Pati mga nurse ay pinagalitan niya dahil nagpapasok daw sila sa kwarto ni sir Levi. Akala mo talaga siya may-ari ng hospital na lahat ng tao ay inaaway niya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun. 

Nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko sinuntok mata niya. Hanggang kalmot lang ako sa pisngi niya kaya nang lumabas ako ng room ay nakita kong tumulo ang sugat sa pisngi niya. Akala siguro niya magpapatalo ako. Mas lalo ko talaga siyang sinugatan sa pisngi dahil sinaktan niya ang anak ko. 

"Grabe ka kanina ha! Pero ang saya ko.. ang tapang mo eh," sabi ng nurse na gumagamot sa 'kin. Tapos na kasi niya tignan si Sera. Mabuti na nga lang at konti lang ang sugat ni Sera dahil sa kuko ng bruha na yun. Ako ang napuruhan dahil kinalmot din ako ng gaga. 

"Ang dumi ng kwarto ni sir Levi. May mga upos din ng sigarilyo." Malungkot kong sabi sa babaeng nurse para maalarma sila. 

"Naku.. nasabihan na din ang babaeng yun, Steph. Ilang beses ng sinaway ng mga doctor. Pero ang gaga vinevideo ang doctor kapag sinasaway siya. Lagi niyang sinabi na ipo-post daw niya sa social media. Napaka basura ng ugali." Sagot ng nurse kaya napabuga ako ng hangin. Hindi kasi maganda para kay sir Levi yun lalo na't hindi pa siya nagigising. 

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang manahimik na lang. Baka nga hindi na ako makabalik dito sa hospital na ‘to dahil pinagbantaan talaga ako ng bruhang yun. 

Napabuga ako ng hangin dahil gusto kong tulungan si sir Levi. Gusto ko sanang linisan ang room niya. Kahit yun man lang sana para  pwede na akong hindi magpakita kay Agni. 

Natapos na akong gamutin ng nurse kaya nagpaalam na siya na babalik na daw siya sa loob. Nagpasalamat lang ako sa kanya at pinanood siya na pumasok sa Herreros hospital. 

Naisipan ko nalang na umuwi kaya lumingon ako sa tabi ko para sabihin kay Sera na uuwi na kami. Ngunit pag tingin ko ay wala na si Sera sa tabi ko. 

"Sera!" Tawag ko sa pangalan ng anak ko. Napatayo pa talaga ako at inilibot ang tingin sa lugar. May mga tao kasi na dumadaan din papasok at palabas ng Herreros hospital. 

"Sera!! Anak!" Sigaw ko ulit ng hindi ko siya mahanap. Bigla akong kinabahan kaya agad akong naglakad-lakad sa paligid para mahanap ang anak ko. 

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil natagpuan ko naman siya agad. May kasama pala siyang batang babae at parang nakikipaglaro siya. Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siya. 

Tumingin sa 'kin ang anak ko at ngumiti. Hindi ako ngumiti sa kanya dahil mali ang ginawa niya na bigla nalang umaalis sa tabi ko. Nalingat lang ako saglit. Uso pa naman nakawan ng bata ngayon kaya natakot ako. 

''Halika na, Sera! Kailangan na natin umuwi!" Sabi ko sa anak ko sa seryosong boses. Mukhang alam ng anak ko na hindi ako natuwa sa ginawa niya kaya nagmamadali siyang maglakad palapit sa 'kin.

Hinawakan ko ang kamay ng anak ko saka kami naglakad palayo sa batang kalaro niya. 

"Sorry po, mama." Sabi ng anak ko kahit hindi ko pa naman siya pinapagalitan. Nawala tuloy inis ko. 

"Wag mo ng ulit gagawin yun, Sera. Pinakaba mo ko. Alam mo namang maraming bad guy sa mundo at pwede kang kunin at ibenta." Sabi ko dahil lagi kong sinasabi sa kanya na wag aalis sa tabi ko o wag lalapit sa mga taong hindi niya kilala. Kahit babae o bata man yan. Baka kasi yung mga dumudukot ay gumagamit ng bata para may lumapit pa na ibang bata. Kaya dapat lang na mag-ingat. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now