Chapter 6

3.4K 130 23
                                    

PINIHIT ko ng dahan-dahan ang siradura ng pinto at maingat kong binuksan yun. Sumilip na muna ako sa loob at nakita ko ang isang lalaki na walang malay habang may naka kabit sa kanyang katawan na aparato. 

Pumasok ako habang hawak-hawak ang kamay ni Sera at hindi ko siya pinapagawa ng ingay. Dahan-dahan ko ulit isinara ang pinto at nilock yun dahil bilin sa 'kin yun ni doc. Salem na ilock ko daw ang pinto at baka bigla daw pumasok ang babaeng nag ngangalan na Agni.

Nang makapasok kami ni Sera ay nakita ko agad ang sinasabi ni doc. Salem na isang kwarto. Tinungo ko yun at agad na pinihit ang siradura ng pinto at binuksan. Pumasok ako habang hila-hila ang anak ko at nakita ko ang magandang kwarto. May kama sa gitna at may tv din na katulad sa sabi ni doc. Salem. 

Namamangha kong tinignan ang kabuuan ng kwarto at maging ang anak ko ay halatang nagustuhan din. Pwedeng-pwede na pala kaming hindi  umuwi ng anak ko sa tiyahin ko dahil may kwarto naman pala kami dito. May dala naman akong mga damit namin ng anak ko kaya ayos na siguro 'to. 

Inilapag ko ang dala kong bag sa kama at pinaupo ko ang anak ko sa kama. "Mag behave ka dito, nak ha! Wag kang mag iingay lalo na’t may pasyente tayong binabantayan." Saad ko sa anak ko kaya tumango siya.

"Mama, dito nalang po tayo tumira. Mas maganda pa po dito eh, may tv pa po. Do’n sa bahay ni tiya bawal po akong manood ng tv kahit nanonood din naman po sila." Saad ng anak ko. 

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko. "Hindi naman pwedeng dito tayo tumira, nak. Kailangan din natin maghanap ng matitirhan natin. Hindi naman panghabang buhay tayong magbabantay dahil naniniwala ako na magigising din ang kaibigan ni doc. Salem." Saad ko sa anak ko kaya tumango siya. 

"Okay po, mama. Pwede po ba ako manood ng tv?" Tanong ng anak ko kaya tumango ako dahil ibinilin ‘to
sa 'kin ni doc. Salem na pwede ko daw buksan ang tv para manoood ang anak ko. 

Nang mabuksan ko ang tv ay hininaan ko lang ang volume at inilagay sa cartoons ang channel kaya tuwang-tuwa ang anak ko na nakaupo sa kama.

"Dito ka lang muna nak ha! Lalabas lang ako para tignan ang babantayan ni mama ha!" Bilin ko sa anak ko kaya tumango siya.

"Sige po, mama. Mag be-behave lang po ako dito." Sagot ng anak ko. 

Lumabas na ako ng kwarto at isinara ko din ang pinto at lumapit ako sa lalaking nakahiga sa kama. Hindi ko pa kasi nakikita ang mukha ng pasyente ko na babantayan. 

Nang makalapit ako ay halos naka limutan kong huminga dahil sa gwapo ng lalaki. Hindi ako makapaniwala na may ganito pala talaga ka gwapong lalaki. Oo, gwapo si doc. Salem pero para sa 'kin ay mas gwapo ang lalaking 'to kahit nakapikit ang mga mata niya.

Napaka perpekto ng hugis ng mukha niya at kanyang jawline ay tanging sa mga artista ko lang yata nakikita. Matangos din ang ilong niya at meron siyang maputing balat. Ang gwapo talaga ng lalaking. Paano pa kaya kung gising na siya. 

Nakatitig lang ako sa mukha ng lalaki at pinag-aaralan ang angkin niyang kagwapuhan. Napapaisip nalang ako kung bakit kaya nangyari 'to sakanya. Halata kasi sa mukha niya na pinahirapan siya ng husto. May benda din kasi siya sa ulo at pati ang mga braso niya ay maraming sugat at pasa. Naiisip ko nalang na baka na  aksidente ang lalaking 'to sa sasakyan kaya siguro ganito ang mga natamo niya.

May nakita akong upuan na nasa gilid ng kama kaya umupo ako do’n at pinagmasdan ulit ang mukha ng lalaki. Hindi nakakasawa titigan ang mukha niya at hindi ko mapigilang hindi mapangiti. 

May pumasok sa isipan ko na sabi nila ay dapat daw kinakausap ang mga taong ganito na walang malay sa hospital. Hindi ko alam kung totoo pero gusto kong magpakilala sakanya kahit pa nga hindi naman siya sasagot. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now