Chapter 11

3.3K 178 65
                                    

NAKATITIG lang ako kay Agni na nag-aayos ng gamit ko. Ngayong araw ako lalabas ng hospital kaya inaayos niya ang dapat ayusin. 

Nagtataka ako sa mga kaibigan ko, simula ng magising ako ay hindi sila pumunta dito sa hospital room ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari o may masama bang nangyari sakanila. Kaya gusto ko ng lumabas para mapuntahan sila isa-isa. 

Ang sabi sa 'kin ni Agni ay dinalaw daw ako ni Salem kahapon habang tulog. Pero napaka imposible naman na hindi ako ginising ng kaibigan ko lalo na’t nalaman ko na matagal na akong comatose. 

"Excited na akong umuwi tayo sa bahay mo, babe. Do'n na din ba ako titira?" Tanong sa 'kin ni Agni. 

Hindi ako sumagot. Ayaw ko kasi siyang tumungtong sa bahay ko. Mas gugustuhin ko pang kumuha ng nurse at mag-alaga sa 'kin hanggang sa tuluyan akong gumaling. 

Umiling ako kaya nawala ang ngiti niya. "Bakit naman? Kailangan mo parin ng tutulong sa'yo kapag nasa bahay ka na. Wag mo masyadong biglain ang sarili mo, babe. Kaya nandito ako para alagaan ka bilang girlfriend mo, Levi. Wag naman sana nurse ang kunin mo, masyadong masakit yun para sa 'kin." Saad niya at nakita kong umiiyak siya. ''Masakit yun para sa 'kin lalo na’t ako ang girlfriend mo tapos iba ang mag-aalaga sa’yo." Sabi niya kaya napabuga ako ng hangin. Kung dati ay lahat binibigay ko sa kanya dahil mahal na mahal ko siya. Pero ngayon ay wala akong pakialam sa kanya kahit masaktan siya. 

Hindi na ako sumagot kay Agni dahil hahaba lang ang usapan namin kapag umiyak siya. Napapagod na akong pakinggan ang mga drama niya. 

Uwing-uwi na ako sa bahay ko, namiss ko na din ang mga tangina kong kaibigan na hindi ako pinuntahan dito sa hospital. 

Ipinikit ko nalang ang mata ko at inaalala ang boses ng isang babae. Gusto ko ulit marinig ang boses ng babaeng yun. 

"May tanong ako sa'yo, Agni.'' Sabi ko saka idinilat ang mata. 

Humarap sa ‘kin ang babae at halata sa mukha niya ang excitment. "Ano yun, babe? Tatanungin mo ako kung gusto ko ng makasal sa’yo?" Tanong niya sa 'kin. 

"Nakilala mo ba ang babaeng nagbantay sa 'kin dito? Alam ko na may ibang babae na nandito, Agni. Kahit nakapikit ako ay naririnig ko ang boses niya." Deritso kong tanong. Napansin ko na natigilan siya at agad naman siyang nakabawi at ngumiti. 

"I-Ibang babae? Ako lang ang nagbantay sa’yo dito, babe. Boses ko yun, at baka nong araw na narinig mo yun ay yung namamalat ang boses ko. Alam mo na..sa sobrang puyat sa pagbabantay ko sa’yo ay napabayaan ko ang sarili ko kaya ako nagkasakit." Sabi niya habang nakangiti sa 'kin. "Kaya ako yun, babe. Walang ibang babae na nagbabantay sa’yo dito kundi ako. Kung meron mang papasok dito na babae ay mga nurse yun na nag che-check sa'yo araw-araw. May mga edad na yun o di kaya ay may mga asawa." Paliwanag niya kaya tumango nalang ako at hindi na sumagot pa. 

Yumuko nalang ako at iniisip parin ang boses ng babae na yun. Hindi ako pwedeng magkamali, sigurado ako na may ibang babae akong kasama sa kwarto. Hindi lang isa kundi dalawa, at ang boses ng babaeng yun ay bata. 

Niyaya na ako ni Agni na lumabas ng hospital room. Inaasahan ko na pupuntahan ako ni Salem dito, ngunit kahit anino ay hindi nagpakita sa 'kin. Kailangan ko talagang makausap ang kaibigan ko na yun. Alam ko na may alam siya sa dalawang babaeng nasa kwarto ko.


NAGLILINIS AKO ng bahay habang ang makulit kong anak ay panay ang sabi na tutulungan daw niya ako. Natatawa nalang ako dahil nagtutupi kami ng damit dalawa. 

Ginagawa naman niya ang lahat para magaya niya ang pagkakatiklop ko pero talagang hindi niya magawa. 

"Mama.. look po oh.. ang galing ko na po magtupi ng damit," tuwang-tuwa niyang sabi. 

"Ang galing naman ng anak ko. Thank you sa pagtulong, nak. Pinapagaan mo ang trabaho ko." Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya. 

"Oo naman po, mama. Gusto ko po palaging makatulong po sa’yo." Sabi niya kaya hinaplos ko ang buhok ng anak ko. 

Naalala ko bigla si sir Levi. Iniisip ko kung kamusta na kaya siya. Yung isipan ko ay hindi ko mapigilang isipin ang gwapong binata na yun lalo na’t ang nagbabantay sa kanya ay isang bruha. 

Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari samin dalawa ni Agni. Yun kasi ang unang beses na nakipag away ako. Sa tiyahin ko kasi dati ay hindi ako nakipag away sa kanya kahit pa nga gusto ko na siyang batuhin ng sandok.

Siguro dahil nakita ko na sinasaktan niya ang anak ko kaya ako nagalit ng husto kay Agni at nakipag sabunutan. Kahit sino sigurong ina ay gagawin yun lalo  na kung anak ko na ang inaaway. 

Pinagdarasal ko talaga na sana ay makarma ang babaeng yun dahil sa ginawa niya sa anak ko. Ayos lang sana eh kung ako lang ang inaway, pero sinali ang anak ko kaya dapat lang na labanan siya. 

Natakot nga din yata ang anak ko dahil kinagabihan ay nilagnat siya. Mabuti na nga lang at isang gabi lang siya nilagnat at kinabukasan ay gumaling agad. 

"Mama.." tawag sa 'kin ng anak ko. 

"Ano yun?" Tanong ko naman sa kanya.

Ngumuso naman siya kaya natawa ako ng mahina dahil ang cute ng labi niya. "Kamusta na po kaya yung gwapong sir sa hospital po? Sana po, mama, magising na po siya." Sabi niya sa malungkot na boses. 

"Lagi mo ba siyang pinagdarasal sa panginoon, anak?" Tanong ko sa anak ko habang hinahaplos ang buhok niya. 

Tumango naman sa 'kin ang anak ko. "Opo, mama. Palagi po. Sabi mo po kasi.. lahat po ng dasal ng mga tao ay naririnig po ng panginoon. Kaya lagi ko pong pinagdarasal si sir pogi." Sagot ng anak ko kaya napangiti ako. Bilib talaga ako sa anak ko dahil mabilis lang siya turuan. Nasanay kasi siya na inaapi kami ng tiyahin ko kaya kailangan ko siyang turuan na magsalita para isumbong niya sa ‘kin ang ginagawa ng tiyahin ko dati kapag wala ako. 

Isa din sa nakatulong ay palaging nakikipaglaro ang anak ko sa mga bata kaya talagang natuto siya. Tinuturuan ko din siya bago kami matulog kaya talagang straight magsalita ang anak ko, minsan nga lang ay nabubulol siya lalo na kapag sa letrang r o l. Pero dahil mama niya ako ay naiintindihan ko naman yun agad. 

"Hayaan mo, anak, magigising din ang sir pogi na yun. Nararamdaman ko na malapit na. Magiging masaya na tayo do’n kapag gumaling na siya kahit pa nga hindi niya tayo makilala o makita." Sagot ko sa anak ko kaya tumango siya. 

"Anong gusto mong merienda ngayon? Dapat masarap ang isipin mo ha dahil tumulong ka kay mama magtupi ng damit." Sabi ko sa anak ko kaya agad na nag ningning ang mata niya. 

Binabalak ko sana na magtayo ng maliit na negosyo sa labas ng bahay namin. Balak ko na magtinda-tinda ng merienda para  naman may pagkakitaan ako at hindi mabawasan ang tinatago kong pera. Hanggat maari kasi ayaw kong mawalan ng pera dahil ang hirap. Lalo na kapag may biglaang emergency. 

Gusto kong magsimula next week dahil bibili na muna ako ng mga gagamitin ko para sa ititinda ko. Balak kong pumunta ng mall para do'n nalang bumili. Gusto ko din pag-aralan ang papasukin kong negosyo sa buhay para naman hindi ako mangapa. 

Kailangan ko kasi talagang magbenta lalo na’t malapit na mag-aral ang anak ko. Balak ko na talaga siyang pag-aralin dahil sakto na naman sa edad niya next year. 

Kaya ko 'to. Kayang-kaya para sa anak ko. Hindi ako pwedeng mapagod dahil may nakasandal sa 'kin at kailangan kong suportahan ng maayos ang anak ko.

Pumunta nalang kami ni Sera sa kusina para gawan siya ng merienda. Mabuti na nga lang at madali lang ang request niyang merienda. May nabili naman ako nong isang araw kaya gagawan ko siya ng pancake. 

Habang gumagawa ako ay ang anak ko ay tahimik na nakaupo. Kinakausap ko din siya patungkol sa mga numbers para mahasa pa siya lalo. Yun lang naman kasi ang ginagawa naming mag-ina talaga. 

Masaya naman ako na kami lang dalawa ni Sera. Wala ng magulo sa buhay namin at masasabi ko na payapa na talaga ang buhay namin mag-ina.



A/N: Good morning po!✨

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now