Chapter 12

4.9K 234 66
                                    

NAGBIBIHIS kami ngayon ni Sera dahil pupunta kami ng mall. Dapat ay last week pa kami pupunta ng anak ko ngunit nagkasakit ako kaya kinailangan ko muna magpahinga. 

Nag-alala ng husto ang anak ko kaya ayaw niyang umalis sa tabi ko. Siguro ay natakot siya na baka may mangyari sa 'kin. Narinig ko pa ang dasal ng anak ko na sana daw ay pagalingin ako ng panginoon. 

Kaya natuwa ang anak ko dahil gumaling agad ako. Ayaw ko talagang malungkot ang anak ko dahil hindi siya natutulog dahil binabantayan niya ako. Ilang beses ko na nga sinabi na magiging maayos lang naman ako pero talagang natatakot ang anak ko. 

Nangako din ako ngayong araw na igagala ko na din siya ngayon sa mall at kakain kami sa labas. Halatang excited ang anak ko at kanina pa niya ako kinukulit na alis na daw kami. 

Tapos na ako sa pag-aayos kaya kinuha ko ang mumurahin na sling bag ko. Ito lang ang meron ako kaya iniingatan ko ‘to ng mabuti. Ganito talaga ako, maingat sa gamit lalo na't hindi naman ako mayaman para bumili ng maraming bag. 

"Tara na po, mama." Aya sa 'kin ng anak ko kaya tumango ako. 

Hawak ko ang kamay niya at lumabas kami ng bahay. Siniguro ko din na nakalock yun para hindi kami maakyat ng magnanakaw kahit pa nga wala namang nanakawin sa bahay namin. Mabuti na yung maingat kaysa naman nasa huli ang pagsisisi.

Nang masiguro kong lock ang pinto ay agad kaming naglakad ni Sera sa gilid  ng kalsada. Mag tri-tricycle nalang kasi kami dahil medyo malayo ang mall dito. Hindi kayang lakarin. 

Nakahanap naman kami agad kaya itinaas ko ang isa kong kamay para tawagin yun. Agad naman lumapit yun samin kaya sinabi ko kung saan kami magpapahatid. 

Inalalayan kong sumakay ang anak ko saka ako sumakay. Pinausad naman agad ni manong driver ang tricycle niya kaya hinawakan ko ang anak ko. 

Iniisip ko kung saan kaya kami kakain ng anak ko. Iniisip ko din ang mga bibilhin ko na kakailanganin ko sa pagtitinda ko. Sakto kasi talaga dahil walang nagbebenta ng pagkain sa lugar namin. Kung meron man ay medyo  malayo pa kaya maganda talaga magtinda. Wala akong ka kompetensya kung sakali. 

Ilang sandali lang ay nakarating kami sa harap ng mall. Napangiti ako dahil tuwang-tuwa ang anak ko. Inabot ko nalang muna ang pamasahe sa driver saka ako bumaba at sunod kong inalalayan ang anak ko. 

Magkahawak kamay kami ng anak ko papasok ng entrance. Plano ko na tumambay muna kami mamaya sa bagong pasyalan dito sa mall na garden. Na search ko na kasi yun kanina kaya dito ko piniling pumunta. 

Naisip ko na mamaya na muna ako bibili sa mga kailangan ko at balak ko na paglaruin si Sera do'n sa third floor. May palaruan kasi do’n na alam ko ay mag e-enjoy si Sera. 

Pumunta kami sa third floor at tama nga ang hula ko. Nang makita kasi ni Sera ang palaruan ay nagtatatakbo. Hinayaan ko na at lumapit ako sa counter para magbayad ng fee.

Nang makabayad ako ay pinapasok na si Sera. Aliw na aliw ako habang pinapanood ang anak ko. 

Isang oras lang naman ang pinili ko dahil yun lang ang inilabas na budget ko para sa araw namin ngayon. 

Nakikita ko sa mukha ng anak ko na tuwang-tuwa. Masaya na din ako kahit pa nga hindi ko narananasan ang ganito. Kaya gusto ko si Sera ay maka experience ng ganito kasayang palaruan. 

Lumipas ang isang oras ay tinawag na kami sa harapan at sinabi na tapos na ang oras namin. 

Lumabas naman kami ng anak ko at naisipan ko na kumain muna kami. Kaya naghanap ako ng fast food chain dahil pang do'n lang ang budget ko sa gala namin ng anak ko. Ayaw ko muna kasing bumili ng pagkain na mga mahal lalo na’t hindi ko pa napapaikot ang pera ko. 

Assassin Series 12: Leviticus Valdez(ON HOLD)Where stories live. Discover now