CHAPTER 23

1 0 0
                                    

MISSING.

AIKEN POV.
"I like your sister..." nakangiting sambit ni Amanda nung makaupo na ito sa aking tabi.

It was Sunday, that's why she's available for today and been with my sister the whole day. Habang nasa trabaho ako kanina ay naglibot naman ang dalawa.

Tinupad ni Iyah ang kanyang sinabi sa Ate Amanda niya. Naging parang magkapatid na nga ang dalawa at magkasundong-sundo ito lalo na sa mga gusto nilang gawin. Masayang-masaya sila nung umalis sila sa opisina ko dahil sa plano nilang mag-spa at shopping nung nakaraan pa kaya ngayon na parehas sila free ay iyon nga ginawa nila.

Kanina nasa galaan ang dalawa at nasa meeting ako ay minu-minuto nila akong tinetext at gustong sumunod sa kanila kaya natatawa na lang ako sa mga picture na pinapadala nila sa akin. Kunwaring malungkot sila sa mga litrato nila ngunit halata namang nag-enjoy.

Naunahan ko pa silang makauwi sa bahay. Inanyayahan ni Iyah na mag-dinner sa bahay namin ang kanyang Ate Amanda kaya naman nandito si Amanda.

Kakatapos lang namin mag-dinner. Nasa taas na si Iyah, paalam nito ay magpapahinga na ngunit alam ko naman na may kakausapin pa iyon. Nasa duyan kami ngayon ni Amanda habang parehas na pinag-mamasdan ang malawak naming lupain.

Nakasanayan ko nang dito madalas tumambay sa tuwing pagkatapos kumain o magpapalipas lang nang oras o di kaya ay nag-iisip. Nakakagaan kasi nang pakiramdam ang titig sa lupain namin dahil sa sobrang tahimik at payapa nito tila animoy wala kami sa magulo at maingay na siyudad kami dito ako nakatingin.

"She's bubbly and super energetic. I like her vibes. I still don't get it bakit maraming nagagalit sa kanya..." Napalingon ako kay Amanda nung sabihin niya iyon. "May mga nabasa lang ako..."

"She's very transparent and little bit stubborn. Kung ano gusto niyang sabihin o gawin, iyon ang gagawin niya talaga kaya siguro marami hindi nagugustuhan iyon," sambit ko. Kilalang- kilala ko ang kapatid ko. Marami sa ibang tao na-misinterpret siya o hindi siya maintindihan dahil sa kanyang sariling paniniwala.

"May paninidigan... Gano'n dapat. May isang salita. Mainam na ganyan siya kahit bata pa lang siya atleast malinaw na sa kanya kung ano talaga ang gusto niya kapag nagdesisyon siya," napapangiti at napapatango na saad ni Amanda tila tuwang-tuwa talaga ito sa aking kapatid.

Ilang minuto pa namin pinag-usapan ang kapatid ko hanggang sa napunta ang usapan sa lupain namin hanggang sa trabaho ko pati na rin ang ginawa nila nang kapatid ko buong araw.

Napapangiti na lang naman ako habang nakikinig kay Amanda na masayang-masaya na nagkukwento sa harapan ko. She really had fun. Nahahalata ko iyon sa mga matatamis na ngiti niya at sa excited na mga gestures na ginagawa niya habang nagkukwento sa akin. Pinapakita niya pa sa akin ang kanyang kuko at hairstyle para ipakita kung gaano siya natutuwa roon.

"I wanted to cut my hair short but I guess I'm more prettier in long hair, right?" tanong nito habang hinahaplos ang kanyang buhok. Pinakita pa nito sa akin kung gaano na kahaba ang kanyang maalon na buhok.

"I don't know..." Sumimangot naman ito sa narinig na sagot ko. "You're always gorgeous so I can't tell which one is prettier..."

"Oy..." nabigla na reaksyon nito at mabilis na dumapo ang kanyang kamay sa aking balikat na tumulak doon sa pagkagulat sa sinabi ko, halatang di ine-expect na sasabihin iyon sa kanya kaya tinawanan ko na lang ito. "Bolero ka, ah..." sambit pa nito.

Isang oras pa itong nakipag-kwentuhan at kulitan sa akin bago ito tumayo sa kinauupuan at nagpaalam na uuwi na siya.

"I'll drive you home..." sambit ko at tumayo na rin na mabilis niyang pinigilan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now