CHAPTER 4

0 0 0
                                    

AMANDA.

AIKEN POV.
Kakabalik ko lang sa resort nung salubungin ako ng mga kaibigan ko. May pinuntahan kasi akong meeting at maaga akong umalis, hindi ko na sinama si Marianne para siya na lang ang tutulungan dito sa resort habang wala ako kaya hindi na rin ako nasabihan ni Marianne na dadating na pala ang kaibigan ko.

"Buti naman at nagkita-kita na rin ang tatlo. Anyway, I'm back..." saad ni Les pagkatapos yumakap at bumeso sa akin.

"Oo nga, mabuti na lang din, nagbakasyon na itong si Attorney. Ako naman kasi anytime, pwede naman,"  saad ni Vince at inakbayan si Fred para lang asarin kaya napangisi na lang ako at inilingan ito.

"Oo, kasi lagi ka lang naman gumagala," biro naman pabalik ni Fred kay Vince.

"Para sa trabaho din 'yon. Kasalanan ko ba na sinasagot na rin nila ang travel fee ko at kung saan-saan nila ako dinadala para lang ma-picture," sambit naman ni Vince.

"Oh, huwag kang iiyak..." pang-aasar ko naman dito.

"Kiss mo nga, Attorney. Nagtatampo ang baby, eh," gatong naman ni Les kaya nagtawa na kami nung sinakyan ni Fred ang sinabi ni Les kaya tinulak at kinutusan naman siya agad ni Vince.

Mga nakapag-check-in na sila at nando'n na rin ang mga gamit nila sa room nila. Naglibot lang sila saglit nung hinihintay nila ako. Hindi naman daw sila magtatagal pero hindi rin naman isang araw lang ang pananatili nila dito. Tutal ay nag-leave at nagbakasyon na rin naman daw sila, susulitin na din nila.

Hindi naman talaga sila nagtatagal kapag bumibisita sa akin dahil sapat na sa kanila ang dalawa o tatlong araw na panggugulo sa akin. Matagal na ang isang linggo. Pero tulad ko ay busy din ang mga ito sa kani-kanilang trabaho kaya di rin talaga nagtatagal.

Lesley is working and managing her own restaurant with her own-made foods. Noon pa man ay pangarap na talaga nitong gumawa ng sarili niyan business at dahil nga mahilig at marunong itong magluto ay iyon ang ginawa niyang business.

Vince is professional photographer. Maraming kumukuha sa kanya dahil tunay nga itong magaling sa pagkuha ng litrato. Photography is not his course when we were in college, he took civil engineering and he got a degree. Civil engineering ang kinuha niya para samahan ang babaeng mahal niya ngunit nung sabay nilang nakapasa ay bigla iyon naglaho at nabalitaan niya na lang kinasal na pala ito. Hindi niya na tinuloy ang pagiging engineer dahil ang babaeng iyon lang daw ang maaalala niya kaya pagiging photographer na lang ginawa niyang trabaho tutal iyon din naman ang isa niyang gustong gawin.

Si Fred naman ay isang lawyer na ngayon. Sa pagkakaalam ko ay babae din ang dahilan kung bakit niya kinuha ang kursong iyon. He met a girl whose having a trauma sa mga lalaki dahil nakaranas ito nang harassment and physical abuse sa stepfather at ex-boyfriend nito. Kaya nung naging lawyer na si Fred ay binigyan niya nang justice ang babae. Now, the girl is living a peaceful and private life.

Magkakaibigan na kami since high school days namin kaya kilalang-kilala namin ang isa't isa at sanay na rin ako sa kalokohan ng mga ito. Maiingay at makukulit na akala mo mga bata pa rin, natatawa at napapailing na lang ako sa mga ito.

"Maganda iyon. Tignan mo kasi, Fred..." sambit ni Vince at tinapik pa si Fred para lang tignan nito ang tinuturo niya.

"Sakto lang. Tsaka hindi ako interesado," saad ni Fred at inilingan na lang si Vince.

"Ey... Oo nga pala, ikaw na nga pala ngayon si Mr. Stick to one. Tss..." pang-aasar ni Vince dito.

"Whatever you say, men. Tsaka bakit ako kasi? Bakit hindi ito si Aiken? Tutal iyan naman ang walang lovelife sa atin," saad naman ni Fred at tinuro pa ako.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now