CHAPTER 11

0 0 0
                                    

HER STORY.

AIKEN POV.
Amanda still avoiding me. Mukang hindi ko ito makukumbinsi na wala talaga akong girlfriend, unless si Anicka mismo ang maglinaw no'n sa kanya. Hindi rin naman ako makalapit sa kanya.

Malalalim ang buntong hininga ang binuga ko at napapahawak sa sentido habang nag-rereply sa mga emails at binabasa ang mga papeles na binigay ni Marianne. Napaangat lang ako nang tingin nung may kumatok at pumasok muli si Marianne dala ang mga papeles na pinahanap ko sa kanya.

"Ito na, Mr. Creed..." saad nito nung huminto sa harapan ko.

"Just put it in the desk," sagot ko at binalik ang tingin sa ginagawa.

"Ito na din po ang naayos kong schedule at mga pinakumpirma niyo," saad nito at may binabang papel malapit sa akin kaya kinuha ko iyon para matignan. Good for a week iyon. Tumango ako bago ko binalik ang tingin sa aking laptop.

"What about 'yong isa ko pang inuutos sa'yo?" tanong ko rito nang hindi ito tinitignan.

"Nabigyan ko na po nang pagkain. Sasamahan ko rin po pagkatapos ng trabaho ko. Parang gusto po kasi na mag-isa muna ngayon kaya hindi ko masyadong nilalapitan," saad ni Marianne at naabutan ko itong nagkibit-balikat.

"Okay, then..."

Trabaho at trabaho lang ang tanging ginagawa ko buong magdamag. Nag-overtime din ako para pilitin na matapos ang mga gawain ng isang araw kahit na hindi naman talaga iyon urgent. Kinabukasan naman buong maghapon naman akong wala doon para sa meeting at appointment ko. And that's what happened the whole week...

"Sir, mukang okay naman po siya the whole time na kasama ko siya,"
"Pinadadala ko po siya ng pagkain since hindi po lumabas buong maghapon,"
"Nakatambay lang at tulala lang siya, Sir sa dalampasigan,"

Iyan naman ang ilan lang sa mga sinasabi ni Marianne sa tuwing nakakabalik na ako sa opisina at pumupunta pa talaga ito sa opisina para lang sabihin sa akin ang mga ginawa ni Amanda. But I'm glad that she's still okay...

"Kumusta, Aiken? Nababalitaan ko na marami turistang nananatili sa resort mo, ah..." saad ni Mr. Arado pagkatapos ng meeting namin sa business.

"Oo nga po, maraming nagbabakasyon,"

"That's good, that's good. Magaling rin kasing mag-handle katulad ng palaging sinasabi ng tatay mo..." Bahagya naman akong tumawa.

"Salamat po..."

"Pero masyado kang trabaho nang trabaho. You should unwind too, para hindi naman puro stress at problema sa trabaho ang iniisip mo," paalala nito.

"Oo naman po. Panay trabaho lang po ako ngayon dahil gusto din pong bumalik muna saglit sa Manila," paliwanag ko naman dito.

"Oh... that's the reason. Do you have girlfriend, anyway?" tanong nito, mukang iniisip na dahil may girlfriend ako sa Manila kaya gusto kong bumalik doon. Ngumiti at umiling.

"Wala pa po..."

"So, you're still single? Well, I have a daughter who is single too. You can meet her if you want," saad nito at ngumisi pa sa akin.

"I'm single but someone already caught my attention. I'm interested with someone, Mr. Arado," nakangiti at diretsong sambit ko. Isang babae na iniiwasan at hindi ako pinapansin ngayon. Bakit kaya gano'n? Minsan mas lalo pa tayong nahuhulog kapag hindi tayo pinapansin. Napailing na lang ako sa aking naiisip.

After a hours of talking about random things with Mr. Arado and going to meeting ay bumalik na rin ako sa resort para doon naman tapusin ang ibang trabaho ko.

"Sir, pahinga ka muna kaya? Parang ilang araw ka na pong puro trabaho lang. Muka ka na po tuloy puyat... Haggardo na yarn?" natatawang saad ni Marianne habang tinitignan ako, hindi pa pala ito umaalis. Kunot noo ko lang naman itong tinignan. "Chariz! Sabi ko nga, Sir, joke lang. Pero 'yong iba naman po d'yan ay hindi naman po asap kaya why don't you try to chill, Sir?" saad pa nito at pasimpleng tinitignan ang ginagawa ko na iniiwas ko lang sa kanya.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now