CHAPTER 22

0 0 0
                                    

SISTER.

AIKEN POV.
"That's enough, Aaliyah. Alam ko na ang gagawin ko kaya kung ako sa'yo kesa mag-focus ka sa kung anu-ano ay d'yan ka na lang sa ginagawa mo mag-focus," sambit ko at hinarap sa kanyang laptop ang mukha niyang mabilis na bumusangot.

Hindi pa rin kasi ito tumitigil sa pangungulit tungkol sa akin at kay Amanda kahit na ilang linggo na rin naming pinag-uusapan ito. Ilang beses ko rin sinusubukan na baguhin ang topic namin ngunit nakakagawa pa rin ito nang paraan para pag-usapan namin si Amanda.

"Fine..." nakabusangot na sambit nito at tumutok na nga sa kanyang laptop.

It's weekend today and sumama ito sa opisina ngayong araw para raw dito na lang gawin ang mga schoolworks niya. Nagsasawa na raw siyang kasama ang mga kaibigan niya kahit na alam ko namang may dahilan ito kaya sumama sa akin at iyon ay para nga kulitin at guluhin ako.

Kumpara nung nakaraan ay hindi na naging snob ang kapatid sa mga dumadating sa opisina. Binabati at kinakausap niya rin ang mga ito marahil ay hindi na ito nag-research hindi katulad nung nakaraan although may ginagawa rin naman ito para sa kanyang school ngayon pero hindi ito mas naka-focus ngayon sa ginagawa.

"It's easy! Kaya madali na lang 'yan..." sagot nang aking kapatid nung tanungin ko ito.

"Madali o may tutulong sa'yo kaya easy-easy ka lang?" Nanliit ang mata ko nung makita ang mabilis na reaction nito kahit na walang pangalan naman nabanggit.

"Oy, Kuya! He won't tolerate my spoiled behavior kaya... Tsaka busy 'yon but honestly, tinuturuan niya pa rin naman ako para ma-gets ko if naguguluhan ako sa pag-sagot. But seryoso, madali na lang 'to. Essay and super gets ko naman ang lesson," pagpapaliwanag nito sa akin animo'y dine-defend ang kanyang sarili.

"Oh? Ee, bakit tunog defensive ka?" mapang-asar saad ko rito.

"Whatever, Kuya!" nakabusangot na sagot naman nito at umikot pa ang kanyang mata kaya tinawanan ko naman ito. "Alam mo, Kuya, may pagkabully ka rin pala 'no... Akala nang iba seryoso tas ganyan ka— Hello po! Good morning po. Tuloy lang po kayo, just don't mind my existence here..." Mabilis na nagbago ang expression nito nung may biglang dumating sa opisina. Bait-baitan din ang isang ito.

"Aaliyah... Himala at naabutan kita dito," saad ni Mr. Velasco. Tumawa naman ang aking kapatid habang pasimple itong lumalapit.

"Kilala niya ako, Kuya? Sino ba 'to?" bulong nito sa akin habang kumakamot kunwari. "Oh, Mr...."

"Mr. Velasco *ehem*" Umubo-ubo pa ako kunwari para lang mabulong 'yon sa kapatid ko.

"Oh, Mr. Velasco, grabe naman po kayo sa himala. Pumupunta naman po ako dito. Hindi nga lang po madalas," natatawa pa kunwaring saad ni Aaliyah.

"May ipapakilala kayo sa kapatid ko, diba, Mr. Velasco?" Madalas kasing sinasabi ni Mr. Velasco iyon tuwing napapag-usapan namin 'yong kapatid ko. Schoolmate raw iyon ni Aaliyah kaya baka kilala raw iyon nang kapatid ko.

"What? Kuya!" reklamo ng kapatid ko at bahagya akong tinulak. "Ah, you know what, mag-usap na po kayo about business then ako naman po gagawa na doon. Byeee!" sambit nang kapatid ako at mabilis na bumalik sa sofa.

Natawa na lang ako sa kapatid. Hinarap ko na rin si Mr. Velasco para kausapin ito sa pag-uusapan ngayong araw.

"Pogi ba, Kuya?" pangungulit ng kapatid ko sa akin habang abala ako sa mga papeles na nasa harapan ko ngayon. "Pasok ba sa standard ko naman 'yon? Dapat matangkad? 'Yong mga ganito. Tas matalino. And also, dapat mabango, ah... Wala na akong pakialam kung mayaman ba sila o hindi basta gusto malinis tignan. Tsaka 'yong matured..." Marami pa itong ginesture sa harapan ko at sinabi tungkol sa gusto nito. Huminto ako sa ginagawa at seryosong tinignan ang kapatid ko na may iniisip pa.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now