CHAPTER 15

1 0 0
                                    

COME WITH ME.

AIKEN POV.
Pagkatapos nang nakakapagod na pag-swimming at diving ay pinili na lang namin na maupo at panoorin ang papalubog na araw. Just chilling. Watching how the sun and sea meet.

"Alam mo tuwing ganito..." Napatigil ako kay Amanda nung bigla itong magsalita sa gitna nang katahimikan at pagkain nito. "Tuwing nanonood ako nang sunset, I always remember my friend..."

"Your friend?"

"Yeah, my bestfriend actually. Like a sister..." saad nito at ngumiti.

"Why? Did she like watching sunset too?" tanong ko rito para magpatuloy siya sa kanyang sinasabi. Bumuntong hininga siya at tumango.

"Yeah... She loves it. So much..." nakangiti saad nito habang pinag-mamasdan ang kalangitan. "Madalas kasama ko siyang manood ng paglubog nang araw ngunit... hindi na pwede ngayon," saad niya pa at pinag-tuonan na lang ng atensyon ang kanyang iniinom.

"Why? Where is she now?"

Sinundan ko 'yong daliri niya na tinuturo ang kalangitan. Napaawang ang bibig ko at binalik agad ang tingin sa kanya ngunit ngiti naman ang binigay niya.

"That was so fun..." Gabi na nung makabalik kami at masayang-masaya si Amanda nung bumaba kami nang yate.

We talked a lot of things and because of that diving, we slowly getting to know each other more. We discovered things about each other.

"I need to rest badly tonight, so paano? Let's just see each other tomorrow?" sambit ni Amanda. Tumigil ako sa paglalakad dahil huminto siya para harapin ako.

"Yeah, see you around and have a great night," saad ko at ngumiti rito. Ngumiti rin ito sa akin balik. Bahagyang akong nagtaka nung manatili lang itong nakatingin sa akin ngunit nagsalita rin naman siya pagkalipas ng ilang minuto.

"Okay. Thank you for today. Mauuna na ako. Good night!" saad nito at tumakbo na papunta sa hotel. "Call your sister!" paalala pa nito at nagwave sa akin.

Bahagya na lang akong natawa at nagwave na lang sa kanya pabalik. She's really adorable... Nawala rin naman ang atensyon ko sa kanya nung tumunog na ang cellphone ko. At alam ko na agad kung sino ang tumatawag kahit hindi ko pa nakikita.

["Kuya!"]

Natapos ang araw ko sa pakikipag-usap ko sa aking kapatid. And next day, all I knew is madami na akong kailangan gawain.

"What about the appointment for Mr. Palbe?" tanong ko kay Rhian bahagyang naglalakad kami ngayon papuntang lobby.

"Yes, Sir. Tuloy din po siya today. According to the original schedule, 1 o'clock in afternoon po siya," saad ni Rhian habang may tinignan sa kanyang notes na hawak. "And the meeting with the Suarez, itutuloy niyo na din po ba today?"

"Yes..." saad ko at huminto kami sa lobby.

"Sir, here's the paper," sambit ni Dianne at nilahad ang mga paper na pinakuha ko sa kanya bago ako umalis sa opisina ko kanina.

"Thanks, Dianne," sambit ko at mabilisan na tinignan ang mga nakalagay doon.

"Excuse me, Miss..." Napaangat ako nang tingin nung marinig ang boses nito. "Oh, hi, good morning!" nakangiting bati nito nung mapansin niya rin ako.

"Good morning," saad ko at binalik ang tingin sa binabasa.

"Hi! I just want to request to fix the landline phone in my room, I think it was broken..."

"Copied, Miss Valencia. We apologize po. Ipapaayos ko na rin po siya right away," mabilis na sagot naman ni Dianne at may tinawagan na agad sa telephone.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now