CHAPTER 12

0 0 0
                                    

REST.

AIKEN POV.
'Thank you kahapon :)' - Amanda V.

Tinignan ko naman ang box na iyon. Kumunot ang noo ko sa nakita ko. Inangat ko iyong jar at pinag-masdan ng maigi ang laman no'n, nung hindi nakuntento ay kinuha ko ang isa doon.

Huh? A star?

It is a jar that full of paper stars. Para saan naman ito? Nagkibit-balikat na lang ako at itinabi ko na lang iyon sa desk ko. Sakto namang pagbukas ko ng laptop ang pagpasok ni Marianne sa opisina and the usual to give some papers that I need to review and sign.

I just did my usual work in office and only go out for meetings that I need to attend.

"What's up?" Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Dasten. He's one of my schoolmate and friend when I was college student.

"What makes you come here, Ten?" tanong ko rito.

"To rest from the chaos in Manila..." sagot nito at humilata sa sofa ko.

"Chaos? Your girlfriend?" mapang-asar na sambit ko kaya mabilis akong nakatanggap ng matalim na tingin mula sa aking kaibigan. Humalakhak lang naman ako at binaling muli ang tingin sa ginagawa.

"Hey! Excuse me, Aiken, it's already fiancée..." masungit na pagtatama nito sa akin. "I already sent you an invitation but yet, you still forget that I'm going to marry her..." sambit pa nito.

"Invitation for official engagement party, right? When is it again?" tanong ko rito kahit na hindi ako sigurado kung makakapunta ako roon.

Marami na ang nagpapadala sa akin ng imbitasyon sa mga kung ano-anong party ngunit sa dami ng inaasikaso ay hindi ko naman iyon napupuntahan. Inaasahan ko na rin hindi ako makakapunta sa party ng engagement nila Dasten ngunit pinag-iisipan ko muli dahil kaibigan ko naman sila pareho.

"Didn't you received it? Don't tell me hindi nakarating sa'yo?" tanong nito at napabangon mula sa pagkakasandal para lamang lingunin ako.

"Yeah, I already received it but didn't open it yet..." diretsong sagot ko sa tanong niya.

"What? But why?" takang tanong nito.

"Hindi rin naman ako sigurado kung makakapunta ako. I'm busy you know. I have business here and in—"

"No, no! No way, dude! You can't do this to us. Both of us are your friends for a long time. We're expecting you to be in our engagement party and even in our wedding. So, come on, dude..." mahabang pagdidiwara ni Dasten na tumayo pa sa harapan ko.

"Yeah, you're my friend but—"

"See! We're friends! So, no. You can't do this to us! And you can't just ignore me. I'm Dasten Tuazon, no one reject me except my wife. Siya lang ito nag-tangka kaya Aiken! Pumunta ka! Kung hindi sisiraan ko talaga itong resort mo," sambit nito na may halong pagbabanta. Napapailing na lang ako dito. "Hindi ka pwedeng mawala. Papatayin ako ni Misis..."

"She's not yet your wife, Ten..." paalala ko dito dahil hindi pa naman sila kinakasal na dalawa.

"Well, duh, doon na lang papunta 'yon. So, technically, for me, she's already my wife..." pagpipilit nito, hindi talaga papatalo. Napangisi na lang ako at iniba ang usapan.

"Anyway, why are you here? Ano bang meron sa Manila at napadpad ka rito?" tanong ko kay Dasten habang ginagawa ang trabaho.

"I'm resigning..." simpleng sambit nito at naupo sa harapan ko. Simple at tipid na salita na nagpahinto sa aking ginagawa. Tinignan ko ito nang maigi.

"In showbiz?" Tumango naman ito agad.

"Kaya nga ngayon ay nagkakagulo sila. But wala silang magagawa. My decision is final, I'm not pursuing acting anymore. At dahil idol kita, magiging businessman na lang din ako..." sambit niya. Tinuro pa ako nito at kumindat sa akin. I just give him a disgusted face.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now