CHAPTER 7

1 0 0
                                    

BEAUTY QUEEN.

AIKEN POV.
I did everything that I could to make myself busy and not go back to our resort early. Lahat ng trabaho ay ginawa ko kahit na pwede  naman hindi tapusin agad iyon. Ngunit hindi nasunod ang gusto kong mangyari dahil habang gusto kong hindi muna bumalik sa resort ay mas napaaga ang pagbalik ko doon kaya nanatili lang ako sa aking opisina buong araw na nando'n ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ko ito? Iniiwasan ko ba siya? Ngunit bakit ko naman ito iiwasan? Dahil ba nalaman ko na estudyante pa lang ito? Hindi ba, sabi ko ay ayos lang naman iyon. Ngunit iba nga pala ang iisipin ng iba kaya kailangan ko rin talaga mag-ingat.

Ngunit hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit na imbis na ang emails ang tinitignan ay ang mga impormasyon tungkol sa kanya ang hinahanap ko sa social media.

Nung una ay wala ako masyadong makita tungkol sa kanya dahil kapag isang Valencia ang lumalabas palagi, si Rose Valencia t ang mga achievements nito. Madalas ay wala si Amanda sa family picture nila. Sa sobrang paghahalungkat ko ng impormasyon ay nakahanap rin ako ng tungkol sa kanya.

Madalas itong nasa ibang bansa. May mga sinasalihan na iba't ibang competition, madalas naman ito manalo kaya nakakapag-taka na wala masyadong Impormasyon sa kanya. Hindi niya pa talaga pinapakita? Or may nagtatago lang? But then, hindi nga pala lahat ng mayayaman ay katulad namin na sobrang open ang buhay sa media.

Ngunit bakit kay Rose ay naipag-mamalaki at pinalalandakan pati ng mga magulang niya ay pinopost lahat ng tungkol kay Rose. Pero kay Amanda ay wala akong nakikita ni isa. Mga kaibigan at mga taga-hanga lang talaga nito ang nagpopost ng mga pagkapanalo niya.

Marami pala talaga siyang sinali at iba-iba talaga. Talented pala talaga siya. Magaling ka ding bata ka, ah...

Pinindot ko 'yong isang video na nakita ko. May hawak siya doon gitara at mga kasamang babae. Chine-cheer siya ng mga ito. Ngumiti naman siya sa mga iyon at tumango. Nagsimula na itong mag-strum ng gitara at huminga nang malalim bago nagsimula na kumanta.

"And I don't want the world to see me... 'Cause I don't think that they'd understand... When everything's made to be broken... I just want you to know who I am..."

She have a soft voice and she fluently sang the lyrics. Maikli lang ang clip na iyon at galing pa sa mukang kaibigan niya sa ibang bansa. Ilang beses ko pang pinindot at pinanood ang maigsing video clip na iyon. Hindi ko namalayan na umaangat na pala ang magkabilang gilid ng aking labi.

Mabilis kong sinarado ang laptop nung bigla itong nagbukas. Bumungad si Rian na may hawak-hawak na mga papel at nagulat pa ito nung makita ako sa opisina ko.

"Marianne, don't you know the word 'knock'?" I sarcastically asked her while I'm giving her a dead glare.

"Uh... Sorry, Mr. Creed. Hindi ko po kasi alam na nandito kayo. Usually po kasi ay wala kayo dito ng mga ganitong oras kaya tuluy-tuloy na ang pagpasok ko," natataranta na saad nito sa akin at hindi alam kung lalapit ba o mananatili malapit sa pinto. Sinenyasan ko ito na lumapit na para maibaba ang mga papeles na hawak at makaalis na din ito.

Pagkababa niya ng mga papeles ay mabilis din itong lumayo sa lamesa ngunit nanatiling nakatayo sa harapan marahil hindi pa tapos magsalita.

"Hindi po ba kayo lalabas?" tanong nito sa akin kaya sa mga papeles ko na lang tinuon ang aking atensyon.

"Wala akong gagawin doon," sambit ko naman kaya ramdam ko agad ang kagustuhan ni Marianne na makipag-talo ngunit mukang naalala niya na boss niya ako kaya pinilit na huminahon pa rin.

"Hindi po ba kayo makikipag-kwentuhan kay Miss Valencia?" tanong pa nito sa akin.

"May trabaho pa ako na kailangang gawin kaya wala akong panahon para sa kwentuhan," masungit na saad ko rito at nanatili sa mga papel ang aking paningin.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now