CHAPTER 17

1 0 0
                                    

SLOW DANCE.

AIKEN POV.
"You will regret this, Aiken. You choose a wrong choice. Iiwan ka din niya!" saad ni Les. Kinuha niya lang ang kanyang bag at mabilis na itong lumabas ng aking opisina.

"Les!" tawag ko ngunit mukang hindi na rin narinig or hindi na rin niya pinakinggan.

Napasandal na lang ako sa aking upuan at napabuntong hininga.

"Just give her time..." sambit niya at nagbuga nang isang malalim na hininga. "She also ignored me kanina kaya baka mas gusto no'n mapag-isa muna..." Binaba niya ang kanyang cellphone sa lamesa bago padarag na sinandal ang kanyang likod sa sandalan ng upuan niya.

"I was wrong... Hindi ko nalinaw agad sa kanya lahat," saad ko.

"Uhm... Ewan ko. Baka mali lang din kami," saad ni Anicka at nagbuntong hininga. "Actually, may kasalanan din kami ni Rose. We assumed it first kaya iyon din ang naging tingin ni Les. We created things in her mind. Kaya kami rin ang mali... I don't wanna ruin our friendship but mas makakabuti siguro if both of you distance with each other for the mean time,"

Ayoko man ngunit kung iyon ang makakabuti ay mabuti nga sigurong iyon na lang ang gawin ko. Hindi ko naisip na pwedeng mangyari 'yong ganito sa amin ni Les. All I know is we're just bestfriends, we're buddies.

"You really like her?" tanong ni Anicka pagkatapos ng ilang minuto na pananahimik. Napalingon ako sa kanya dahil sa biglaang pagtanong nito. "Miss Valencia, do you really like her?" tanong niya muli.

"Yes,"

"I'm happy for you then..."

Ngumiti pa ito sa akin ngunit binalik niya rin ang tingin sa dalampasigan na kanina niya pa tinitignan. Binaling ko rin ang aking paningin sa dalampasigan na may mumunting alon. Mapayapa at tanging ingay mula sa pamilyang naglalaro lang doon ang nagbibigay sigla sa dagat.

"Masaya ako kasi finally our Ken slowly learning how to love a lady. I can see it, Ken..." nakangiting saad niya.

"A what? You can see what?" tanong ko rito.

"I can see how happy you are whenever you're with Amanda. Aaminin ko nung una nairita talaga ako nang makita kayo na nagiging malapit sa isa't isa dahil of course, pakiramdam ko ay inaagawan niya ang kaibigan ko but then, na-realize ko na wala namang mali. Magkaibigan lang naman talaga kayo ni Les. Kami lang naman 'yong nag-aassume ng mga bagay-bagay kahit hindi naman dapat. Wala kang girlfriend at wala rin siyang boyfriend kaya ano nga naman ang mali sa ginagawa niyo?"

Napatango ako at hindi na muna nagsalita para hinayaan siyang magpatuloy sa kanyang gustong sabihin sa akin.

"At habang tinitignan ko kayong dalawa kung gaano kayo kasaya kapag magkasama, as your friend it also makes me happy. Kasi nakikita ko na ang sasaya mo na. Itong trabaho na dati napepressure ka lang ay nagagawa mo nang enjoyin ngayon... kasi may Amanda naman na nand'yan para magpagaan ng nararamdaman mo. May Amanda ka na lalapitan, makakausap qt magpapangiti sa'yo pagkatapos ng nakakapagod na trabaho," nakangiting saad ni Anicka. "I'm so happy for you, Aiken..."

"Maraming salamat, Anicka..." Ngumiti dito. Sa lahat sa mga kaibigan ko, si Anicka ang hindi showy sa kanyang nararamdaman o saloobin kaya natutuwa ako na nagagawang niyang sabihin ito sa akin ngayon.

"Okay, enough for the drama! I gotta go, I have date pa..." Tumayo na ito at kinuha ang kanyang gamit. "Alam kong meron ka rin. Sige na, mauuna na ako. Let's just see each other tomorrow. Babush!"

"Mag-iingat ka." Tumango lang ito at nag-wave sa akin.

Nanatili akong nakaupo doon kahit na umalis na si Anicka. Pinag-masdan lang ang dagat at ang kalangitan na tuluyan nang kinain ng dilim.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora