CHAPTER 6

1 0 0
                                    

KID?

AIKEN POV.
"Hey..." bati ko rin nung makita na nakaupo ito sa buhanginan.

"Hii..." nakangiti namang bati nito pabalik at saglit pa na kumaway.

"What are you doing?" tanong ko rito at tinignan ang hawak niyang libro.

"Just reading an educational. What about you? Why are you here? And done with your meetings?" saad naman nito at bahagyang inangat ang libro na hawak-hawak niya. "Riri told me that you're out for the meeting. Kahit pala ikaw ang may ari nito parang guest ka pa rin dito..." Nagkibit-balikat pa ito.

"What? Me? A guest? What do you mean? I can't understand what you're trying to say," tanong ko naman dito at naupo sa tabi niya.

"Just staying here for the room. I mean, katulad ng mga tourista na nanatili rin dito ay madalas ka ding wala. Ngunit wala sila dito para maglibot pero ikaw ay para naman sa trabaho," saad naman nito kaya napatango ako. Tama naman, may punto nga ang sinabi nito. That's my life, though...

"You are right but may times din naman na nandito ako the whole day. Nito lang naman talaga ako madalas umalis dahil gusto kasi ng kapatid ko na umuwi na ako kaya tinatapos ko na din ang kailangan kong gawin..." Dahil panigurado ay mangungulit lang lalo ang kapatid ko at baka hindi na naman siputin ang tutor nito kapag hindi pa ako umuwi. Hindi ko alam kung ginagawa niya iyon dahil sa akin or may dahil din sa tutor niya.

"Pwede mo naman balikan iyang trabaho mo, hindi naman 'yan mawawala. But then, magkakaiba nga pala tayo ng paraan. So, tinatapos mo lang 'yong trabaho mo para makauwi ka na?" tanong niya at nilingon pa ako.

"Yeah..." Tumango ako.

"Babalik ka pa naman dito, diba?" tanong nito kaya bahagya akong natawa.

"Oo naman..." Ngumiti naman ito at tumango. Hindi ko rin naman pwedeng pabayaan at iwan ito, unless Iyah will take this. "What about you? Ilang linggo ka ba mananatili dito?" tanong ko naman sa kanya. Mabilis ako nitong nilingon at madrama niyang nilagay ang kanyang kamay sa dibdib niya.

"Grabe, ah... Parang gusto mo na akong paalisin dito. Parang nung kailan lang ay pinipigilan mo ako pero ngayon... Tsk tsk tsk," napapailing at tila disappointed na sambit nito. Kunot noo ko naman itong tinignan. Humalakhak naman ito pagkatapos ng ilang sandali na nakatingin ako sa kanya.

"I don't know if you just want me to annoyed or you're just insane..." napapailing na sambit ko sa kanya at mas lalong tumaas ang kilay ko nung mas tinawanan lang ako nito.

But I admitted it, mas okay talaga na ganito siya. Masaya at magaan ang pakiramdam kesa naman 'yong nagkukulong siya sa room niya na hindi naman alam kung buhay pa ba siya o hindi. Pero ngayon ibang-iba na siya... Mula sa masungit at iyaking babae noon ay babaeng halos hindi na matapos ang tawa ngayon.

Panay lang ang buntong hininga at iling ko sa kanya. At nung natapos ang tawa nito ay halata pa rin ang pagpipigil niya sa tawa kaya hindi ko na rin mapigilan ang pagngisi. Tila nakakahawa kasi ang mga ngiti at tawa nito. Tss... This girl is different. Ibang-iba sa mga babaeng nakilala ko na noon.

The girls I have met or even my girl are naturally hyper and happy but this girl is not usually happy. But when she is, it is contagious. Her smile and laugh is contagious. Kaya hindi mo rin mapipigilan ang pagngiti mo... But what the h'ck? Ano 'tong sinasabi ko? Tss.

"I will choose the first one na lang siguro..." saad nito nung kumalma at natapos na ito sa pagtawa pero bakas pa rin ang pagkatuwa sa kanyang mukha.

"So you want me to be annoyed?" Ngumiti naman ito at tinignan ako. Ganito ba 'to kairita sa akin para gustuhin na mainis ako? Sabagay, day one pa lang nagsusungit na ito sa akin.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) Where stories live. Discover now