CHAPTER 14

0 0 0
                                    

DIVING.

AIKEN POV.
Nakita ko agad ang mga imbitasyon na pinapadala sa akin dito nung buksan ko ang cabinet sa desk ko. Family event iyon mula sa mga businessman na nakakausap. Nakita ko nga doon ang imbitasyon nila Dasten sa akin.

Malapit na iyon at nagbabalak pa naman ako na umuwi muna sa Manila kaya napapaisip ako kung pupunta nga ba ako o hindi. Panigurado ay susugurin ako no'n dito kapag nalaman nila na wala ang matalik nilang kaibigan.

["Nako, for sure, magtatampo si Ate Girl sa'yo. Napakaarte pa naman no'n,"] saad ni Les nung tanungin ko ito tungkol imbitasyon nila Dasten. Kaibigan din siya ni Dasten kaya alam niya ang ugali nung magiging asawa ni Dasten.

Tumawag ito para mangamusta. I wanted to clear things between us but tuwing sinusubukan kong buksan ang topic ay winawala niya. Hindi ko sigurado kung marami ba siyang gustong sabihin kaya gano'n o talagang iniiwasan niya iyon dahil alam niya na kung saan patungo ang sasabibin. I don't know. Pero mas maganda nga kung sa personal ko na lang siya kausapin tungkol doon.

["Kaya kung ako sa'yo, go ka na. Umuwi ka na,"] dagdag pa nito.

"I'll check the sched." Narinig ko agad ang pagbuntong hininga ni Les sa kabilang linya.

["My gosh, Aiken! Gusto mo ba sunduin ka namin d'yan para lang umuwi ka na dito? Alam mo kasi, pwede mo naman ireschedule 'yan. Ikaw naman ang boss. Tsaka alam mo talaga magwawala na ang kapatid mo kapag 'di ka pa umuwi. Malay mo mamaya may boyfriend 'yon, sige ka,"] mahabang saad ni Les tila kinukumbinsi ako na umuwi na. I actually have plans but I don't know why, nagdadalawang-isip talaga akong umuwi.

"Maganda ang kapatid ko kaya hindi malabo 'yan," sambit ko. At hindi ko rin naman kasi mapipigilan 'yon kung gusto niyang magkaboyfriend. Ngunit wala naman ako nababalitaan at wala ring sinusumbong sa akin ang tutor niya kaya panatag ako na wala itong boyfriend ngayon.

["Fine, fine! E'di kayo na ang lahi ng mga magaganda at gwapo. Tse, pero umuwi ka na talaga. Minsan-minsan lang 'yan. Hindi ka naman maghihirap kahit more than a year ka pa hindi magtrabaho. Sa yaman niyong 'yan, impossible. Wala sa vocabulary niyo ang maging mahirap 'no,"] Natatawa na lang ako sa sinasabi ni Les para makumbinsi lang akong umuwi.

"Pinag-iisipan ko talaga umuwi—"

["Huwag ka nang mag-isip pa, go na agad. Anyway, I gotta go. I know na busy ka rin kaya babye na, pumpkin!"] Napailing na lang ako dito.

"Alright, bye..." saad ko bago tuluyan na binaba ang tawag. Tinigilan ko na ang paglalaro sa paper star na binigay ni Amanda. Ibinalik ko iyon sa loob ng jar bago ako tuluyan na tumayo.

I'm done with my work already. Tinapos agad 'yon para naman hindi lang ako puro trabaho ang gawin ko buong maghapon. Narinig kong kumalabog ang pintuan na ni Amanda kanina kaya nasisigurado ko na nasa baba na ito ngayon.

"Sir, himala at bumaba ka na ngayon..." sambit ni Rian. Kausap nito si Anicka at Dianne ngunit natigil nung makita ako.

"Oo nga, mukang maaga natapos sa trabaho, Sir," ngiting-ngiti na sambit ni Dianne.

"Because he's going to enjoy his day with someone..." saad ni Anicka na pabiro pa akong tinignan bago sinenyas sa akin ang likuran ko.

Napalingon naman ako sa likuran ko at bumangad si Amanda sa akin. May kasama at kausap itong matandang mag-asawa. She seems ready for our diving. She's wearing her beige one-piece together her cover up skirt and she's also wearing her bandana headband that makes her perfect.

Napag-usapan namin na mag-diving ngayon since maayos na ang paa nito at wala pa daw siyang nagagawa na activity dito sa resort.

"Grabe namang ngiti 'yan. Ang gwapo! Doon na nga ako..." saad ni Dianne kaya napalingon ako muli sa kanila ngunit naabutan ko lang itong naglalakad na patungo sa front desk.

Unwanted Life (CREED SERIES #3) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें