Napatungo naman si Shaira, hindi Niya Alam ang gagawin Pero sa nakikita Niya ito na ang pinaka mabisang paraan upang matalo nila si wayom. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanilang pinuno!. Gagawin Niya ang inuutos ni Kaizen.

Nakita ni Kaizen na naghanda na si Shaira. Mukhang pumayag na ito. Napangiti siya rito at ngumiti rin ito pabalik. Humarap siya Kay wayom, para itong baliw sa katatawa.

"Handa ka na ba bata!? Handa ka na bang mamatay!" Sigaw nito at mabilis na kumilos.

Mabilis na inilabas ni Kaizen ang kanyang espadang lilang apoy.

Clang!
Clang!
Clang!

Espadang apoy niya laban sa mga kuko ni wayom. Magkasingbilis lang sila, kapag tinatangka ni wayom na sumugod Kay Shaira ay mabilis na nakakaharang agad si Kaizen. Sa inis ni wayom ay naisip niyang pagtuunan nalang muna ng pansin ang batang lalaki.

Dahil dito, nakita itong pagkakataon ni shaira upang palihim na tumakas.

Ng mapansin ni wayom na biglang Nawala ang awra ni Shaira ay bigla siyang tumigil sa pagsugod Kay Kaizen at akmang hahanapin at hahabulin si Shaira. Pero bago paman siya makaalis ay may pumulupot na sa kanya ng Isang Kadena.

Naiinis siyang tumingin sa batang si Kaizen na kasalukuyang nakangiti sa kanya. "Wag Kang tumakas, ang duwag mo naman upang takasan ang batang tulad ko." Pang-uuyam nito sa kanya.

Sa inis ay sinira Niya ang kadenang nakapulupot sa kanyang katawan.

"Ahhhhh!"

"Sinong may sabing tumatakas ako?!" Nagagalit niyang sigaw, "humanda ka sakin bata ka! Titirisin kita ng pinong-pino!" Nanggagalaiti itong sumugod.

Mas naging mabilis pa ito, hindi na nakakaya pa ni Kaizen ang sabayan ito kaya naman may mga nakakalusot na atake mula rito ang tumatama sa kanya.

Blag!

Paglagapak ni Kaizen sa lupa ng Tamaan siya ng hampas mula sa kamay ni wayom.

Thug!

Bumaon sa lupa ang paa ni wayom ng tangkain niyang pisatin ang ulo ni Kaizen sa pamamagitan ng mga paa nito, mabuti nalang at nakaiwas agad si Kaizen at mabilis na bumangon at paatras na tumalon.

Mabilis pinalitan ni Kaizen ang kanyang espadang lilang apoy at ginawang malalaking bolang apoy. Agad Niya itong ipinatama sa kalaban ngunit balewala lang nitong naiiwasan.

Muli siyang sumubok, naglalabas siya ulit ng kanyang kapangyarihan apoy, pinalaki Niya ito na parang Isang buhawi.
ng sapat na ang laki ay inihagis Niya na ito patungo Kay wayom. 

"ignispurpuraturvo!" Sigaw Niya

Hingal na hingal si kaizen, tagaktak narin ng kanyang pawis at nanginginig na ang Kanyang mga kalamnan, hindi Niya pa kabisado ang skill na ito dahil ito palang ang unang beses na ginamit Niya ito kaya naman halos kalahati ng kanyang enerhiya ang kanyang nagamit para lamang sa atake na ito.

Makikitang may binuong Harang si wayom upang di agad ito matamaan sa malaking buhawing lilang apoy ni Kaizen. Napataas ang kanyang mga kilay ng mapansin nagkaroon ng lamat ang kanyang binuong Harang kaya naman bago pa ito tuluyang mawasak ay nakapaghanda na siya. Gumawa siya ng Espadang itim na gawa sa kanyang kapangyarihan. Kaya ng mawasak ang Harang at papalapit na sa kanya ang ataking ginawa ng batang si Kaizen ay agad siyang tumalon pataas at sinalubong  ang buhawi sabay angat sa Espadang itim, "gladius strike!" Usal nito.

Agad nahiwa sa gitna ang buhawing lilang apoy ni Kaizen. Sa nakita ay nagkaroon ng alinlangan sa sarili si Kaizen. 'paano ko siya matatalo? Iyon na ang kasalukuyan Kong pinakamalakas na atake Pero baliwala lang nito iyong nahati.?' nakakaramdam na siya ng Pag aalinlangan. Nahiling Niya nalang na sanay dumating na agad ang taong hininga ng tulong ni Shaira. Aminado siyang hindi Niya pa kaya ang lalaki.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now