Napatangin naman si Shaira Kay Kaizen ng marinig ang sinabi nito, nagkaroon ng kakaibang kasiyahan sa kanyang puso.

Napangisi naman si wayon. "tsk! Maling disisyon bata, anong Panama mo sa aming Tatlo? Kahit na Isa Kang goldrank ay hindi mo kami kakayanin, Isa ka paring kutong lupa na aming titirisin. Sabagay, hindi naman malalaman ng taga goldbath ang mangyayari sa iyo dahil sisiguraduhin Kong ipapakain kita sa mga halimaw na narito." Humalakhak ito ng malakas at Tumingin ito Kay Miko at sinenyasan. Nakuha naman agad ni Miko ang nais ni wayom kaya agad itong kumilos.

Napansin naman ito agad ni Kaizen kaya may inilabas siya agad. Ang kanyang entrenamientong triangulum, ito na ang huling beses na magagamit Niya ito. Tumingin siya Kay Shaira bago pinagana agad ang triangulum. Bago pa man tumama ang ataking pinakawalan ni Miko ay napalibutan na sila ni Shaira ng Isang Harang. Dahil tumama ang ataki ni Miko sa Harang ay biglang naging aktibo ang triangulum at ibinalik kay Miko ang kanyang  ataki. Tumilapon ito pabalik kina wayom.

Namamanghang naman sa nasaksihan si Shaira. "Ang galing!, may ganito Kang kayamanan?" Natutuwa nitong Saad.

Hindi tumugon si Kaizen sa halip ang sinabi nito Kay shaira. "Makinig ka Shaira, dito ka lang, protektado ka ng Harang na ito. Hindi nila ito basta-basta mawawasak."

"Bakit? Lalabanan mo ba sila?" Nag-aalalang tanong ni Shaira.

Tumalikod na si Kaizen sa kanya. "Oo, kailangan.,, dahil hindi naman tayo habang buhay maaring manatili sa Harang na ito. May limitasyon din ito, bago pa maubos ang aking enerhiya , mas mabuti ng labanan nalang Silang Tatlo."

"Sigurado ka? Baka mamatay ka?"

Ngumiti si Kaizen , "wag kang mag-alala, basi sa aking obserbasyon, naabot lang nila ang kanilang mga antas dahil sa pagkunsomo ng kayamanan inyong ginagawa. Hindi ko maramdaman o makita ang tibay ng kanilang pundasyon." Tumingin ito sa kanyang mga mata at hinawakan ang kanyang mga balikat at nagsalita. "Hindi ako mamamatay, baka sila" may kakaibang ngiti ito bago lumabas  sa Harang. Lumipad ito at bumaba, ilang metrong layo mula sa tatlong ka-tribo Niya.

"Maganda ang iyong entrenamiento, sayang at hindi na namin mapapakinabangan. Pero mukhang may iba ka pa naman kayamanan, Yun nalang ang aming kukunin sa iyo bata." Nakangising usal nito. "Tiko, Miko, kayo na bahala sa paslit na iyan, bilisan niyo, ng sa ganun matapos na tayo rito, Pag namatay na ang batang iyan, eh mawawala na ang Harang, madali nalang natin mapapatay si shaira. Kaya madaliin niyo ang Pagdispatsa sa batang pakialamerong iyan!" Utos nito at pumunta sa Isang natubang puno at doon umupo.

"Masusunod wayom!" Tugon ni tiko. Tumingin ito Kay Miko, "ako na ang lalaban sa kanya, hindi mo na kailangan sumali, Isa lang yang bata, masyadong insulto kung magtutulungan pa tayo." Pahayag nito at naghanda na. Sa isip Niya 'sisiw lang ito'

Nagkibit balikat lang si Miko, at hinayaan nalang siya. Nanatili nalang ito nakabantay Kay Shaira para kung sakaling mamatay na ang batang lalaki, mabilis Niya nalang mapapatay ito oras mawala ang Harang.

Humanda na si tiko, Nilabas Niya ang kanyang pamaypay at sinabing "Bata, pagbibigyan kita, pwedi kang maunang sumugod!" Sigaw Niya rito. Habang Nakangisi ng malaki.

Nang-inat lang si Kaizen, Pinatunog ang mga buto sa leeg, kamay at paa. Pagkatapos niyang ikundisiyon ang sarili ay ngumisi at tumingin ng derestso sa mga mata ni tiko.

Napataas naman ng kilay si tiko sa kakaibang tingin ipinukol sa kanya ng bata at sa kakaibang ngiti nito sa mga labi. Magsasalita na Sana siya dahil ayaw Niya sa mga tingin nito ay nabigla siya dahil sa Isang kisap mata Niya lang ay nawala agad si Kaizen. Napalingon-lingon siya, hindi Niya ito makita.

Maging si Miko ay nagulat sa bilis na ipinamalas ni Kaizen, maging siya man ay hindi ito maramdaman at hindi Niya nakita kung saan ito nagtungo. Sa paglingon niya sa likuran ay may tumama sa kanyang Isang maliit na paa.

Boogshh!

Tumama siya sa puno, Sapul ang kanyang mukha, halos Mabali ang kanyang leeg sa lakas ng sipa ng batang si Kaizen. Mababa lang ang depensa Niya dahil hindi Niya akalaing surpresa siyang aatakihin ng bata kaya napuruhan siya.

"Hoy! Ako ang kalaban mo bata!" Sigaw naman ni tiko ng mapansin nito na si Miko ang inataki nito. Lumingon naman sa kanya ito at ngumisi. Sa Isang iglap lamang ay nasa harapan Niya na ito, at sinuntok siya sa tiyan. Tumilapon siya pataas habang namimilipit ang kanyang sikmura sa sakit. Hindi pa tapos si Kaizen dahil mabilis din itong lumipad pataas at lumitaw sa likuran ni tiko saka binigyan ng malakas na sipa paibaba naman.

Para naman narinig ni tiko na nabali ang kanyang likuran. Bumulusok siya pababa.

Thugs!

Nagkaroon ng malalim na hukay ang lupa ng tumama si tiko rito.

Nakabangon na si Miko. At nakita Niya ang nangyari, nagkaramdam  siya ng galit at mabilis na nagpakawala ng atake sa bata.

Agad naman naramdaman ni Kaizen ang mga paparating na atake ni Miko, mabilis siyang umilag at wala pang tatlong segundo ay lumitaw siya sa harapan nito. At nagwikang "masyadong mabagal" pang-iinsulto Niya rito, saka sinampal ng napakalas si Miko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Shaira sa gulat sa nakikitang pangyayaring labanan. Hindi Niya maintindihan bakit nakakaya ni Kaizen bugbugin lang ang dalawa na para bang ang hihina ng mga ito Samantalang mas mataas ang mga antas ng dalawa kumpara dito.

Ito ay dahil ang pinupunterya lang ni Kaizen ay ang pisikal na katawan ng dalawa, dahil sa Hina ng pundasyon ng dalawa sa kanilang kapangyarihan, kahit na nagtataglay ang mga ito ng mataas na antas ay hindi naman nila nagawang patibayin ang kanilang mga katawan. Hindi katulad Niya na kahit ang Kanyang mga balat ay para ng Isang bakal sa tibay. Ito ang rason kung bakit importante rin ang pisikal na pag-eensayo ng sa ganun tumibay ang mga kalamnan at magawang masuportahan ang lakas ng enerhiyang ibinibigay ng star system sa katawan ng Isang adventurer.

Kung mapapansin lang nila, iniiwasan ni Kaizen ang matamaan ng kanilang mga kapangyarihan. Ito ay dahil malakas parin ang kanilang mga kapangyarihan na kapag mapuruhan si Kaizen ay maaari siyang mapinsala. Mabuti nalang at may kakaiba siyang bilis na hindi kayang sabayan ng dalawa.

Hinahayaan Niya ang dalawa sa pagpapakawala ng mga malalakas na atake upang magkumsumo ang mga ito ng malaking enerhiya mula sa Kani-kanilang star system, Ng sa ganun ay mapagud at di magtatagal ay manghihina ang mga ito dahil sa kasagaran sa enerhiya.

Hanggang sa napagud na nga ang dalawa. Makikita rin ang mga pinsala ng mga ito. Hindi sila makapagpalabas ng recupill dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon ng bata. Agad agad itong lumilitaw , sa Kanilang harapan, likuran, taas , sa baba, o tagiliran. Hindi nila ito kayang mahabol sa sobrang bilis nito kaya ngayon ay bugbug sarado sila.

Hanggang sa nawalan na nga ng malay si tiko. Habang nanghihina naman si Miko. Sa huling pagkakataon, inilabas Niya ang Isang bote na naglalaman ng mga recupill. Bubuksan na Sana Niya ito Pero may tumapik sa kanyang kamay kaya nabitwan Niya ito at mabilis na kinuha ni kiazen.
Nanlaki ang kanyang mga mata. "I-ibalik mo yan!" Pagalit niyang sigaw.

Umiling lang si Kaizen at inilabas ang kanyang bolang apoy. At ipinatama dito. Sa kanyang isipan. 'ang hihina naman ng mga ito, ni hindi nila nagawang patibayin ang kanilang mga balat. Nasa ikatlong antas na sila ng gold rank, Pero ang kanilang mga katawan ay parang nasa ordinaryong silver rank lang.'

Nagsisigaw si Miko, dahil sa hapdi ng lilang apoy, para siyang sinusunog. Ngunit Biglang may itim na kapangyarihan ang tumama Kay Miko kaya unti-unting nawala  ang lilang apoy. Makikita ngayon ang ilang nasunog na parti ng katawan ni Miko.

Mabilis na umatras si Kaizen. At seryusong  tumingin sa huli niyang makakalaban. Ang umuusok sa galit na si wayom.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now