CHAPTER 34

92 2 0
                                    

KIRA'S POV

Medyo may kahabaan na ang pila sa school nang makarating kami, buti na lang hindi na namin kailangan pang pumila.

Last week pa kasi ako nag paschedule kaya ang kailangan na lang naming gawin ay ipakita ang requirements ng mga bata.

Kailangan din nilang makita kung qualified ba ang mga batang ito sa school na'to base sa behavior at kaalaman na akma sa grade level nila.

Sina Apple at Potchi ang magkasama, parehas kasi silang nasa high school na — tatlo sana silang mag eenroll ngayong taon kaya lang ay 2 months na lang kasi ang pasok.

Susunod na lang daw ang kuya nilang si Lychee, patapos na kasi siya sa junior high at mas maaga ang end ng classes nila need kasi nilang mag practice para sa pag-akyat ng stage.

Nakaupo ako sa labas ng room kung saan nag eexam ang dalawang anak ko.




1 hour have passed lumabas na ang dalawang bata.

Maging ang mga anak ni Ate Minerva ay akay-akay niya nang lumabas sila.

Naupo lang kami sa bench habang inaantay sina Apple at Potchi baka abutin pa kami ng dalawa hanggang tatlong oras dahil 120 items ang exam nila.

It's already 3PM, napatingin ako sa phone ko nang may mag pop-up na notification doon.

I saw an unregistered numbered just texted me.

"Nasaan ka mahal ko??" Ani nito sa text message.

Sigurado akong si Xanth to — bahagya naman akong napangiti nang muling makita ang endearment na ginamit niya.

Nag tipa ako ng message saka yon sinend.

"At school, Luke and Lucas are with me." Reply ko naman.





Pagkadating namin sa tapat ng pinto nakita ko ang kotse ni Xanth na nakaparada sa tapat ng bahay.

May duplicate naman siya ng key card kaya for sure nasa loob na siya.

Nagpaiwan muna sa bakuran sina Ate Minerva at mga anak niya, gusto daw kasi nilang tignan ang mga halaman.

Pagpasok ko sa bahay ay halos mapatalon ako sa nakita ko.

I saw a cage..

With 2 cats, kulay gray ang balahibo nung isa and the white one looks familiar...

Bago pa man ako makalapit sa cage ay nakita ko si Xanth mula sa kusina, his black coat was placed on the couch.

He's wearing a black polo, 3 buttons were unbuttoned exposing his well built chest.

His forehead had some grains of sweat on it.

May iilan siyang buhok na bahagyang nalaglag sa kaniyang noo, inaayos nito ang pagkakatupi ng polo sa kaniyang braso before our eyes met.

Damn! Why does he look so hot.

"You're home na pala.." Agad niyang saad saka ngumiti ng napakaaliwalas tanggal talaga pagod mo sagad hanggang kaluluwa.

Lumapit ito sa'kin at kinuha ang dala-dala kong bag sabay patak ng halik sa pisngi ko, which made me feel like I was a statue.

Yumapos naman ang dalawang bata sa binti niya.

"Papa where's my Jollibee?" Masiglang tanong ni Luke.

Naglakad naman ito papalapit sa mga paper bags hindi niya alintana ang dalawang batang nakalambitin sa paa niya.

Inilapag niya ang isang paper bag sa mesa at inilabas ang dalawang happy meal.

Agad namang bumitaw sa paa niya ang dalawa at naupo sa couch para magsimulang kumain.

Hindi pa man nila nabubuksan ang pagkain nila ay nagsalita ako.

"Wash your hands first."

"Okay po.." Tugon naman ni Lucas saka inakay ang kapatid niya patungo sa cr.

May kinuha uling paper bag si Xanth saka lumingon sa'kin at naglakad papalapit.

Bago pa niya iabot sa'kin yun ay tinuro ko ang cage na may mga pusa.

"Para kanino to??" Tanong ko sa kaniya.

Lumapit ito sa cage at binuksan yon..

Naunang lumabas ang kulay gray na pusa.

Pagkalabas niya ay agad itong lumapit sa'kin at nakikipaglaro, he's so energetic and playful which made me smile.

"This is Stormy, he's a male cat — scottish fold.. "

Ang isa naman ay kinailangan pang kunin ni Xanth nang sapilitan para lang mapalabas sa cage.

"SNOWYYYY!!!" Ani ko, I knew it was her.

Unlike the other cat hindi ako pinansin nito, nahiga lang siya agad sa sahig at naglinis ng kaniyang sarili.

"She's pregnant." Saad ni Xanth — oh that explains why.

Si Snowy kasi ay parang si Stormy rin lalo nung bata pa ito.

I'm so happy na may alaga na uli akong pusa dito sa bahay.

"I didn't know na inaalagaan mo pa rin pala si Snowy.." Saad ko saka bahagyang ngumiti.

I heard him chuckled.

Napalingon naman ako sa pinto ng cr nang makita ko ang dalawang bata.

Mabilis silang tumakbo papalapit sa pagkain nila at agad na nilantakan iyon.

Tumingin pa sila sa papa nila at sabay nagsalita.

"THANK YOUU PO!!"

Ngumiti naman si Xanth, may inabot itong paper bag sa'kin.

"Your strawberries.." Sabi niya.

Malugod ko itong tinanggap, but bukas ko na to kakainin kaya ilalagay ko muna sa ref.

"A-Arigathanks.." Ani ko..

It's already night time, nakakain na kaming lahat.

Nalinisan ko na ang mga bata.

Nakabili na rin kami ng pansamantalang higaan nila Ate Minerva.

Nagpumilit sila na sa sala na lang daw sila matutulog dahil may sofa naman at may higaan na rin naman daw.

Nakasuot na ako ng pantulog, ang tatlo ay nakahiga na sa higaan at masayang nagtatawanan.

Nakaupo ako sa sofa katapat ang table ko.

May chinicheck lang akong documents para sa interview ko.

Sunday na kasi bukas and sa Monday na ang interview, buti andito na si Ate Minerva may mapag-iiwanan ako ng mga bata.



Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

Lumingon ako sa kaniya, I saw a very handsome man. Damn!

"B-Bakit?! Ginulat mo'ko!" Masungit kong tanong sa mahinang boses.

"My bad, tulog na tayo.." Saad niya, lumingon ako sa dalawang bata — payapa na silang natutulog.

"Wait.. just a minut-" Just a blink of an eye karga na niya ako.

Inanetong lalaking to!!

Dahan-dahan ako nitong inilapag sa malambot na kama.

"Good night, wifey.." Ani pa niya saka naglakad papunta sa kabilang side ng kama.

"Good night!" Sarkastiko kong saad saka umirap sa hangin.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago tuluyang nahiga.

Yumakap ako kay Lucas, si Luke kasi ay andun sa side ng papa niya.

I closed my eyes as darkness invaded my vision.






A/N:
Please vote!!!
-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now