CHAPTER 30

90 5 0
                                    

KIRA'S POV

Hindi naman ganon kalayo ang byahe kaya nakarating agad kami sa meeting point namin.

Inakay ko pababa ng taxi ang dalawang bata na talaga namang tuwang-tuwa nang makakita ng Jollibee.

"Mama, punta tayo doon oh." Turo ni Luke sa Jollibee.

"Later baby, may kukuhain po muna tayo ah?" Tugon ko sa request niya.

Tumango lang ito saka ngumiti ng tila abot tenga, nagpatuloy kami sa paglalakad sa hall bago namin narating ang café.

Pagpasok namin ay agad akong naghanap ng table para doon mag-antay.

Nakakita ako ng bakanteng table.

"Behave lang kayo ah, upo mun-"

"Papa!!" Sigaw ni Luke saka tumakbo sa lalaking kakapasok lang sa pinto ng café.

Paglingon ko ay pakiramdam ko namutla ako nang makita siya dito.

Crap!

Anong ginagawa nito dito?? Coincidence??!

Naglakad ito papalapit sa'kin karga-karga si Luke habang si Lucas naman ay nakayapos sa binti nito.

"What are you doing here??" I asked him then raised my eyebrow.

"Mama gagalitan na naman si papa eh.." Saad ni Luke saka kumamot sa ulo niya.

May inilapag siyang itim na box sa table.

"You were the one who called me, didn't you?" Kalmadong sabi nito.

Sinilip ko kung ano ang laman ng box, I saw an urn, made with marble and Lynx's name was on it.

What?!

"Lynx's business partner huh?" I said, I kinda sound like mocking him.

He just glanced at me as if I was his prey.

"Papa jollibee tayo." Nakangiting saad ni Luke habang karga-karga siya ng papa niya.

"Ask your mama first." Tugon nito saka ako binalingan ng tingin.

"Mama jollibee.."

Napapikit ako nang mariin saka ako tumango. Kinuha ko ang box tsaka nagsimulang maglakad kasunod ng tatlo.



Papasok pa nga lang kami halos lumundag na sa tuwa ang dalawang chikiting.

Naghanap lang kami ng table para sa apat.

"Ako na oorder." Saad ni Xanth saka mabilis na naglakad papunta sa counter.

Nauna nang maupo ang dalawa, magkatabi pa talaga.

No choice, naupo ako malapit sa glass wall, leaving another seat for Xanth.

I still can't believe, how come they are business partners?

Nakatulala ako sa glass wall, tinitignan ang mga tao at sasakyang nadaan — while questions were running in my head.


Ilang saglit lang bumalik na si Xanth, naupo ito sa tabi ko kaya umurong ako ng kaunti papalayo sa kaniya.

"Papa, did you order fried chicken for me and kuya??" Tanong ni Luke dito.

"Yes baby, make sure mauubos niyo yun ha."

"Okay."

"Okie dokie."

Sabay na saad ng dalawa dahilan para masilayan ko ang ngiti ng lalaki sa tabi ko.

Maya-maya lang ay may nakita akong waitress na may dala-dalang tray.

Pagkalapag niya sa table namin, ay may kasunod pang waiter na paparating.




My jaw dropped when I saw all the foods that he ordered.

What in the what??

Napasinghap na lang ako, habang ang dalawa syempre tuwang-tuwa.

"How much??" I asked then pulled up my wallet from my bag.

"No need, consider it as my treat for my — our sons." Saad nito saka kumindat at ngumiti sa akin.

Sinamaan ko ito ng tingin, kumuha ako ng 10k sa wallet ko at pilit na ibinibigay yun sa kaniya.

Hinuli nito ang dalawang kamay ko at ipiniid sa bandang hita niya, maybe para hindi makita ng dalawa na busy sa paglantak ng pagkain.

I gave him a death glare, na tinawanan lang niya ng bahagya.

Inilapit niya ang kaniyang bibig sa tenga ko saka nagsalita.

"My lovely wife who gave birth to my sons is the most valuable thing that I've had, if you want to repay me for this — living with me is the only payment that I want and I need." Saad nito saka bahagyang kinagat ang tenga ko.

Ano ba naman tong lalaking to, wala talagang pinipiling lugar - sa harap pa ng mga anak ko.

Pakiramdam ko'y nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya.

Lumayo ito at umayos ng upo kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko.

"Mama Papa, kain na rin po kayo." Saad ni Lucas sa amin.

Natawa ako nang makita ko ang mukha nilang dalawa.

Their mouth was covered with spaghetti sauce.

Kumuha ako ng tissue sa bag ko saka sila pinunasan.

"Messy eater." Ani ko sa dalawa.



Masaya kaming kumain, isinantabi ko muna ang pagkairita ko sa katabi ko para sa dalawa.

They looked so happy, the smile on their faces is priceless.

Nangangalahati pa lang ang binili ni Xanth pero busog na kami.

"Papa I'm so full na." Saad ni Luke habang hawak-hawak ang tiyan niya.

"That's good to hear baby." Tugon naman ni Xanth habang may nakapakong ngiti sa kaniyang labi.

"Sorry po we're not able to finish all the foods Papa.." Ani naman ni Lucas.

"Nah, it's fine ang importante nabusog kayo.." Sagot nito kay Lucas.

"Let's go home na??" Tanong ko sa dalawa.

"Yes po."

"Oum."

Sabay nilang tugon.

Nilinisan ko muna ang mukha at kamay nila bago ako tumayo.

"I'll give you a ride." Sabi ni Xanth habang nakatingin sa'kin.

"Hindi na, nilibre mo na nga kami ei — mag tataxi na lang kami, baka nakakaabala na kami." Ani ko dito, but he still insisted so ending ayun andito na kami sa kotse niya.

We're on our way home, tulog na ang dalawa sa backseat habang ako'y nakaupo sa passenger seat katabi ang papa nilang nagmamaneho, malamang.

"Kira... Kailan mo balak umuwi sa bahay??" Biglang tanong nito, parang nilisan ng dugo ang buong katawan ko sa sinabi niya.

"Our home is so empty.. and it doesn't seem home anymore without you.." Dagdag pa niya, dahilan para mapakagat ako sa labi ko.

Sumandal ako sa back rest ng upuan saka mariing pumikit, I let out a sigh.

"You can just visit the house whenever you feel alone.." I said in a calm tone while my eyes are still closed.

"I always feel alone.." Saad nito, bakas sa boses niya ang lungkot.

Napabuga na naman ako ng hangin, hindi ko na alam pa anong sasabihin ko sa kaniya.

Hindi na lang ako sumagot pa, nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

Hanggang sa naramdaman ko ang pamilyar na pakiramdam, inaantok na ako.







-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now