CHAPTER 2

296 5 0
                                    

KIRA'S POV

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbuhan dito sa barko. I'm still mad at Dad dahil sa arranged marriage na yun.


FLASHBACK

"Kira open this door." Malamig na utos ni Dad sa labas ng kwarto ko.

Nanghihina akong bumangon para buksan ang pinto ng kwarto ko. Pagkabukas ko ay agad akong niyakap ni Dad. Hindi ko napigilan ang mga luha kong nagbagsakan.

"I'm sorry Kira, but this is for the best." Walang emosyong saad ni Dad.

"Why??" Umiiyak kong tanong. Hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan kong makasal sa taong hindi ko kilala.

"Mas masesecure natin ang company natin kapag nagpakasal ka sa kaniya, may company din sila. In order to save our company, nakipag kasundo ako sa kanila."

Hindi ako makapagsalita, pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses. Tanging iyak lang ang ginawa ko. How can he do this to me. Ang sakit sakit lang isipin na mas pinipili niya ang kompanya kesa sa sariling kaligayahan ko.

Wala na rin akong magagawa naka set na daw ang lahat. Naiisip kong takasan na lang ang lahat, dahil hindi ko matanggap.

"I'll just sleep, can you leave?" Mahinahon kong sabi kay Dad.

Tumango naman siya at umalis, tinignan pa niya ako bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Kinuha ko sa desk ko ang ticket sa cruise na pinabili ko kina Lyca at Maya. Kumuha lang ako ng ilang pirasong damit, shorts, and undergarments at inilagay yun sa bag ko.

Napatingin ako sa salamin, nakita ko ang mugtong mugto kong mata kakaiyak. Kinuha ko ang phone at wallet ko tsaka yun inilagay sa bulsa ko.

Kinuha ko ang kumot tsaka bedsheet ko saka yun itinali nang mahigpit. Hindi ako pwedeng dumaan sa pinto dahil hindi ako palalabasin nila Yaya Pen. Kaya ito lang ang naisip ko.

Dahan-dahan akong bumaba. Nang matagumpay akong nakababa mula sa 2nd floor ay dali-dali kong tinungo ang kotse ko, saka yun pinaharurot.

Nakarating na ako kung nasaan ang cruise ship na sasakyan ko. Hinatid ako ng staff kung nasaan ang kwarto ko. Ang daming tao sa labas, nandito lang ako sa kwarto ko nagmumukmok.

Naisipan kong kumain dahil bigla akong nagutom, pumunta lang ako sa dining room saka umorder ng pagkain. Medyo naiilang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin.

Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil nawalan ako ng gana nang maalala ko ang usapan namin ni Dad. Bumalik na'ko agad sa kwarto ko at natulog.

Pag gising ko kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko, siguro dahil to sa kakaisip ko sa arranged marriage na yun.

"Ano ka ba naman Kira, wala ka nang magagawa mag enjoy ka na lang muna dito sa barko. Namnamin mo muna habang di ka pa kinakasal." Sabi ko sa sarili ko.

Mapait akong natawa. Naisipan kong lumabas para magpahangin.

END OF FLASHBACK


Biglang pumatak ang luha ko, hindi ko na napigilan. Naiinggit ako sa mga batang masayang nagtatakbuhan, walang problema mapait akong ngumiti habang lumuluha.

Tumayo ako saka tinungo ang bar dito sa barko. Wala na'kong pake kung ano man ang mangyari sa'kin gusto ko lang makalimutan ang mga problema ko kahit ngayon lang.

Pagpasok ko pa lang ay bumungad agad sa'kin ang mga taong lasing na lasing, may mga nagsasayawan, may nakita rin akong may ginagawang kakaiba.

Naglakad ako papunta sa counter at umupo don.

Napaluha ulit ako nang maalala ko ang kasal ko, tinungga ko ang alak na nasa harap ko.

Hindi ko alam anong klaseng alak ba to nakakailang inom pa lang ako iba na pakiramdam ko.

Nahihilo na'ko at umiikot na ang paningin nang may tumabi sa'king lalaki. Napatingin ako sa mukha niya at halos makalimutan kong huminga. Hindi ko maiwas ang tingin ko sa mga mata niyang kulay gray. Walang emosyon ang mukha niya.

"Can you stop looking at me?" Saad niya sa malamig na boses.

"Sorry, ang ganda ng mata mo." Diretsa kong sabi.

Natawa ito ng mahina saka humarap sakin. Hindi ko alam bakit may humihila sakin na halikan siya, napaka perpekto kasi ng mukha niya lalo na ang kulay gray niyang mata. May tama na ako ng alak, buti ay nakapagpigil ako.

Tumayo ako saka pumunta sa dance floor saka gumiling giling. Nakatingin pa rin sa'kin ang lakaking may gray eyes. Nakita ko itong napalunok kaya natawa ako.

Hindi na'ko nakasayaw nang may brasong pumalibot sa bewang ko saka ako hinila, hindi ko alam san ako dadalhin ng lalaking to.








LEWIS'S POV

Tahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan ang wifey kong maganda. Nakasuot ito ng oversized t-shirt tsaka short naka tsinelas lang din siya, kahit wala itong makeup ay napaka ganda niya.

Flawless ang kanyang kutis, halos kasing puti siya ng labanos, mapupula ang mga labi niya, mahahaba ang pilikmata nito and she has hazel eyes na hindi nakakasawang titigan, pointed din ang ilong niya. Napakaperpekto niya sa'king mga mata.

Napansin kong parang hindi ito makakain ng maayos, nararamdaman niya yata ang mga titig ko. Hindi niya na inubos ang pagkain niya at agad na umalis. Hindi ko na muna siya sinundan.

Bumalik ako sa room ko at napapikit. Hanggang sa nakatulog ako.

Minulat ko ang mata ko nang mag ring ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Clifford kaya sinagot ko ito agad.

"What??" Bungad ko sa malamig na boses.

"Woah, yung misis mo andito sa bar, nag-iinom habang umiiyak." Tumatawa niyang saad.

"Fuck!" I cursed, I immediately run until I reached the bar. I saw my wife drinking. Kumirot ang puso ko nang makita kong may luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

I sat down beside her, nagulat ito at titig na titig sa mukha ko. Fuck, ang ganda niya talaga.

"Can you stop looking at me?" Saad ko sa malamig boses, naiilang kase ako sa titig niya baka hindi ako makapagpigil at dito ko siya maangkin.

"Sorry, ang ganda ng mata mo"

Natawa ako sa sinabi niya, titig na titig pa rin ito sa'kin. Bigla itong tumayo at tinungo ang dance floor, nagsimula itong gumiling giling. Nararamdaman kong nabubuhay ang pagkalalaki ko kaya napalunok ako dahilan para matawa siya.

Nakita ko ang mga lalaking halos mabali ang leeg dahil sa ginagawang pag giling ng wifey ko. Umigting ang panga ko ng makita ko ang mga titig nila na para bang may masamang balak.

Ipinalibot ko ang braso ko sa bewang niya tsaka sya hinila patungo sa kwarto ko. Hindi ko na kayang magpigil.




-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Where stories live. Discover now