CHAPTER 33

93 1 0
                                    

KIRA'S POV

"Eat up Wifey." Saad ni Xanth habang naka cross arms na tila ba hindi alintana ang mga batang nakatingin sa'min.

"Oo na, dun ka na nga." Pagsusungit ko dito, parang gusto ko na lang magpalamon ng buhay sa lupa ei.

Nagsimula na akong kumain kaya naman naglakad na ito palabas ng kusina, sumunod naman ang dalawa sa kaniya.

Nang tuluyan itong makaalis ay bigla akong pinukaw ng tingin ng mag-iinang kasama ko.

"Ma'am ah akala ko driver niyo lang." Saad ni Ate Minerva saka ako pinaningkitan.

"Kaninang umaga akala ko biglang lumaki si Lucas." Ani naman ni Apple.

"No questions needed ma'am, confirmed na." Pang gagatong pa ni Potchi.

Lumingon naman ako sa ibang gawi saka ngumuso nang bahagya at nagkunwaring walang naririnig.

"Sorry ma'am sa sinabi kong irereto ko po kay Kiwi, akala ko kasi kagabi driver niyo talaga hindi ko po kasi maaninag ang mukha madilim kasi — pero nung nakita ko yung mukha niya kanina ma'am, walang duda." Mahabang saad ni Ate Minerva na bahagya kong ikinatawa.

"Grabe ma'am halos lahat namana nila sa papa nila, isang mata lang po ang nakuha sa inyo nung kambal." Wika naman ni Ponkan.

"Ay nako Ponkan yan din ang ikinasasama ng loob ko, pakiramdam ko hindi ko na kakayanin nung dinadala ko sila, lalo pa nung nanganganak — tas carbon copy nung ama." Saad ko saka sumubo sa pagkain ko.

Natahimik sila at hindi ako inimik, may mali ba akong nasabi? Pagtatanong ko sa sarili ko.

Napansin ko ring nagmamadali silang magsikain.

Pagtapos nila ay agad silang tumayo at mabilis na nilisan ang kusina.

Kaming dalawa na lang ni Ate Minerva ang naiwan dito sa kusina, tapos naman na siyang kumain — inaantay siguro ang pinggan ko para hugasan niya.

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong tumikhim.

"Ma'am labas muna ako.." Pagpapaalam nito saka madaling naglakad palabas.

Napalingon ako sa pinto ng kusina, and just as I thought.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo bago ko ito sinamaan ng tingin.

"Bakit?" Mataray kong tanong sa kaniya.

Naglakad ito papalapit sa'kin at niyakap ako mula sa likod, totally ignoring my attitude.

"Alis na ako." Pagpapaalam niya habang nakayapos sa'kin.

Hindi ako makaimik, hindi ko alam anong sasabihin ei.

"I-ingat ka.." Utal kong saad nang sipsipin nito ang leeg ko.

"Uuwi rin ako mamaya, baka may gusto kang ipabili?" Malambing nitong tanong.

Damn this freaking butterflies in my stomach.

"S-Strawberries.. " Maikli kong tugon.

Mabilis ako nitong isinandal sa pader saka direktang tumingin sa mga mata ko.

"Carbon copy huh? Bawi ka na lang sa sunod nating anak, bubuntisin kita uli." Nakangisi niyang saad saka kumindat.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya, bahagya ko itong sinuntok sa dibdib niya na ikinatawa lang niya. Damn ang tigas.

Lumapit ito sa'kin saka pinatakan ng halik ang magkabilang pisngi ko bago siya dumistansiya ng bahagya.

I'm kind of disappointed kaya napa pout ako.

Nakita ko namang natawa ito sa reaction ko, lumapit siyang muli sa'kin at marahan akong hinalikan sa labi — kasabay nito ay ang pagpulupot ng kaniyang mga braso sa aking bewang.

Ipinikit ko ang aking mata saka humawak sa kaniyang leeg at balikat bago nagsimulang tumugon sa malalim niyang paghalik.

Yeah! This is what I wanted, natatawa kong saad sa utak ko — ang rupok ko talaga.

Humiwalay na ito sa'kin saka ako tinignan, kitang-kita sa kaniyang mata ang labis na saya.

"Ma lalate na ako, may conference pa kami." Nakangiti niyang saad dahilan para matawa ako.

Hinalikan pa niya ang noo ko bago ako inakay palabas ng kusina.

Kinarga nito ang dalawa palabas, hinalikan niya pa bago niya ibaba nang makarating na sila sa tapat ng gate.

"Be a good boy to your mommy ah, I'll buy Jollibee mamaya." Saad niya sa dalawa.

"Yes po."

"Okie dokie."

Sabay na tugon ng dalawang bata.

Sinenyasan ako ni Xanth lumapit, kaya bahagya akong naglakad papalapit.

Pinatakan rin ni Xanth ng halik ang pisngi ko bago siya lumabas ng gate.

Pinapanood lang namin siya mula dito sa gate, pumasok siya sa kotse at isinara iyon.

Ibinaba niya ang salamin ng kotse niya at kumaway pa sa'min.

Nagsimula ng umandar ang kotse hanggang sa tuluyan na itong nawala sa aming paningin.

Inakay ko na papasok sa loob ng bahay ang dalawang bata.

Pagpasok namin ay tahimik na nakaupo ang magkakapatid sa sala.

Nagpatimpla ako ng kape kay Ate Minerva, habang tinitimpla niya kumuha ako ng papel at lapis saka ruler na din.

Umupo ako sa working table ko na nasa sala lang din.

I started to sketch the house from top view, and I draw some lines for the extension of our house.

Tinignan ko ang mga anak ni Ate Minerva at binilang sila.

"Hmm, one, two, three, four, five, six, and seven with Ate Minerva." Mahina kong bulong sa hangin.

"So... I'll extend it here and.. here."

"At room one, we'll have Apple, Potchi, Ponkan, and Cherry.."

"They'll have 2 bunk beds and.. a study table, and a closet.."

I'mma look like crazy, kinausap ba naman yung hangin ei.

"Ma'am, kape niyo po." Napahinto ako sa ginagawa ko nang nagsalita si Ate Minerva.

"Thank you po.." Saad ko saka humigop dito at nagpatuloy sa aking ginagawa.

"Sa room 2 naman sila Ate Minerva, Coco and Lemon."

"One queen sized bed, and a bunk bed for those kiddos." Nakangiti kong ani saka muling humigop.

Ok! I'm all set, the problem is wala naman akong kilalang engineer na gagawa nito.

Napatingin ako sa oras, akala ko'y napakahaba ng oras na naconsume ko — wala pa palang isang oras.

Tinitigan ko ang gawa ko, iniisip kung sino kaya ang kokontakin ko.

Kailangan magawa na to as soon as possible.

Napatingin ako sa phone ko nang nag notif yon, I quickly checked it.

Jeez! I almost forgot, ngayon pala enrollment ng mga bata.

Tumayo ako dala-dala ang kape ko at pumunta sa kusina, naabutan ko si Ate Minerva na naglilinis don.

"Ate paliguin na po yung mga bata, ngayon pala enrollment."

"Yung documents rin po na kailangan pakihanda na po."
Tuloy-tuloy kong saad.

"Ok po ma'am. " Sagot niya.

Tumango naman ako at bumalik sa sala para tawagin sina Luke at Lucas.






A/N:
Hello po sa 5 readers ko jan :>

-Lexpqt

Night With A Stranger (Kira Andrea Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora